You are on page 1of 4

Proverbs Ville School, Inc.

                        Araling Panlipunan 8
Ms. Jillian May C. Ayuyao School Year 2023-2024

Asya
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay napalilibutan ng
Karagatang Pasipiko sa silangan, Karagatang Indian sa timog, Karagatang Artiko sa
hilaga, at Europa sa dakong kanluran. Sa katunayan, magkarugtong ang ilang bahagi
ng Europa at Asya. Dahil dito, mayroong ilang siyentipiko na nagsasabi na dapat
tawagin na lamang itong kontinente ng Eurasia. Ang Asya rin ang kontinenteng may
pinakamalaking populasyon sa daigdig. Mahigit-kumulang 4.5 bilyon ang kasalukuyang
populasyon ng Asya. Ang dalawang bansang may pinakamalaking populasyon sa
mundo ay matatagpuan sa Asya—ang Tsina at India. Magkakaiba ang wika, relihiyon, at
paniniwala ng populasyon sa Asya. Nabibilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na
may sariling wika at paniniwala. Sa Asya matatagpuan ang ilan sa mga hiwaga ng ating
daigdig. Matatagpuan sa Asya ang Bundok Everest, ang pinakamataas na punto sa
buong mundo. Matatagpuan din sa rehiyon ang pinakamababang punto sa buong
mundo, ang Dead Sea. Makikita rin sa Asya ang ilang mga natatanging gawa ng tao.
Ang Great Wall sa Tsina, ang Angkor Wat sa Cambodia, ang Taj Mahal sa India, at ang
Borobudur sa Indonesia ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga likhang ito.

Aprika
Ang Aprika ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa mundo dahil sa laki
ng kalupaan at populasyon nito. Mahigit isang bilyon ang mga taong naninirahan dito.
Ang Aprika ay napalilibutan ng Mediterranean Sea sa hilaga, ng Red Sea at Karagatang
Indian sa silangan, at ng Karagatang Atlantiko sa kanluran. Ang hilagang bahagi ng
Aprika ay binubuo ng disyerto. Matatagpuan dito ang pinakamalaking mainit na disyerto
sa daigdig, ang Sahara. Samantala, ang ibang bahagi ng kontinente ay binubuo ng
savanna at mga tropikal na gubat kung saan matatagpuan ang mga hayop katulad ng
mga leon, elepante, usa, kamelyo, at mga giraffe. Matatagpuan din ang
pinakamahabang ilog sa buong mundo sa Aprika, ang Ilog Nile. Ang Aprika ay sagana
sa likas na yaman. May malaking suplay ng ginto, kopra, diyamante, at langis dito.
Sinasabi ng mga siyentipiko na malaki ang potensiyal nito sa pag-unlad. Ngunit sa
kabila ng yamang tao at likas na yaman na matatagpuan sa Aprika, may kakulangan sa
pag-unlad ang rehiyong ito. Ang pagkalat ng mga sakit, korapsyon, at ang madalas na
pag-aaway ay ilan sa mga nakaaapekto sa pag-unlad ng rehiyong ito.

Hilagang Amerika
Ang Hilagang Amerika ay ang pangatlong pinakamalaking kontinente. Ito ay
matatagpuan sa dakong hilagang-kanluran ng daigdig. Napaliligiran ito ng Karagatang
Arktiko sa hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa silangan, at ng Karagatang Pasipiko sa
kanluran. Matatagpuan ang lahat ng klase ng klima sa Hilagang Amerika, tulad ng polar
o malamig na klima sa hilaga, disyerto sa timog ng Estados Unidos, at tropikal na klima
sa sa mga bansa sa dako na malapit sa Timog Amerika. Ang Hilagang Amerika ay may
populasyon na mahigit 579 milyon sa kasalukuyan. Marami sa mga naninirahan dito ay
gumagamit ng wikang Ingles, Espanyol, at Pranses. Ang siyudad na may
pinakamalaking populasyon ay ang Lungsod ng Mexico.
Proverbs Ville School, Inc.                        Araling Panlipunan 8
Ms. Jillian May C. Ayuyao School Year 2023-2024

Timog Amerika
Ang Timog Amerika ay pinalilibutan ng Hilagang Amerika sa itaas, ng Karagatang
Pasipiko sa kanluran, at ng Karagatang Atlantiko sa silangan. Maraming uri ng hayop at
halaman ang matatagpuan sa mga gubat ng Timog Amerika. Mahigit 40,000 uri ng
halaman, 3,000 uri ng isda, 2,000 uri ng ibon, mammal, at reptilia ang naitala sa Timog
Amerika. Marami sa mga ito ay matatagpuan sa mga gubat ng Amazon.
Bukod sa mga uri ng hayop, ang isa sa mga pinakamalaki at mahabang ilog sa mundo
ay matatagpuan din dito—ang Ilog Amazon. Karamihan sa populasyon ng Timog
Amerika ay gumagamit ng wikang Espanyol at Portuges dahil sa kasaysayan nito bilang
kolonya ng Espanya at Portugal.

