You are on page 1of 6

Schools Division Office

Cabanatuan City District I


CABANATUAN EAST CENTRAL SCHOOL
Cabanatuan City

CLASSROOM OBSERVATION #2
SCIENCE 3
June 8, 2022
Ikaapat na Markahan

Mga Likas na Bagay na Makikita sa Kalangitan Tuwing Araw at Gabi

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang ang mga likas na bagay na makikita sa kalangitan tuwing araw at gabi;
2. Nailalarawan ang mga likas na bagay na makikita sa kalangitan tuwing araw at gabi; at
3. Nakapagpapahalaga sa mga bagay na makikita sa kalangitan.
MELC CODE: S3ES-IVg-h-6
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Mga Likas na Bagay na Makikita sa Kalangitan Tuwing Araw at
Gabi
Sanggunian: Agham – IKATLONG BAITANG
MELC SCIENCE 3 Q4 pahina 377
google, youtube
Kagamitan: powerpoint, video, larawan
Integrasyon:
Edukasyon sa Pagpapakatao
Literacy/Reading
Music, Arts, Physical Education and Health
Istratehiya sa Pagtuturo
Learner-Centered Instruction
ICT-Aided Instruction
Active Learning
Using HOTS in asking question
Differentiated Instruction
III. PAMAMARAAN
Magandang araw mga bata! Kumusta?
Bilang paunang Gawain, magbalik aral muna tayo.
BALIK-ARAL
Ano-ano ang mga wastong pag-iingat iba’t-ibang kondisyon ng panahon? Bumuo ng
maikling kanta o tula tungkol sa wastong pag-iingat sa iba’t-ibang kondisyon ng panahon.
AKO AY MAG-IINGAT
Ako ay mag-iingat sa bawat panahon,
Sa panahon na maaraw, ako ay _________________________
Ako ay mag-iingat sa bawat panahon,
Sa panahon na mahangin, ako ay _________________________
Ako ay mag-iingat sa bawat panahon,
Sa panahon na maulan, ako ay _________________________
Ako ay mag-iingat sa bawat panahon,
Sa panahon na maulap, ako ay _________________________
Ako ay mag-iingat sa bawat panahon,
Sa panahong bumabagyo, ako ay _________________________
Ako ay mag-iingat sa bawat panahon.
Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang mga wastong pag-iingat sa iba’t-ibang
kondisyon ng panahon. Sa ating bagong aralin, aalamin natin ang mga natural na bagay na
makikita sa kalangitan tuwing araw o gabi.
PAGGANYAK
Pagmasdan ang larawan.

Ano-ano ang iyong nakikita na likas na bagay sa kalangitan?


Ito ba ay nakikita sa araw o sa gabi?
PAGLALAHAD
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Gamit ang organizer, isulat ang mga likas na bagay na makikita sa
kalangitan tuwing araw at gabi.
Gawain 2
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga likas na bagay na makikita sa kalangitan tuwing araw at
gabi. Pagmasdan ang larawan. Iguhit sa patlang ang kung ito ay makikita tuwing araw at
kung makikita naman sa kalangitan tuwing gabi.

Gawain 3
Panuto: Hanapin sa word puzzle ang limang likas na bagay na maaring makita sa
kalangitan tuwing araw at gabi. Ilarawan ang bawat isa at sabihin kumg ito ay naranasan mo
ng makita

PAGLALAHAT NG ARALIN
Panuto: Masdan ang larawan ng mga natural na bagay na makikita sa kalangitan tuwing araw at
gabi. Isulat ang buod nito sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pangungusap.

PAGPAPAHALAGA
Kailangan mong palakasin ang iyong katawan sa panahon ngayon. Kaya tuwing umaga
habang hindi pa mataas ang sikat ng araw ay nag-eehersisyo at naglaro ka ng basketbol kasama ang
iyong kapatid sa ligtas na bahagi ng inyong bakuran. Ang sikat ng araw tuwing umaga ay
nakatutulong upang palakasin ang iyong mga buto at ibang bahagi ng katawan.

IV. PAGTATAYA
Piliin ang tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na bagay ang makikita sa kalangitan?

2. Pagmasdan ang larawan. Alin dito ang hindi nakikita tuwing gabi?

3. Ano ang isang uri ng bituin na makikita tuwing araw?


A. araw B. bulalakaw C. buwan D. ulap

4. Bakit ang mga bagay sa kalangitan na makikita sa gabi ay hindi nakikita sa araw?
A. Dahil madilim.
B. Dahil lumulubog ang mga ito.
C. Dahil ang mga ito ay nagtatago sa ulap.
D. Dahil masyadong maliwanag ang araw kaya hindi nakikita ang mga ito.

5. Ang araw ang nagbibigay ng liwanag sa buong mundo. Alin sa mga suumusunod ang
gagawin mo upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa sikat ng araw?
A. Tumingin ng direkta sa araw.
B. Maglakad sa labas kahit tanghaling tapat.
C. Maglaro tuwing tanghali sa labas ng bahay.
D. Magdala ng payong tuwing lalabas ng bahay.

V. TAKDANG-ARALIN
Gumuhit o gumupit ng 2 larawan na makikita sa umaga at 3 na larawang makikita sa
gabi.
CO Ratee:

NARDITA CASTRO
Teacher III

CO Rater:

ELIZA R. AYRAN /ROLLY P. CORTEZ


Master Teacher I/Master Teacher I

You might also like