You are on page 1of 3

Ang babala ay inilalagay upang mapalayo ang sakuna o pinsala na maaring

maidulot ng isang bagay o pangyayari. Kadalasan, ito ay makikita sa mga lugar


na ipinapatayong gusali, kung ang sahig sa pook-pasyalan ay basa, o kung
marami nang nangyaring aksidente sa isang daan.

Mga Halimbawa:
1. Basa ang sahig.
2. Tumawid sa tamang tawiran.
3. Huwag masyadong mabilis sapagkat lapitin sa disgrasya ang daan na ito.
4. Bawal tumambay dito.
5. Mag-ingat sa aso.

Ang paalala ay ginagamit upang bigyang-diin ang mga mahahalagang


impormasyon na ipinapatupad. Ito ay paalala ng dapat gawin ng tao.

Mga Halimbawa:
1. Panatalihin ang katahimikan sa loob ng bahay-aklatan.
2. Bawal pumasok ng hindi naka uniporme.
3. Mag-ingat sa pakurbadang daan.
4. Bawal pumasok ang walang ID.
5. Bumili muna ng ticket bago pumasok sa sinehan.

You might also like