Europa
Ang Europa ay ang karatig na kontinente ng Asya. Nahihiwalay ang dalawang
kontinente ng Bulubunduking Ural, Dagat Caspian, at ng Bulubunduking Caucasus.
Pinalilibutan ito ng Karagatang Arktiko sa hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa kanluran,
at ng Dagat Mediterranean sa timog. Ang malaking bahagi ng Europa ay may temperate
na klima. Ang kanlurang bahagi ng Europaay madalas nakararanas ng pag-ulan,
samantalang ang silangang bahagi nito ay hindi gaanong nakararanasng ulan.
Sumusunod ang Europa sa Asya at Aprika sa laki ng populasyon. Ito ay may
populasyon na mahigit 730 milyon. Ang Europa ay kilala sa kaniyang kultura at
arkitektura. Ang ilan sa mga gawang tao na kilala sa buong daigdig ay ang Colosseum,
ang Tore ng Pisa, ang Parthenon sa Gresya, ang Eiffel Tower, at mga kastilyo sa iba't
ibang bahagi ng Europa

Australia at Oceania
Ang Australia at Oceania ang pinakamaliit na kontinente sa daigdig.
Pinaniniwalaan na ang Australia ay dating bahagi ng Antartika bago ito gumalaw
pahilaga. Sa kasalukuyan, ito ay napaliligiran ng Karagatang Indian at ng Karagatang
Pasipiko.
Ang malaking bahagi ng Australia ay nasa loob ng kontinente na tinatawag na
outback. Ito ay malayo sa mga mataong lugar. Ang outback ay kadalasang tuyot at
nagtataglay ng kaunting anyong tubig. Ang hilagang bahagi ng Australia ay
naaapektuhan ng Karagatang Indian na nagdadala ng pag-ulan. Maraming bukod-
tanging mammal ang matatagpuan sa Australia, katulad ng kangaroo, koala, echidna,
platypus, at wombat. Bago nasakop ang Australia ng mga Briton, mga 250 na iba't
ibang grupo ng katutubo ang nanirahan sa Australia. Sa kasalukuyan, may mahigit 24
milyon na tao na ang nakatira sa Australia, at mga 2.4 porsiyento nito ay mga katutubo.

Mga Klima sa Daigdig


Ang klima ay pangmatagalang kondisyon ng panahon sa isang lugar. Ang
panahon naman ay ang pabago-bagong kondisyon ng atmosphere sa loob ng maikling
panahon: Tropikal (Tropical Climate), Tuyo (Dry), Katamtaman (Mild or Temperate
Marine), Kontinental (Temperate Continental), Polar
Proverbs Ville School, Inc.                        Araling Panlipunan 8
Ms. Jillian May C. Ayuyao School Year 2023-2024

Tropikal (Tropical Climate)


Ang mga tropikal na klima ay nakikita sa kahabaan ng bahagi ng ekwador. Mainit
at madalas nakararanas ng ulan ang bahaging ito.
Tuyo (Dry)
Hindi gaanong umuulan sa mga lugar na may tuyong klima. May dalawang uri ng
tuyong klima: arid at semi-arid. Sa mga lugar na may arid na klima, nakararanas nang
mahigit sampu hanggang 30 sentimetro ng ulan kada taon. Ang pinakamainit na mga
lugar sa mundo ay matatagpuan sa mga arid na bahagi. Marami sa mga ito ay mga
disyerto. Sa mga lugar na mayroong semi-arid na klima, nakatatanggap ng ulan na
maaaring sumuporta sa pagtubo ng damo o ilang maliliit na halaman.
Katamtaman (Mild or Temperate Marine)
Ang mga rehiyong may klimang katamtaman ay hindi nakararanas ng napakainit
at napakalamig na temperatura. Katamtaman din ang nararanasan nilang presipitasyon.
Mayroong tatlong uri ng katamtamang klima: Mediterranean, humid subtropical, at
marine.
Kontinental (Temperate Continental)
Ang mga lugar na may kontinental na klima ay nagsisilbing transisyon sa pagitan
ng katamtamang klima at polar na klima.
Polar
Ang polar na klima ay matatagpuan sa loob ng Kabilugang Arktiko sa hilagang
bahagi ng mundo at sa Kabilugang Antartiko sa timog na bahagi ng mundo. Ang polar
na klima ay ang pinakamalamig sa lahat, at kabilang dito ang ice cap at tundra.
Proverbs Ville School, Inc.                        Araling Panlipunan 8
Ms. Jillian May C. Ayuyao School Year 2023-2024

You might also like