You are on page 1of 13

1

ST. MARY’S ACADEMY of PALO, Inc.


Bonifacio St., Brgy. Sta. Cruz, Palo, Leyte
S.Y. 2020-2021
Learning Packet (Filipino 8)
Ikalawang Semestre, Ikaapat na Kwarter (1st Cluster)
Ikalawang Linggo, Modyul 1

Guro sa Filipino: Bb. Diana B. Lonzaga, LPT (Lahat ng Seksyon sa Ika-8 Baitang) Durasyon: Marso 9-15, 2021

panimulang panalangin

 
 
 
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Ama namin sa langit, pinanggagalingan ng lahat ng buhay at kabanalan. Buksan niyo po ang aking
isipan, puso at kaluluwa upang ako ay matuto mula sa iyong mga mga banal na tinuran, lalo na sa
aking makabuluhang pagkatuto sa araling ito na inihanda ng aking guro. Nawa’y pahalagahan ko
ang mga kaalaman na nakapaloob dito at pakaisiping mabuti ang pagod at determinasyon ng aking
guro sa paggawa ng modyul na ito upang tugunan ang aming pag-aaral sa kabila ng kinakaharap na
pandemya. Nawa’y bendisyunan niyo sila at gantimpalaan sa kanilang mabuting gawa sa aming mga
mag-aaral at sa bansa. Ito ay ipinananalangin ko sa ngalan ng iyong anak na si Hesus, ang dakilang
tagapagligtas, at sa pamamagitan ng mahal na Birheng Maria at ni Madre Ignacia del Espiritu Santo.
Amen.
 
 
 
 

+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

introduksiyon

A ng modyul na ito ay dinesenyo para sa taong 2020-2021 upang tugunan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng ating
kinakaharap na krisis dahil sa COVID-19 Pandemic. Ito ay kinapapalooban ng mga aralin at mga gawain sa pamamagitan ng
maka-Diyos na pag-aaral na angkop sa Ikawalong Baitang para sa Ikalawang Semestre. Ang mga nakapaloob sa modyul na
ito ay batay sa RVM Curriculum Guide para sa Ikawalong Baitang at ng araling ito na pinagtibay ng mga mapagkakatiwalaang
kagamitang pampagtuturo katulad na lamang ng Bibliya, aklat, at iba pang mapagkukunan ng kaalaman katulad ng internet. Bagama’t
sa lahat ng oras kayo ay mag-aaral sa inyong mga tahanan, hinihiling ko sana na maging matapat at masipag kayo sa inyong pag-
aaral. Nawa’y gawin ninyo ang mga nakatakdang gawain ng may pagmamahal at palagi niyong tatandaan na ang Diyos ay palaging
nakagabay sa inyo. Palagi kayong manalangin at magpasalamat sa kanya sa lahat ng mga magagandang nangyayari sa inyong buhay
araw-araw. At kahit na ako ay malayo sa inyo, palagi niyong iisipin na pinapanalangin ko ang inyong kaligtasan lalo na mula sa
pandemyang kinakaharap natin. Kung mayroon kayong kailangan o mga katanungan tungkol sa aralin maaari ninyo akong padalhan
ng mensahe sa pamamagitan ng Social Media katulad ng lamang ng Messenger o di kaya’y sa pamamagitan ng aking cellphone
number #09060811308.
paksang ARALIN

Florante at laura
ARALIN 4: pagbabalik-tanaw ni Florante sa kanyang kamusmusan
si adolfo
trahedya sa buhay ni Florante

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin. (F8PB-IVfg-36)
 Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan/nabasa. (F8PN-IVfg-36)
 Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa sa binasa. (F8PU-
IVfg-38)/Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat. (8WG-IVf-g-38)
MAHALAGANG TANONG
KAKAILANGANING PAG-UNAWA
1. Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang
Florante at Laura maging ng kabataang Pilipino 1. Mahalagang mabasa at mapag-aralan ng mga kabataan
ang mga klasikong akdang tulad ng Forante at Laura dahil
sa kasalukuyang panahon?
sa mga taglay nitong mabubuting aral na makagagabay sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
2

PAALALA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAGTURO SA BAHAY


Para sa mga magulang na pumapasok sa trabaho ( Working Parents): Bago kayo pumasok sa trabaho, kung maaari po sana
na paalalahanan niyo ang inyong anak sa responsabilidad niya sa kanyang modyul at pagdating ninyo po galing trabaho
tanungin ni’yo rin po kung nagawa na ba ng inyong anak ang kanyang mga gawain at kung mayroon silang mga katanungan
sa kanilang aralin. At kung hindi ni’yo rin po alam ang kasagutan ay maaari niyo akong padalhan ng mensahe sa
pamamagitan ng messenger at text.
Para sa mga magulang na hindi pumapasok sa trabaho (Non-Working Parents): Paalalahanan niyo po ang inyong anak ng
may pagmamahal na palagi nilang gawin ang mga gawain sa modyul na ito at ang kanilang pag-aaral ng mabuti ay para na
rin sa kanilang magandang kinabukasan. Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa aralin ay maaari niyo akong padalhan
ng mensahe sa pamamagitan ng messenger o text.
Maraming Salamat po sa inyong kooperasyon sa amin. Biyayaan nawa kayo ng Panginoon sa inyong kabutihan.
Ang modyul na ito ay ipapasa tuwing Martes at ibibigay naman ang modyul para sa susunod na linggo (week). Siguraduhin
niyo pong nasagutan lahat ang mga gawain at katanungan sa modyul dahil hindi po ito tatanggapin kung hindi po ito nagawa
ng maayos.
Pinaaalalahanan ang mga magulang tungkol sa napag-usapan noong nakaraang "Parents Orientation Meeting" ang tungkol
sa "Attendance" ng mga mag-aaral, na kapag hindi nakapasa ng modyul sa takdang araw ng pagpasa ( retrieval date) ay
maituturing na pagliban at ang bawat araw na hindi pagpasa mula sa retrieval date ay bibilangin na pagliban.

