You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Science III

I. Layunin:

Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

a. Matukoy ang iba’t ibang uri ng panahon;

b. Mailarawan ang iba’t ibang uri ng panahon;

c. Maikumpara ang iba’t ibang uri ng panahon; at

d. Maiguhit ang iba’t ibang uri ng panahon;

ll. Paksang Aralin:

A. Paksa: Panahon

B. Sanggunian: Pages 159-163 (Science III Book),

C. Mga kagamitan: PowerPoint presentation, Laptop, Telebisyon, Libro saScience III,


Mga larawan, Bond paper, LapisatPang kulay

III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:
1) Panalangin
2) Ehersisyo
3) Pagbati
4) Pagtse-tsek ng mga lumiban sa klase
B. Pag ganyak:
Ang klase ay mahahati sa limang grupo.
Bawat grupo ay makakatanggap ng kani-
kaniyang larawan at mga letrang pinaghalo-
halo na nagpapakita at tumutukoy sa iba’t
ibang uri o klase ng panahon.

Base sa mga larawan, bubuo-in ng bawat


grupo ang mga letra upang tumugma ang
mga ito sa uri o klase ng panahong
ipinakikita sa mga larawan.

Idirikit sa pisara ang mga gawaing natapos.

Ang mga larawan na ito (na nasa pisara) ay


mayroong kaugnayan sa ating paksa para sa
araw na ito.

Sino sainyo ang makapag bibigay kung ano


ang tema ng ating paksa?

Lexus?

Mga uri ng panahon, Ma’am.

Tama! Ang ating paksa ay ang iba’t ibang uri


ng panahon.

C. Pagtalakay sa Aralin:
Ano nga ba ang panahon? Jaylord?

Ang panahon ay ang kalagayan ng atmospera


o himpapawirin sa tiyak na oras, Ma’am.
Magaling!

Okay class, sisimulan na natin ang ating


pagtalakay sa mga uri ng panahon. Handa na
ba kayo? (PowerPoint Presentation)
Yes, Ma’am!

Ang panahon o kalagayan ng panahon ay ang


paglalarawan sa kalagayan at
katangiang pangkalikasan sa labas
ng tahanan, gusali o
anumang tirahan ng tao, hayop, halaman at
iba pang mga nilalang. Tumutukoy ito sa
kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan,
katahimikan, pagkamaaraw, pagkamahangin,
o pagiging maulan sa isang pook, sa isang
takdang oras, na maaaring magbago.

Ang panahon ay pabago bago. May mga


araw na sa umaga ay maaraw, sa tanghali
naman ay biglang uulan at sa hapon ay
biglang aaraw ulit.

Saan at paano natin nalalaman ang magiging


lagay ng panahon sa maghapon? Xander?

Ang magiging pansamantalang lagay ng


panahon sa maghapon ay maari nating
masubaybayan o malaman sa pamamagitan
ng pagbabasa sa mga pahayagan o dyaryoat
pakikinig sa radyo, Ma’am.

Magaling!

Mayroon pa bang karagdagang pinag


kukunan natin ng kaalaman o impormasyon
ukol sa lagay ng panahon? Yes, Mary Rose?
Sa internet at mapapanood sa mga ulat
panahon sa telebisyon, Ma’am.

Magaling, Mary Rose!

Ano ano ang mga panahong ating


nararanasan? Yes, Wicia?
Maaraw na panahon, maulap, mahangin,
maulan at bumabagyong panahon, Ma’am.

Lahat ng iyan ay tama!

Ang maaraw na panahon ay nagdudulot sa


atin ng init. Init na kapag sobrang taas ay
nakakairita at nakaka pag dulot ng hindi
kaaya ayang pakiramdam.
Ano ano ang pwede nating gawin pag
maaraw ang panahon?

Sabina?
Maari po tayong maglaro sa labas ng ating
mga bahay, Ma’am.

Tama! Ngunit, laging tatandaan na ang


sobrang pagkakababad sa init ng araw ay
nakakapag dulot ng masamang epekto sa
ating mga balat.

Maliban sa paglalaro, ano pa ang maari


nating gawin?

Ronniel?
Maari po tayong magsampay ng ating mga
labada sa labas ng ating mga bahay, Ma’am.

Magaling, Roniel!

Paalala: Ang masyado o matagal na


pagkakababad sa init ng araw ay nakaka pag
dulot ng masamang epekto sa ating balat.
Ugaliing gumamit ng mga proteksyon upang
maiwasan ang mga masasamang dulot nito.

Ano anong mga proteksyon ang maari nating


gamitin laban sa init ng araw?

Yael?
Sumbrero, Jacket, Payong at Sunblock,
Ma’am.

Magaling!

Masasabi naman nating maulap ang


panahon kapag ang araw ay natatakpan ng
mga ulap. Ang maulap na panahon ay hindi
nagtatagal. Maari tayong makaramdam ng
kaunting pag lamig dulot nito. Ito ang
panahon para yayain ang ating mga
kapamilya o mga kaibigan na mamasyal sa
parke o maglakad lakad. Ngunit, sa maulap
na panahon, asahang may kasunod itong
pagulan kaya huwag kakalimutan na
magdala naman ng mga proteksyong laban
sa ulan.

