You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Science III

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang iba’t ibang uri ng panahon;

b. nailalarawan ang iba’t ibang uri ng panahon na nararanasan; at

c. natatalakay ang mga paraang ginagawa na pag iingat sa sarili sa iba’t ibang uri ng

panahong nararanasan.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksang Aralin: Mga Uri ng Panahon

B. Sanggunian: K To 12 Basic Education Curriculum S3ES-IVg-h-4

C. Mga Kagamitan: mga larawan, mga kagamitan na sinusuot o ginagamit sa

iba’t ibang panahon, laptop at powerpoint presentation.

D. Value to be Integrated: Awareness, Appreciation, Cooperation and

Discipline

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago tayo magsimula ay manalangin muna tayo. Magdarasal

Jissel, maaari mo bang pangunahan ang ating

pagdarasal?

2. Pagbati

Magandang araw class! Magandang araw po Ma’am.


3. Pagtala ng mga pumasok at lumiban sa klase

May mga lumiban ba sa ating klase ngayong araw? Wala po Ma’am.

Magaling! Natutuwa ako at walang lumiban sa ating

klase ngayong araw. Bigyan nga ninyo ang inyong *gagawin ang fireworks clap*

mga sarili ng Fireworks clap.

4. Pagbabalik Aral

Ngayon naman ay tayo’y magbabalik aral. Tignan

nga natin kung sino ang makakaalala.

Tungkol saan ang tinalakay natin noong nakaraang Tungkol po sa mga nakikita sa kapaligir

araw? Ma’am.

Ano ano nga ulit ang nakikita sa ating mga Bundok, Mga puno, Mga halaman, Mga hay

kapaligiran? Magbigay nga kayo ng isa. po.

Gaano nga ba kahalaga ang mga ito sa ating

kapaligiran maging sa ating mga tao? Mahalaga po dahil ang mga ito po a

nagbibigay ganda sa ating kapaligiran

nakakatulong po sila upang magkaroon ng m

Magaling class! Gawin nga natin ang “Ang Galing trabaho, magagamit at makakain ang mga tao.

Clap”. *gagawin ang clap*

5. Pagganyak

Ano ang masasabi ninyo sa ating panahon ngayong

araw? Maulan ba, maaraw?

Ngayon may mga larawan akong ipapakita sa inyo at *sasagot ang mga mag aaral*

sasabihin ninyo kung anong panahon ang ipinapakita

sa larawan. Maliwanag ba class?

Opo Ma’am
Maaraw na panahon po Ma’am.

Maulan na panahon po Ma’am.

Mahanging panahon po Ma’am.

Maulap na panahon po Ma’am.


Bumabagyong panahon po Ma’am.

Mahusay class! Alam na ninyo kung ano ano ang

mga uri ng panahon na ating nararanasan. Bigyan

ninyo nga ang inyong mga sarili ng Aling Dionesia

clap.

Ngayon ay maglalaro tayo. Ang larong ito ay

tatawagin nating “Ang Panahon Ngayon”.

Gamit ang aking payong ay papaikutin ko ito at

sasabayan natin ng maikling kantang pinamagatang

“Anong Panahon Ngayon?”. Kung mapapansin

ninyo ay may mga simbolo ng mga uri ng panahon na

nakadikit sa payong. Huhulaan ninyo kung anong uri

ng panahon ang matatapat sa akin kapag sinabi ko

na ang “Stop!”base sa kanilang mga simbolo.

Maliwanag ba class? Opo Ma’am.

B. Paglinang ng Gawain

1. Paglalahad

Handa na ba kayo para sa susunod nating activity? Opo Ma’am.

Simulan na natin! Maglalaro tayo ng larong “Bring

Me”. Alam nyo ba ang larong ito?


Magsasabi ako ng mga bagay na dadalhin ninyo,

gamit ang mga salitang, “Bring me …”

Ang mauunang makapagbigay ng tamang gamit na

hinihingi ko ay makakakuha ng extra points sa ating

talakayan ngayong araw. Makibuksan nyo lamang

ang inyong mic at sabihin ang katagang “I bring it!”

kapag nakuha nyo na ang aking pinapadala.