PAGGANYAK

Panuto: Magbalik-tanaw sa iyong pagkabata.


Alalahanin ang mga pangyayari o
karanasang hindi mo malilimutan. Sa bawat Karanasan
bilog naman ay isulat ang aral na natutunan
mo mula sa mga karanasang ito.

Aral na
Natutunan

Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa panahon. Bagama’t paiba-iba ay mayroon tayong


napupulot na aral sa bawat panahon. Ang mahalaga ay magamit natin nang maayos ang
bawat aral na makukuha natin dito

PAGlalahad ng aralin

PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA KANYANG KAMUSMUSAN


(Mga Saknong 172-206)

BUOD
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang naging buhay ni Florante. Magbabalik-tanaw siya sa kanyang makulay na
nakaraan. Babalikan niya ang kanyang buhay mula nang siya ay isilang hanggang sa nasadlak sa kaawa-awang kalagayan.
Isinalaysay niya ang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay at kung paano siya hinubog ng kanyang magulang na pawang
mga paghahanda sa buhay na susuongin niya.

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
3

Panuto: Basahin ang saknong 172-206 na may pamagat na “Pagbabalik-tanaw ni Florante sa Kanyang Kamusmusan”
sa batayang aklat pahina 565-570. Bigyang pansin din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan
nito.

SI ADOLFO
(Mga Saknong 207–231)

BUOD
Makikilala mo sa araling ito si Adolfo, ang kababayan ni Florante na anak ng marangal na si Konde Sileno. Bukambibig si
Adolfo sa Atenas, ang katalinuhan niya ay bantog sa kapwa niya mga mag-aaral. Ngunit hindi naglaon ay naungusan siya ni
Florante bagama't ang huli ay nakababata ng dalawang taon. Naging bantog si Florante dahil sa angkin niyang katalinuhan, ang
dating papuring si Adolfo lamang ang nakatatanggap ay nabaling na kay Florante. Dito na nakilala ang totoong pagkatao ni Adolfo
na nagpanggap lamang palang mahinhin at mabait. Sa tindi ng pagkainggit ay lumabas ang kanyang tunay na kulay. Nalantad sa
lahat ang kanyang ugali.

Panuto: Basahin ang 207-231 na may pamagat na “Si Adolfo” sa batayang aklat pahina 571-575. Bigyang pansin din
ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.

TRAHEDYA SA BÚHAY NI FLORANTE


(Mga Saknong 232–256)

BUOD
Ngayon ay nakilala mo na ang totoong katauhan ni Adolfo. Sa susunod na mga saknong naman ay mararamdaman mo ang pait ng
sunod-sunod na trahedya sa buhay ni Florante. Kinailangan niyang umuwi upang harapin ang sunod-sunod na trahedya na
magdudulot ng labis na kalungkutan niya.
Panuto: Basahin ang saknong 232-256 na may pamagat na “Trahedya sa Buhay ni Florante” sa batayang aklat pahina
577-581. Bigyang pansin din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.

PAGPAPALAWAK NG KONSEPTO

Panuto: Basahin at unawain ang mga salitang di-lantad ang kahulugan na makikita sa loob ng kahon sa ibaba.

 lipos-linggatong - puno ng ligalig


 pamawi sa lumbay - pampalimot sa kalungkutan
 hatol ay salat - kulang sa disiplina
 inaakala pa lamang ang hilahil - naiisip pa lamang ang hirap
 luha ng ina’y hinamak - binalewala ang pagluha ng ina
 lapastanganin - hindi igalang
 marimarim - magalit
 napagtanto - naunawaan
 mabini - mahinhin
 mautas - maputol

MAS PALALIMIN PA NATIN

Iugnay ang paksang aralin sa kasalukuyang kinakaharap natin. Magbalik-tanaw sa panahon bago dumating sa atin ang COVID-19
Pandemic. Ano o ano-ano ang mga bagay na ninanais mong gawin na naudlot dahil sa pandemya? Ano ang realisasyon mo tungkol
dito?________ _______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
4

pagtataya

Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin. (F8PB-IVfg-36)

Gawain 1
Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa mga nakatalang kabanata sa loob ng kahon.