Ang mahanging panahon naman ay


nagdudulot satin ng pabugso bugsong lakas
o hina ng hangin na nakakapagdulot ng may
kalamigan ring panahon. Ang sobrang lakas
naman ng hangin ay maaaring makasira ng
ating mga bahay at establisimento lalo na
kung ito ay hindi maayos ang pagkakayari.
Maaring ilipad o tangayin ng sobrang lakas
ng

hangin ang mga bubong o ang ating mga


pananim.

Kapag sobrang lakas ng hangin, makakabuti


na manatili na lamang sa loob ng bahay. Sa
katamtaman namang lakas ng hangin, maari
paring maglaro ang mga bata sa labas.

Anong laruan na yari sa papel ang


nakadepende sa lakas ng hangin?
Saranggolang Papel, Ma’am.
Yes, Romelia?

Magaling!

Kayo ba ay nakaranas nang magpalipad ng Yes, Ma’am!


saranggola?

Balik tayo sa ating paksa, ang maulang


panahon. Nakapagdudulot rin ng lamig sa
kapaligiran ang maulang panahon.
Kadalasan, ito ang panahon na inaayawan ng
karamihan lalo na kung ang pag ulan ay
walang tigil. Sa tingin niyo, class bakit?
Dahil basa ang paligid at nakakapag dulot ito
Jaylord mayroon ka bang ibabahagi? ng sobrang lamig at mahirap lumabas ng
ating mga bahay, Ma’am. Mahihirapan din
po tayo sa pagpapatuyo ng ating mga damit
at ang malakas at tuloy tuloy na pag ulan ay
nakakapag dulot din ng pagbabaha sa
mababang lugar o mga lugar na malapit sa
mga anyong tubig. Nakaka pag dulot din ito
ng pag guho ng mga lupa kung hindi ito
titigil.

Tama! Magaling, Jaylord!

Ang maulang panahon ay mayroong mabuti


at masamang epekto saatin at sa ating
kapaligiran. Kung ang pag ulan ay
panandalian lamang at hindi kalakasan,
nakakatulong ito sa ating mga pananim lalo
na sa mga magsasaka. Ngunit, gaya ng sabi ni
Jaylord, ang matagalan at malakas na
pagbuhos ng ulan ay nakapagdudulot naman
ng pagbabaha sa mga lugar na mabababa at
malapit sa mga anyong tubig.
Nakapagdudulot rin ito ng pag guho ng mga
lupa.

Isang salik sa pag guho ng mga lupa lalo na


sa mga parte ng bulubundukin tuwing tag
ulan ay ang walang sawang pagkaubos ng
ating mga punong kahoy na may kakayanang
hawakan ang mga lupa at sumisip ng mga
baha.

Ano ano naman ang mga proteksyon na


maari nating gamitin laban sa ulan?

Reijean? Payong, Kapote at Botas, Ma’am.

Tama!

Paalala:
Mas makabu-buting manatili sa loob ng
bahay pag maulan. Makabu-buti rin kung
tayo ay laging may dalang payong o kapote
para maiwasang mabasa ng ulan. Huwag
maligo o maglaro sa ulan. Iwasan rin ang pag
tatampisaw sa mga naipong tubig ulan dahil
maaari tayong makakuha ng iba’t ibang uri
ng sakit.

Ang pinaka huling uri ng panahon na ating


nararanasan ay ang?

Arvhin? Bumabagyong panahon, Ma’am.

Tama!

Ang bumabagyong panahon ay atin ring


nararanasan dito sa ating bansa. Ayon sa
kinauukulan, 18-20 na bagyo ang dumarating
sa ating bansa sa loob ng isang taon.

Ano ano naman ang ating aasahan tuwing


bumabagyo?

Erwin? Malakas na hangin at ulan na may kasamang


pag kulog at pag kidlat, Ma’am.

Tama!

Ang bagyo ay pinagsama-samang, malakas


na hangin, ulan, kulog at kidlat. Depende sa
lakas ng bagyong darating ang perwisyo na
kanyang idudulot.

Paalala:
Mas makabu-buting manatili sa loob ng
bahay pag bumabagyo. Abangan ang mga
anunsyo sa telebisyon upang lubos na
makapag handa. Laging mag handa ng mga
pangunahing pangangailangan.

D. Paglalapat:
Pumili ng isang panahon na inyong gustong
gusto, sa isang Bondpaper, iguhit ito at
kulayan.
E. Ebalwasyon
Maglabas ng isang buong papel. Isulat ang
pangalan at pangkat sa itaas.

F. Takdang Aralin
Sa inyong kuwaderno, pangalanan ang iba’t
ibang uri ng ulap.

Prepared and executed by:

MARIA JANAE FILIALYN C. OCAMPO

Checked by:
MARIE JANE M. BAQUIRAN
School Principal

You might also like