Maliwanag ba tayo doon class?

Bring me jacket Opo Ma’am.

Bring me sunglasses o shades

Bring me umbrella o payong

Bring me raincoat o kapote

Bring me cap o sumbrelo

Bring me sando

Bring me tumbler o inuminan

Thank you class sa inyong participation.

Sa inyong palagay, ano at para saan ang mga gamit

na nabanggit natin sa ating nilaro? Ang mga gamit po na ito ay ang mga ginagam

Tama! Ito ang ating mga ginagamit o sinusuot sa po natin sa iba’t ibang uri ng panahon.

iba’t ibang panahon.

2. Pagtalakay

Base sa mga ginawa nating activity ano sa palagay

ninyo, ang ating tatalakayin ngayong araw? Tungkol po sa iba’t ibang uri ng panahon. M

activities po na pwedeng gawin at mga gamit


kasuotan na nasusuot sa iba’t ibang uri po

Tama class! panahon.

Ngayong araw ay tatalakayin natin ang mga iba’t

ibang uri ng panahon na ating nararanasan at kung

ano ano ang mga pwedeng gawin at gamitin o suotin

kapag tayo’y nakakaranas ng taglamig o tag init.

3. Paglalahad sa Paksa

Base sa mga ipinakita ko sa inyong larawan kanina,

ilang uri ng panahon uli mayroon ang ating bansa at

nararanasan natin? Lima po Ma’am.

Mahusay class!

Nayon ay iisa isahin natim ang mga ito. Handa na ba

kayong makinig? Opo Ma’am.

Ipepresent ang paksa sa pamamagitan ng Powerpoint

presentation.

Pwede ba ninyong ilarawan kung ano ang panahon

kapag maaraw? Mainit po, mabilis pagpawisan.

Ano naman ang masasabi ninyo kapag maulan?

Malamig po, hindi po makakagala o makakalab

Ilarawan nga ninyo ang mahanging panahon. ng bahay.

Malamig po at masarap maglaro ng saranggo

Anong masasabi ninyo kapag maulap ang panahon? po sa labas.

Eh paano naman ninyo mailalarawan kapag Makulimlim po at hindi po ganun kainit.

bumabagyo ang ating panahon? Madilim po ang kalangitan at malakas po a

tunog ng hangin.
Ano ang paborito ninyong uri o lagay ng panahon?

At bakit?

4. Paglalahat

Ano ano uli ang mga uri ng panahon na ating

nararanasan? Maaraw, maulan, mahangin, maulap

Magaling! Bigyan nga ninyo ang inyong sarili ng bumabagyong panahon po.

Aling Dionesia Clap.

Tandaan ninyo class na sa bawat panahon o

anumang uri ng panahon ang ating mararanasan,

bumagyo man o umaraw, palagi pa rin nating

ipagpasalamat ito kay God. Dahil kung walang

panahon, parang patay at malumbay ang bawat araw

natin, hindi ba? At hindi natin magagawa ang ating

mga gustong gawin. Lagi ninyo lamang tatandaan na

lagi kayong mag iingat sa bawat panahon na ating

mararanasan.

5. Paglalapat

Pagsusulit tungkol sa ibat ibang uri ng panahon sa

pamamagitan ng pagpepresent ng powerpoint.

Mga sagot:

1. Maaraw na Panahon

2. Maulap na Panahon

3. Mahangin na Panahon

4. Bumabagyong Panahon
5. Maulan na Panahon

IV. PAGTATAYA

“Picture Weather Game”

Magpapakita ng mga litrato sa pamamagitan ng powepoint presentation at huhulaan

ng mga mag aaral kung anong panahon kuha ang litratong ipinakita. Sasagot ang mga

mag aaral sa pamamagitan ng pagtaas ng mga malalaking flashcard ng iba’t ibang uri

ng panahon.
V. TAKDANG ARALIN

Iguhit ang pinakagusto ninyong uri ng panahon at magsulat ng maikling talata kung

bakit iyon ang napili mo.

Inihanda ni:

Roselle P. Dimarucot

BEED IIIA

You might also like