Kabanata Mahahalagang Pangyayari


Pagbabalik-tanaw
Nailalarawan ang tagpuanni ng
Florante sa Kanyang
akda batay sa napakinggan/nabasa. (F8PN-IVfg-36)
Kamusmusan

Si Adolfo

Trahedya sa Buhay ni Florante

Gawain 2
Panuto: Ilarawan ang anyo ng tagpuan ng tatlong kabanatang pinag-aralan natin sa modyul na ito. Sa tatlong kahon sa ibaba ay iguhit
ang bawat tagpuang tumatak sa iyong isipan. Sa tabi naman ng kahon ay ipaliwanag ang iyong sagot.

Pagbabalik-tanaw ni Florante sa Kanyang


Kamusmusan
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_______________________________________

Si Adolfo
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Trahedya sa Buhay ni Florante


____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_______________________________________

Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa sa binasa. (F8PU-IVfg-38) / Nagagamit nang wasto
ang mga salitang nanghihikayat. (8WG-IVf-g-38)

Gawain 3

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
5

Panuto: Sumulat ng isang talumpating nanghihikayat sa mga magulang na palakihin nang tama ang kanilang ang mga anak at
kasabay nito ay hihikayat din sa mga anak na gumawa ng tamang desisyon sa buhay. Gumamit ng mga salitang nanghihikayat sa
pagsulat ng talumpati tulad ng kung ako sa iyo …, mas mabuti kung …, mas nararapat …, atbp.

Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba sa kabilang pahina.

Napakahusay Mahusay Di Mahusay Sadyang Di Mahusay


5 4 3 2
Madaling naunawaan ang Naunawaan ang mensahe ng
Naunawaan ang mensahe ng Hindi nauunawaan ang
mensahe ng talumpati dahil talumpati dahil naiparating ito
talumpati dahil naiparating ito mensahe ng talumpati dahil
naiparating ito nang buong nang malinaw at hindi maligoy.
nang malinaw bagama’t maligoy at hindi malinaw ang
linaw at hindi maligoy. Ito ay Ito ay organisado at may
bahagyang maligoy. Hindi ito pagpaparating nito.
organisado at may kaisahan. kaisahan. gaanong organisado at walang
kaisahan.
Ang talumpati ay gumamit ng Ang talumpati ay gumamit ng Ang talumpati ay gumamit ng Ang talumpati ay hindi
higit sa apat na salitang hindi baba sa tatlong salitang isa o dalawang salitang gumamit ng salitang
nakahihikayat. nakahihikayat. nakahihikayat. nakahihikayat.

Paalala: Isulat sa isang buong papel ang iyong talumpati.

PAGLALAHAT

 Ang anak na lumaki sa ginhawa, kaunting hirap lamang ay madaling lumuha.


 Sa pagharap sa trahedya ng buhay, huwag hayaang igupo tayo ng lumbay, bagkus pag-asa at
pananampalataya ay panghawakan, dahil ang lahat ng ito ay malalampasan.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

KAISIPANG BIBLIKAL PANGWAKAS NA PANALANGIN

Mga Kawikaan 16:3 +Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,
at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. Ama naming mapagmahal, ako ay lubos na nagpapasalamat
sa pagtuturo niyo sa akin sa araw na ito at sa pagpapahintulot
Proverbs 16:3 mo na ako ay makaranas ng iyong walang hanggang
Entrust your works to the Lord and all your plans will pagmamahal sa pamamagitan ng makabuluhang pagkatuto sa
succeed. araling ito. Ipinananalangin ko na sana ay mailapat ko sa pang-
araw-araw na pamumuhay ang aking mga natutunan sa araw
IGNACIAN CORE VALUES na ito. Ito ay ipinanalangin ko sa iyong anak na si Hesus, at ng
mahal na Birheng Maria at ni Mother Ignacia del Espiritu Santo.
Amen.
EXCELLENCE
(Humility) + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Ikalawang Linggo, Modyul 2

Pambungad na panalangin panalangin


Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
6

+
 
 
 
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Ama namin sa langit, pinanggagalingan ng lahat ng buhay at kabanalan. Buksan niyo po ang aking
isipan, puso at kaluluwa upang ako ay matuto mula sa iyong mga mga banal na tinuran, lalo na sa
aking makabuluhang pagkatuto sa araling ito na inihanda ng aking guro. Nawa’y pahalagahan ko ang
mga kaalaman na nakapaloob dito at pakaisiping mabuti ang pagod at determinasyon ng aking guro
sa paggawa ng modyul na ito upang tugunan ang aming pag-aaral sa kabila ng kinakaharap na
pandemya. Nawa’y bendisyunan niyo sila at gantimpalaan sa kanilang mabuting gawa sa aming mga
mag-aaral at sa bansa. Ito ay ipinananalangin ko sa ngalan ng iyong anak na si Hesus, ang dakilang
tagapagligtas, at sa pamamagitan ng mahal na Birheng Maria at ni Madre Ignacia del Espiritu Santo.
 
 
 
Amen.
 

