You are on page 1of 3

Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya

Matutunghayan sa Kanlurang Asya ay ang Northern Tier, Arabian Peninsula, at Fertile


Crescent. Saklaw ng Northern Tier ang mga lupain ng Turkey at Iran na Rehiyon ng Kabundukan at
talampas. Sa kanlurang bahagi nito ay ang Anatolian Plateau na may matabang lupang maaaring
tamnan Ang Arabian Peninsula naman ay isang malawak na tangway na pinalibutan ng iba’t ibang
anyong tubig. Kabilang sa mga ito ay ang Red Sea, Arabian Sea, at Peninsula Gulf. Kahit malawak
ang lupaing ito, ang Arabian Peninsula ay nagtataglay lamang ng maliit populasyon. Ito ay sa
kadahilanang salat sa tubig ang lupaing ito sapagkat ang malaking bahagi nito ay disyerto. Ang
mga tao rito ay naninirahan malapit sa mga oasis. Ito ay isang lugar sa disyertong nagtataglay ng
matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop. Isa pang bahagi ng
kanlurang Asya ay ang tinatawag na Fertile Crescent. Ang lupaing ito ay nagsisimula sa silangang
bahagi ng Medeterranean patungo sa Tigris-Euprates Rivers hanggang sa Persian Gulf. Ang lugar
na ito ay nagtataglay ng matabang lupa at saganang supply ng tubig. Dahil ditto, ang lugar na ito ay
pinag-uusbungan ng kauna-unahang kabihasnan sa daigdig, ang Mesopotamia.

Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya


Ang mainland Southeast Asia ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at
Indian Ocean. Ang malalaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-nakang mga
nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China. Ang
kabundukan at talampas na ito ay siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya sa
iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya,
Mekong, at Red River.
Sa kabilang dako, ang insular South East Asya ay binubuo rin ng mga kapuluang nakakalat sa
karagatan. Kabilang ditto ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East timor. Ang ilan sa mga
kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong tinatawag na Ring of Fire na
matatagpuan sa Pacific Ocean. Ang Ring of Fire
ay isang malawak na sona kung saan madalas na nagaganap ang mga paggalaw ng lupa at
pagputok ng mga bulkan. Hitik sa bulkan ang mga lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol
dulot ng kanilang pagsabog.

Katangiang Pisikal ng Hilagang Asya

Ang pagkakaroon ng malawak na damuhan. Ito ay kaiba sa mga kagubatan sapagkat


kakaunti lamang ang mga puno sa mga lupaing ito. Tinatayang ang sangkapat ng kalupaan ng
mundo ay ganitong uri. Ang Grassland ay nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.
Ang steppe ay isang malawak na lupaing nagtataglay ng damuhang mayroon lamang ugat na
mabababaw. Maliit lamang ang mga damuhang matatagpuan sa ganitong lupain. Ito ay dahil nasa
pagitan lang ng 10-30 pulgada ng ulan ang tinatanggap ng mga disyerto at gubat.

Katangiang Pisikal ng Timog Asya

Ang Timog Asya ay isang malaking tangway na tila hugis tatsulok. Sa hilaga ng
rehiyonng ito matatagpuan ang mga kabundukan ng Hindu Kusk at Himalayas. Ang
katimugang bahagi ng rehiyong ito ay pinalilibutan ng tubig: ang Arabian Sea sa
kanluran ang Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Ang nabanggit
na anyong tubig ay patuloy na nagsisilbing ruta ng transportasyon magpahanggang
ngayon. Sa Timog Asya makikita ang mga nagtataasang kabundukan sa buong mundo.
Pinatanyag ditto ang Himalayas. Ito ay may habang umaabot sa 1,500 milya (2,414
km), ang mga tuktok nito ay nababalutan ng yelo. Ang mga natutunaw na yelong ito ay
siyang pinagmumulan ng tubig ng mga ilog na dumadaloy sa Timog Asya. Tinatayang
50 sa mga matataas na bundok, ang mga ito ay may taas na aabot sa limang milya
(8km). Ang Mount Everest ay pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ito ay may
taas na umaabot sa halos 8,850 metro. Nagsilbing hamon para sa marami ang
pagpanhik sa Mt. Everest. Noong 2006, Heracleo “Leo” Oracion ang kauna-unahang
Pilipinong umakyat sa tuktok ng Mt. Everest.

Katangiang Pisikal ng Silangang Asya

Kahit na napakalawak ng lupain ng China, ang malaking bahagdan ng


populasyon nito ay naninirahan at nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa. Ito ay
sa kadahilanang ang kanlurang bahagi nito ay mga kabundukan at talampas.
Katunayan, ang 80% ng kabuuang lupain ng China ay may ganitong uri ng anyong lupa.
Dahil ang ganitong mga lupain ay hindi kaaya ayang pagtamnan, kalat-kalat ang mga
pamayanan ditto. Gayundin naman, karamihan sa mga tao rito ay mga nomadikong
nagpapastol. Sa kabilang banda, 20% ng China ay patag na lupain, kabilang na ang
mga kapatagan sa baybayin at mga lambak. Ang tatlong pinakamahalagang ilog sa
pamumuhay ng Tsino ay ang Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang. Sa kabilang dako, ang
Japan ay nahihiwalay sa lupain ng Silangang Asya sa pamamagitan ng Korean Strait at
Sea of japan (East Sea naman ang tawag ditto sa Korea). Ang Japan ay binubuo ng
apat na malalaking isla at mahigit 3,000 pang maliliit na pulo. Ang apat na islang ito ay
ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Katulad ng China ang malalaking bahagi
ng populasyon ng Japan ay matatagpuan lamang sa maliliit na bahagi ng kanilang
bansa.

You might also like