You are on page 1of 19

Katuturan at Limang

Tema ng Heograpiya
Heograpiya o Geography
• Ang katagang “heograpiya” ay hango sa mga salitang
griyego na geographia.
• Ang “geo: ay nangangahulugang “lupa, mundo,
daigdig sa madaling salita planetang earth”.
Samantala, ang “graphia, graphein o graphos” naman
nangangahulugang “pagususulat o paglalarawan.
• Samakatuwid, ang heograpiya ay nangangahulugang
pagsusulat ukol sa lupa o paglalarawan sa daigdig. Ito
ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
Katangiang pisikal ng daigdig
1. Anyong lupa at anyong tubig
2. Mga likas na yaman
3. Klima at panahon
4. Flora o (Plant Life)
5. Fauna (Animal Life) at
6. Distribusyon at Interaksyon ng lahat ng
mga tao at organism sa kapaligiran
Kahalagahan ng pag-aaral ng Heograpiya

• Mas mauunawaan natin ang kuwento ng


mga lugar at bansa kung aalamin muna
natin ang heograpiya nito.
• Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
heograpiya, mauunawaan natin ang uri ng
pamumuhay at kultura ng mga tao.
• Ang heograpiya ay may impluwensiya rin
sa mga kabihasnan o sibilisasyon ng mga
bansa.
Limang Tema ng Heograpiya:

• Lokasyon
• Lugar
• Rehiyon
• Interaksyon ng tao at kapaligiran
• Paggalaw
Lokasyon
Lokasyon
Lokasyon
2. Relatibong Lokasyon – SAAN malapit?
a. Lokasyong Bisinal- ang lahat ng malalapit na
lugar o bansa.
Lokasyon
b. Lokasyong Insular – ang lahat ng malapit sa
anyong tubig
Lugar
Lugar
• Halimbawa #1: Ang klima ng Pilipinas ay
Tropikal, ang Baguio ay nakararanas ng malamig
na klima dahil sa mataas na altitude o taas nito
mula sa sea level. (Vertical Climate)
• Halimbawa #2: Hinduismo ang pangunahing
Relihiyon ng bansang India at tinuturing na
pinakamatandang relihiyon sa buong mundo.
• Halimbawa #3: Portuguese ang opisyal na
wikang ginagamit ng bansang Brazil
Rehiyon
Rehiyon
• Halimbawa #1: Ang Tibet ay nakilala bilang rehiyon sa
China kung saan maraming lugar ang matatagpuan sa
ibabaw ng malawak na talampas kaya nakabuo sila ng
katangi-tanging kultura.
• Halimbawa #2: Dahil sa pagkakatulad ng kultura ng mga
bansa sa silangang asya nakilala ang rehiyon bilang
Sinosphere, o mga bansa na naimpluwensiyahan ng
kulturang tsino.
• Halimbawa #3: Ang Pilipinas ay kasapi sa ASEAN o
Association of SouthEast Asian Nation na may layuning
itaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang
panlipunan, pagsulong ng kultura at pagpapalaganap ng
kapayapaan sa rehiyon.
Interaksyon ng tao at Kapaligiran
Interaksyon ng tao at Kapaligiran
• Halimbawa #1: Hindi maitatanggi na ang lahat ng kailangan
natin ay galing sa kapaligiran. Ang pangingisda ay aktibong
kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng malalaking
katubigan ang bansa.
• Halimbawa #2: Ang pakikiayon ng tao sa kanyang kapaligiran
ay makikita naman sa kanyang nakasayanan tulad ng klase
ng damit o pananamit na kanyang sinusuot. (Kasuotan sa
iba’t- ibang bansa)
• Halimbawa #3: Pagbabago ng tao sa kanyang paligid ay
makikita sa kagustuhang makipagsabayan sa nagbabagong
kapaligiran tulad ng pagtatayo ng mga estruktura gaya ng
subdivision na dating mga sakahan, ito ay upang tugunan
ang kakulangan sa tirahan ng lumalaking populasyon ng tao.
Paggalaw
Paggalaw
• Halimbawa #1: Paglalakbay gamit ang mga
makabagong imbensyon gaya ng eroplano, barko,
tren, at mga sasakyan. Dahil sa mga ito ay naging
pamilyar din tayo sa mga produkto galing sa ibang
bansa, dahil na rin sa patuloy na pag angkat at
pagtangkilik natin sa mga banyagang produkto
gamit ang mga transportasyong nabanggit.
• Halimbawa #2: Ang paglaganap ng internet, gadget
at paggamit ng tinawag na Socmed o Social Media
ay naging posible ang paglaganap ng impormasyon,
balita, ideya at kahit maling impormasyon o Fake
news mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Paggalaw
• Halimbawa #3: Ang mabilis na paglaganap ng sakit
gaya ng Covid-19 na noong una ay itinuturing
lamang na epidemya, o nagaganap sa iisang lugar o
rehiyon, at ngayon ay isa ng pandemya na ang ibig
sabihin ay kalat na ito sa buong mundo.
THANKYOU
FOR
LISTENING!

You might also like