+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

introduksiyon
paksang ARALIN
ARALIN 5:
paghingi ng tulong ng krotona
ang pagtatagpo nina Florante at laura
sa krotona
ang pagtataksil ni adolfo

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng mga tauhan.
(F8PB-IVgh-37)
 Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan. (F8PN-IVgh-37)
 Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin. (F8PU-IVgh-39)
MAHALAGANG TANONG KAKAILANGANING PAG-UNAWA
1.Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang 1. Mahalagang mabasa at mapag-aralan ng mga kabataan
Florante at Laura maging ng kabataang Pilipino sa ang mga klasikong akdang tulad ng Forante at Laura dahil sa
kasalukuyang panahon? mga taglay nitong mabubuting aral na makagagabay sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

panimulang gawain

Panuto: Umisip ng mga salitang mabubuo gamit ang mga letra ng salitang “RESPONSIBILIDAD”.
R E S P O N S I B I L I D A D

Sa totoong buhay ay maraming ibinubunga ang responsibilidad. Ito man ay mabuti o masama. Tunay na ito ay
napakahalagang bagay at dapat na pakaisipin ng mabuti.

PAGlalahad ng aralin

PAGHINGI NG TULONG NG KROTONA


(Mga Saknong 257-274)

BUOD
Bagama't hindi pa naghihilom ang sakit na nararamdaman ni Florante sa pagpanaw ng kanyang ina, isang malaking hámon na
naman ang kanyang haharapin. Sa kanya ipagkakatiwala ang malaking responsabilidad na isalba ang Krotona sa mga Morong
sumakop dito.

Matutunghayan mo rin ngayon ang pagkamaginoo ng dalawang magigiting na gererong sina Florante at Aladin. Hahanga ka sa
tinuran ni Florante na hindi niya nanaising sapitin maging ng kanyang kaaway ang hirap na dinanas niya. Mamamangha ka sa
kababaang-loob ni Aladin na sa halip na ipagmalaking siya ang tinutukoy na bantog at mahusay na gerero ay nagpakumbabang
sabihin na
Sanggunian: minsan ang
Baisa-Julian, A. etbalita'y
al (2018).may dagdag at
Pinagyamang hindi8sa
PLUMA lahat ng
(Teachers oras ay dapat
Wraparound Edition).paniwalaan. Kung
927 Quezon Ave., sino ang
Quezon nararapat
City. Phoenix na paniwalaan
Publishing House, Inc.
7

Panuto: Basahin ang 257-274 na may pamagat na “Paghingi ng Tulong sa Krotona” sa batayang aklat pahina 593-595.
Bigyang pansin din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.

ANG PAGTATAGPO NINA FLORANTE AT LAURA


(Mga Saknong 275–298)

BUOD
Sa araling ito ay masasaksihan mo ang unang pagtatagpo nina Florante at Laura at mararamdaman mo ang tindi ng pag-ibig ng
binata sa dalaga sapul nang masilayan niya ito. Masusukat mo ang lalim ng pagkabighani ng prinsipe sa prinsesa sa pamamagitan
ng mga imaheng inihalintulad sa kanya.

Panuto: Basahin ang 275-298 na may pamagat na “Ang Pagtatagpo nina Florante at Laura” sa batayang aklat pahina
596-599. Bigyang pansin din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.

SA KROTONA
(Mga Saknong 299-314)

BUOD
Katatapos niya lang magtapat ng pag-ibig kay Laura nang kinailangan niyang umalis papuntang Krotona. Kinailangan niyang
lumisan kahit ito'y mabigat sa kanyang loob upang tupdin ang kanyang tungkulin bilang heneral ng kanilang hukbo. Pinamunuan
niya ang pagliligtas sa kaharian ng Krotona mula sa mga Morong kaaway. Ang mga luhang pabaon ni Laura ang nagbigay-lakas sa
kanya para sa mahirap na misyon. Nagtagumpay silang isalba ang Krotona at dahil dito'y nagdiwang ang buong kaharian at
pinapurihan sina Florante. Tanging si Adolfo lámang ang hindi naging masaya sapagkat ang tunay niyang inaambisyon ay makuha
ang pag-ibig ni Laura at mamuno sa Albanya.
Panuto: Basahin ang 299-314 na may pamagat na “Sa Krotona” sa batayang aklat pahina 601-604. Bigyang pansin din
ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.
ANG PAGTATAKSIL NI ADOLFO
(Mga Saknong 315–346)

BUOD
Pagkalipas ng limang buwan sa Krotona ay nagpilit nang makabalik sa kaharian ng Albanya si Florante. Labis na ang kanyang
pananabik kay Laura kaya't halos liparin nila ang daang pabalik. Subalit, malayo pa'y natanaw na nila ang nakataas na bandilang
Media-luna. Nakakita silá ng pulutong ng mga sundalong Moro na may daláng babaeng nakagapos. Naisip ni Florante na bakâ si
Laura ang babae at hindi nga siya nagkamali. Si Laura ay hinatulang mapugutan ng ulo dahil hindi niya tinanggap ang panliligaw ni
Emir na isa sa mga pinunong Moro at nang magpumilit ay sinampal siya ng dalaga. Iniligtas nina Florante si Laura. Muli ring nabawi
nina Florante ang kaharian ng Albanya at napalaya sa pagkakakulong sina Haring Linceo, Duke Briseo, at maging si Adolfo.

Panuto: Basahin ang 315-346 na may pamagat na “Ang Pagtataksil ni Adolfo” sa batayang aklat pahina 605-609. Bigyang
pansin din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.

pagtataya

Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng mga tauhan. (F8PB-IVgh-37)
Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan. (F8PN-IVgh-37)

Gawain 1

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
8

Panuto: Basahin muli ang mga saknong at suriin kung anong damdamin at motibo ng tauhan ang naghahari. Isulat na lamang ang letra
ng tamang sagot sa isang kalahating papel. Ang gawain ay makikita sa batayang aklat pahina 611-614 (Sagutan Natin B).

Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin. (F8PU-IVgh-39)


Gawain 2
Panuto: Bumuo ng islogang (slogan) hihikayat sa mga botante upang maging matalino sa pagpili ng tamang kandidato at maging
masigasig sa pagtaguyod ng malinis at mapayapang eleksiyon. Isulat ang iyong islogan sa loob ng kahon at lagyan ng naaangkop na
guhit upang makapagpaalala sa ating mga kababayan.
Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba.
10-9 8-7 6-5 4-3
Napakalinaw ng mensahe ukol Malinaw ang mensahe ukol sa Medyo malinaw ang mensahe Hindi malinaw ang mensahe
sa tamang pagpili ng lider at tamang pagpili ng lider at ukol sa tamang pagpili ng lider ukol sa tamang pagpili ng
pagtaguyod ng malinis at pagtaguyod ng malinis at at pagtaguyod ng malinis at lider at pagtaguyod ng
mapayapang eleksiyon. mapayapang eleksiyon. mapayapang eleksiyon. malinis at mapayapang
Ginamitan ng mga angkop na Ginamitan ng mga salitang Ginamitan ng ilang salitang eleksiyon. Nabigong gamitan
salitang nakatulong upang nakatulong upang mas nakatulong upang mas ang mga salitang
mas madaling maunawaan ng madaling maunawaan ng madaling maunawaan ng makatutulong upang mas
makababasa. makababasa. makababasa. maunawaan ng makababasa.
Tunay na epektibo at Ito’y epektibo at makapupukaw Hindi gaanong epektibo ngunit Hindi epektibo at hindi
makapupukaw ng atensiyon ng atensiyon ng mga tao, makapupukaw naman ng makapupukaw ng atensiyon
ng mga tao, lalong lalo na ang partikular ang kabataan o mga atensiyon ng mga tao, maging ng mga tao.
mga kabataan o mga bagong bagong botante. ang mga kabataan o mga
botante. bagong botante.
Ilagay ang iyong islogan at larawan sa loob ng kahon.

PAGLALAHAT

 Tungkulin ng isang mamayan ang gumawa ng mabuti para sa sa kanyang bayan.


 Nararapat lamang na pumili ng isang mabuting pinuno ng bayan dahil siya ang mag-aalaga ng kapakanan ng bayan.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

+Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


Ama naming mapagmahal, ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagtuturo niyo sa akin sa araw na ito at sa pagpapahintulot
mo na ako ay makaranas ng iyong walang hanggang pagmamahal sa pamamagitan ng makabuluhang pagkatuto sa araling
ito. Ipinananalangin ko na sana ay mailapat ko sa pang-araw-araw na pamumuhay ang aking mga natutunan sa araw na ito.
Ito ay ipinapanalangin ko sa iyong anak na si Hesus, at ng mahal na Birheng Maria at ni Madre Ignacia del Espiritu Santo.
Amen.
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Ikalawang Linggo, Modyul 3


Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
9

Pambungad na panalangin panalangin


+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Ama namin sa langit, pinanggagalingan ng lahat ng buhay at kabanalan. Buksan niyo po ang aking isipan, puso at
kaluluwa upang ako ay matuto mula sa iyong mga mga banal na tinuran, lalo na sa aking makabuluhang pagkatuto
sa araling ito na inihanda ng aking guro. Nawa’y pahalagahan ko ang mga kaalaman na nakapaloob dito at
pakaisiping mabuti ang pagod at determinasyon ng aking guro sa paggawa ng modyul na ito upang tugunan ang
aming pag-aaral sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Nawa’y bendisyunan niyo sila at gantimpalaan sa
kanilang mabuting gawa sa aming mga mag-aaral at sa bansa. Ito ay ipinananalangin ko sa ngalan ng iyong anak
na si Hesus, ang dakilang tagapagligtas, at sa pamamagitan ng mahal na Birheng Maria at ni Madre Ignacia del
Espiritu Santo. Amen.
  + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

introduksiyon
paksang ARALIN

ARALIN 6:
ang pagtatagpo at ang pagwawakas

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nasasaliksik at natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast
batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito. (F8EP-IVij-40)
 Nabibigyang-pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin at angkop na pagsasalita sa isang radio
broadcast. (F8PT-IVgh-38)
 Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa napanood sa telebisyon na programang
nagbabalita. (F8WG-IVij-40)
MAHALAGANG TANONG KAKAILANGANING PAG-UNAWA
2.Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang 1. Mahalagang mabasa at mapag-aralan ng mga kabataan
Florante at Laura maging ng kabataang Pilipino sa ang mga klasikong akdang tulad ng Forante at Laura dahil sa
kasalukuyang panahon? mga taglay nitong mabubuting aral na makagagabay sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

panimulang gawain
Anong uri ng pag-ibig na ang iyong nadama? Ano-ano pa ba ang mga uri ng pag-ibig maliban sa pag-ibig na namamagitan sa magkasintahan?
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________

Alam nating lahat na kapag pinag-uusapan natin ang salitang PAG-IBIG ay nag-iiba ang ating reaksiyon.
Nagiging kapansin-pansin ang pagpapaliwanag ng ating mukha o ang ating pagngiti kapag pinag-uusapan ito.

PAGlalahad ng aralin

ANG PAGPAPARAYA NI ALADIN


(Mga Saknong 347-359)

BUOD
Sa bahaging ito ay inilahad ni Aladin ang kuwento ng kanyang buhay subalit naputol ang pagsasalaysay niya dahil sa lungkot na nadama nang
maalala na naman ang kasintahang si Flerida na inagaw ng ama. Iginalang ni Florante ang damdamin ng kausap kaya't hindi na niya ito pinilit
magkuwento. Isang araw habang lumilibot sila sa loob ng gubat ay ipinagpatuloy ni Aladin ang kanyang pagsasalaysay. Sinabi niyang si Flerida
lamang ang nagpapalakas sa kanyang loob sa mga digmaang kanyang sinusuong. Subalit nagbago ang lahat nang ang pinakamamahal niya'y
lamang ang nagpapalakas sa kanyang loob sa mga digmaang kanyang sinusuong. Subalit nagbago ang lahat nang ang pinakamamahal niya'y
siya ring nagustuhan ng kanyang ama. Pinahirapan siya ng ama. Katunayan, pagkabalik niya mula sa matagumpay na pagsakop sa kaharian ng
Albanya ay ipinabilanggo siya dahil sa bintang na iniwan niya ang kanyang hukbo nang hindi pa iniuutos ng ama. At nang mabalitaang nabawi ni
Florante ang kaharian ay hinatulan siyang mapugutan ng ulo. Kinagabihan, bago ang araw ng pagpugot, ay kinausap siya ng isang heneral dala
Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
ang mensaheng umalis kaagad siya at huwag nang magpaabot ng umaga. Walang nagawa si Aladin kundi lisanin ang kaharian kahit sa puso
10

Panuto: Basahin ang 347-359 na may pamagat na “Ang Pagpaparaya ni Aladin” sa batayang aklat pahina 622-624. Bigyang pansin
din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.
ANG PAGTATAGUMPAY LABAN SA KASAMAAN
(Mga Saknong 360–392)

BUOD
Anim na taon nang naninirahan sa kagubatan sina Florante at Aladin nang minsa'y makarinig sila ng dalawang babaeng nag-uusap. Sinabi ng
unang tinig, na walang iba kundi si Flerida, na nang malaman niyang hinatulang mapugutan ng ulo ang kasintahan ay nagmakaawa siya sa
sultan upang patawarin ito. Pumayag ang sultan sa kondisyong magpapakasal ang dalaga sa kanya. Nakaligtas ang kasintahan subalit
pinalayas ito sa kaharian nang hindi man lang sila nakakapag-usap. Habang inihahanda ang kasalan ay nagdamit gerero ang dalaga at tumakas
mula sa kaharian. Ilang taon niyang hinanap ang kasintahan. Napadpad siya sa gubat at dito nakita at nailigtas niya ang dalagang kausap mula
sa masamang balak ng isang buhong. Napatay niya ang lalaki sa pamamagitan ng isang panang pinakawalan na bumaon sa dibdib nito.
Dito na nagpakita ang dalawang binata sa kani-kanilang kasintahan. Labis-labis ang kaligayahang nadama nila nang makitang ligtas
ang kani kanilang minamahal. Sa pagkakataong ito'y si Laura naman ang nagsalaysay ng mga pangyayari sa kanyang buhay habang nakikinig
sina Florante, Aladin, at Flerida.
Naririto ang pagsasalaysay ni Laura: hindi pa natatagalang nakaalis si Florante sa Albanya upang makipaglaban sa Etolya nang
magkaroon ng kaguluhan sa kaharian. Nilason ni Adolfo ang isipan ng mga tao sa pagsasabing may balak si Haring Linceong gutumin sila sa
pamamagitan ng paglalagay ng monopolyo sa pagkain at trigo. Sinamantala ni Adolfo ang kaguluhan upang mapugutan ng ulo ang hari at ang
lahat ng mabubuting tauhan nito. Pinagbantaan ni Adolfo si Laura na papatayin kapag hindi pumayag makasal sa kanya. Humingi ng limang
buwang palugit si Laura at saka agad sumulat kay Florante upang ipaalam ang mga pangyayari sa kaharian. Subalit naunang natanggap ni
Florante ang mapanlinlang na sulat ni Adolfo gamit ang pangalan ni Haring Linceo na nagpapabalik sa kanya sa kaharian kaya siya nadakip at
naipatapon sa kung saan. Si Menandro na ang nakatanggap sa liham ni Laura kaya't dali-dali siyang sumugod sa Albanya kasama ang kanyang
hukbo. Natalo nila ang hukbo ni Adolfo subalit nagawang itakas ng huli si Laura at dinala nga sa gubat upang pagsamantalahan. Subalit, napigil
siya ng pana ni Flerida na naging dahilan din ng kanyang kamatayan.
Naging napakasayang pangyayari sa dalawang parehang napawalay nang matagal na panahon sa kani-kanilang pinakamamahal ang
pagtatagpong ito.

Panuto: Basahin ang 360-392 na may pamagat na “Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan” sa batayang aklat pahina 626-631.
Bigyang pansin din ang mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.
ANG PAGWAWAKAS
(Mga Saknong 393-399)

BUOD
Walang pagsidlan sa tuwa ang dalawang pares nang sila'y magkatagpo tagpo pagkalipas ng maraming taong pagkakawalay sa isa't isa.
Dumating din sina Menandro at ang kanyang hukbo sa gubat dahil sa paghahanap kay Adolfo subalit anong laking tuwa nila nang makitang
buháy pa si Florante. Masayang ipinagbunyi ng Albanya ang pagbabalik nina Florante at Laura sa kaharian kasama ang mga kaibigang sina
Aladin at Flerida kung saan sila bininyagan at naging Kristiyano. Bumalik sila sa Persiya nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Namuhay nang
masaya, masagana, mapayapa, at makatarungan ang Albanya sa pamumuno ng kanilang hari at reynang sina Florante at Laura.

Panuto: Basahin ang 393-399 na may pamagat na “Ang Pagwawakas” sa batayang aklat pahina 632-633. Bigyang pansin din ang
mga nakadiing malalalim na salita at ang kahulugan nito.

PAGPAPALAWAK NG KONSEPTO

Nasasaliksik at natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na
impormasyon tungkol dito. (F8EP-IVij-40)

PAGSASAGAWA NG INAASAHANG PAGGANAP


Isa sa pinakapaboritong libangan ng tao, bata man o matanda, ay ang pakikinig sa radyo. Di tulad ng panonood ng telebisyon o
pagbabasa, kapag nakikinig ka sa radyo ay nagagawa mo pa rin ang ibang gawain. Hindi nga ba't ito ang libangan ng mga drayber habang
nagmamaneho, ng mga nanay habang naglalaba o nagluluto, o maging ng mga kabataang tulad mo habang gumagawa ng iyong takdang-aralin o
kaya'y nautusang maglinis sa bahay.

Maraming sikat na radio DJ ang hinahangaan lalo na ng mga kabataan kaya't tiyak na marami ring kabataang tulad mo ang nangangarap
maging isang radio DJ at magsagawa ng radio broadcast. Mababasa sa ibaba ang ilang hakbang na puwede mong gawin upang masubukan mong

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
11

maging radio DJ subalit makabubuti ring dagdagan mo pa ang iyong mga kaalaman at magsaliksik ka pa tungkol sa pagsasagawa ng radio
broadcast.

1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon. Ang ilan sa pangalan ng mga estasyon ng radyo partikular sa Maynila ay ang 97.1 Barangay
LS, 90.7 Love Radio, 97.9 Home Radio, 101.1 Yes FM, at iba pa. Pag-isipan mo kung ano naman ang itatawag mo sa inyong estasyon.
2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Sila ba'y malinaw magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakaaakit ba
sa tagapakinig ang kanilang boses? Kung Ingles ang ginagamit na salita ng mga paborito mong DJ ay maghandang mag-broadcast sa
Filipino dahil ito ang wikang gagamitin sa inyong estasyon ng radyo. Pag-isipan din ang magiging estilo mo sa pagbo-broadcast.
3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba't iba ang inaasahang tagapakinig. Karaniwang hindi lamang
nakatatanda kundi marami ring mga bata ang nahihilig sa pakikinig sa radyo kaya't kailangang umangkop sa iba't ibang uri ng tagapakinig
ang gagamiting mga salita ng DJ. Tandaang hindi lang ang ganda ng boses ang puhunan ng isang broadcaster kundi ang kahusayan din
sa pagpili ng salita at ang malawak na kaalaman sa mga paksang tatalakayin.
4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor. Ang mga paksa ay dapat kaugnay ng mga mensaheng taglay ng
Florante at Laura. Makikita ang ilang halimbawa sa ibaba. Dagdagan mo na lang ang mga ito.
o Anu-anong kabayanihan ang puwede mong gawin para sa iyong bayan?
o Bakit mahalagang matuto tayong pumili ng mahusay na lider na pagkakatiwalaan nating mamuno sa ating bayan?
o Bakit kailangang maging mapanuri ang mga mamamayan at hindi basta magpadala lang sa mga nababasa lalo na sa mga social
media kung saan maraming troll ang nagagamit para maisulong ang pansariling agenda ng isang pangkat?
o Tunay nga bang ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan?
o Kaya mo bang magparaya kung ang isang bagay o taong mahal na mahal mo ay mahal din ng isang kapamilya mo?
o At iba pa.
5. Ang mga paksang ito ay puwede ring salihan ng iyong mga tagapakinig. Maaari silang magpadala ng kanilang reaksiyon o opinyon sa
pamamagitan ng text message o kaya'y phone patch.
6. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula sa mga tauhan ng awit na nagsasaad ng kanilang suliranin at hayaang ang iyong mga
tagapakinig ang magbigay ng posibleng solusyon o payo sa mga suliraning ito.
7. Magbigay ng ilang balita tungkol sa mga tauhan o pangyayari sa Florante at Laura. Ang ilan sa malalaking balita halimbawa ay ang
pagpapatapon kay Florante sa isang madilim at mapanglaw na gubat, ang pagpatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, ang pagkakapatay
kay Adolfo, at iba pa.
8. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa inyong pagbo-broadcast. Ang mga awitin ay dapat nakapagbibigay inspirasyon
9. Hayan, paghandaan mo ang mga bagay na iyan para sa isang pagbo-broadcast na mangyayari kung saan ikaw ay magiging isang tunay
na DJ!

pagtataya

Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang mga salitang naghahayag ng pagsangayon at pagsalungat
(Hal.: totoo, ngunit). (F8PU-IVij-40)
Gawain 1
Panuto: Ilahad o ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga na maaaring sumasang-ayon o sumasalungat sa mga kaisipang hango
sa binasa. Isulat ang iyong mga sagot sa nakalaang linya.

1. Naging mabuting magkaibigan at nagsama nang matagal sa kagubatan ang isang Moro at Kristiyano na kabilang sa magkalabang lahi.
Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil
______________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

2. Isang pana ang pinakawalan ni Flerida na naging sanhi ng pagkamatay ng buhong na si Adolfo nang Makita niyang pinagtangkaan nito ng
masama sa Laura.

Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil


______________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Gawain 2 Nabibigyang-pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin at angkop na pagsasalita sa isang radio broadcast. (F8PT-IVgh-38)

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
12

Sa pagsasagawa ng isang radio broadcast ay hindi mapipili kung sinu-sino ang mga tagapakinig dahil kahit sino ay puwedeng makinig, bata man o
matanda, basta’t nakabukas na ang radyo. Kung gayon, dapat lang na maging responsable sa kanyang pananalita ang isang DJ.

Panuto: Tukuyin at lagyan ng masayang mukha ang kahon kung ito ay angkop sa isang radio broadcast at ng malungkot na mukha kung
hindi.
Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka-phone patch habang nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan
mo siya upang malaman niyang galit ka.
Gumamit ka ng mga salitang simple subalit mauunawaan ng lahat ng iyong mga tagapakinig na bata man o matanda.

Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng iba’y tila “nakangiti” rin ang boses na naririnig nila.

Magsalita ng malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.

Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang erpat, ermat, bebot, at iba pa.

Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa napanood sa telebisyon na programang
nagbabalita. (F8WG-IVij-40)

Gawain 3
Performance Task (Modified): Ito na ang pinakahihintay mong sandali. Ikaw ay bagong DJ sa isang estasyon ng radyo. Ikaw ay naatasang gumawa
ng isang Script para sa radio broadcast tungkol sa mga pangyayari sa Florante at Laura at sa mga pangyayari din sa kasalukuyan. Kailangang
paghandaan mo itong mabuti dahil tiyak na ito rin ang batayan ng station manager kung mabibigyan ka ng permanenting posisyon sa estasyon
kaya’t pagbutihin mo.
Ang gawain ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrik sa ibaba.
Pamantayan 10-9 8-7 6-5 4-3
Ang binuong iskrip ay komprehensibo at nagtataglay ng lahat ng
kakailanganin sa pagbo-broadcast.
Ang mga salitang ginamit ay pilimpili, simple subalit malaman, at
maunawaan ng lahat ng uri ng tagapakinig.
Kabuoang Puntos
Paalala: Isulat sa isang short bond paper ang iyong gagawing Script. Ito ay ipapasa sa darating na Marso 16, 2021.

PAGLALAHAT

 Mahalaga ang pagkakaroon ng kabataan ng huwarang dapat tularan upang may mabubuting halimbawa silang
masusundan na makagagabay sa kanilang pag-uugali o asal.

KAISIPANG BIBLIKAL paNGWAKAS NA PANALANGIN

Mga Awit 77:11-12


Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang +Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa Ama naming mapagmahal, ako ay lubos na nagpapasalamat sa
lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, pagtuturo niyo sa akin sa araw na ito at sa pagpapahintulot mo
magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. na ako ay makaranas ng iyong walang hanggang pagmamahal
Psalm 77:11-12
I will remember the deeds of the Lord; Yes; I will
sa pamamagitan ng makabuluhang pagkatuto sa araling ito.
remember your miracles of long ago. I will meditate all Ipinananalangin ko na sana ay mailapat ko sa pang-araw-araw
your works and consider all your mighty deeds. na pamumuhay ang aking mga natutunan sa araw na ito. Ito ay
ipinanalangin ko sa iyong anak na si Hesus, at ng mahal na
IGNACIAN CORE VALUES
Birheng Maria at ni Mother Ignacia del Espiritu Santo. Amen.
EXCELLENCE + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
(Humility)

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
13

Sanggunian: Baisa-Julian, A. et al (2018). Pinagyamang PLUMA 8 (Teachers Wraparound Edition). 927 Quezon Ave., Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.

You might also like