Ang Sayaw sa Bangko ay ginanap sa tuktok ng isang makitid na bench.
Ang mga mananayaw ay kailangan ng magandang balanse bilang pumunta sila sa
pamamagitan ng isang serye ng mga paggalaw na kasama ang ilang mga
kahanga akrobatika. Ang sayaw ay nagmula at bumalik sa mga lugar ng
Pangapisan , Lingayen at Pangasinan.
Ang Tinikling ang itinuturing na pambansang sayaw ng Pilipinas ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan ng Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.
Ang pangalang Tinikling ay hango sa pangalan ng Tikling ( isang
ibon na may mahabang leeg, tuka at paa) sapagkat ginagaya nito ang galaw ng nasabing ibon na kadalasang makikitang palunda-lundag at patakbo-takbo sa mga damuhan.
Isinasagawa ito sa saliw ng isang makalumang tugtugin.Gamit ang
dalawang piraso ng mahabang kawayan, ginagaya ng mga mananayaw ang mayumi ngunit mabilis na kilos ng ibong Tikling sa tuwing binibitag ito ng mga magsasaka. Ang sublí ay isang uri ng panata ng pasasalamat para sa Mahal na Poong Santa Krus na, ayon sa isang banggit noong bandang 1595, ay sinasabing naghimala sa bayan ng Alitagtag, Batangas. Ang kahoy na ginamit sa pagbuo ng poon ay pinaniniwalaan ding nagmula sa isang mahimalang punongkahoy na may hugis krus. Nilagyan ito ng mukha ng araw na may mga sinag.
Ang subli ay nakapaloob sa isang pamamanata na may tatlong bahagi: ang
kambulong, subli, at pandangguhan. Ang kambulong ay ang pagpapahiwatig ng pagtanggap sa pagdating ng Poong Santa Krus. Ang subli ay isang uri ng sayaw na may kahalong awitan sa saliw ng instrumentong perkusyon. Hango ang subli sa dalawang salita—“subsob” at “bali”, kung kayâ’t ang anyo ng mananayaw nitó ay nakasubsob at animo’y bali ang katawan. Ang sayaw na máglalatík ay nagmula sa Zapote at Loma ng Biñan, Laguna. Naglalarawan ito ng labanan ng mga Moro at Espanyol sa kanilang pag-aagawan sa latik o sapal ng pinaglangis na kakanggata. Gumagamit ng bao ng niyog sa pagsasayaw nito.
Sinasayaw ito sa saliw ng rondalya sa batayang kompas na 2/4. Ang ritmo ng
pagtatama ng mga bao ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa malakas na bagsak ng kumpas at ritmo. Ang mga bao ay pares-pares na nakasabit sa harap ng dibdib, sa bandang ibaba sa likod ng balikat, sa magkabilang baywang, at sa bandang itaas ng tuhod. May mga bao rin sa magkabilang kamay na itinatama upang lumikha ng tunog sa mga baong nakakabit sa nabanggit na mga bahagi ng sariling katawan at sa mga kapuwa mananayaw. Karaniwang lalaki lamang ang sumasayaw nito na ang suot lamang ay pulang pantalon na nakatupi hanggang tuhod, at ang mga baong nabanggit na nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ang maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni San Isidro Labrador tuwing
buwan ng Mayo. Pinaniniwalaang taglay ng sayaw ang disiplina ng katutubong paraan ng pagtatanggol sa sarili kung kaya’t karaniwang ituring ito bilang halimbawa ng sayaw na pandigma o martial dance. Ang Balitaw ay isang pamimitagang sayaw na laganap sa maraming lugar sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Tagalog at Visayas. Ang Balitaw ay galing sa salitang “balita” at “raw”. Balita na nangangahulagang “news” sa Ingles at raw o “it is said”, kaya ito’y “bulung-bulungan ng mga tao”. Sa mga Visayan, ang mga mananayaw ay kumakanta, samantalang sa Tagaog ay hindi. Ang mga mananayaw ay hindi nagsasalita o walang boses na maririnig at sila’y gumagamit ng bulaklak na nagpapakita ng kanilang emosyon at damdamin. Ang babae ay nagbibigay ng bulaklak sa lalaki na nangangahulugan ng pagtanggap bilang kanyang mangingibig. Ang katutubong sayaw na ito ay napaka popular sa mga kabataan ng Rehiyong Tagalog. Ang Kuratsa ay pinaniniwalaan na isang pag-import ng Mexico (na mula sa La Cucaracha sayaw sa tipikal na rehiyon ng Monterrey ng Mexico) - ang Kuratsa ay gayunpaman, ibang-iba sa paraan ng pagpapatupad kaysa sa katumbas na Mexicano. Kahit na ang "pangunahing" Kuratsa musika ay hindi batay sa Mexican o kahit na melodies Espanyol. Gayunman, ang mga mananaliksik sa sayaw ng Pilipinas ay tumuturo sa alinman sa "Kigal" at ang "Bikal" bilang 'ascendant' ng Kuratsa. Ang Kigal (spelling "Quigal" sa unang bahagi ng Espanyol writings sa Samar kultura at lifeways) ay isang uri ng dance-of-sexes sayaw pares na tularan ang mga ibon na isinangkot. Ang Kigal ay sa katunayan ay tinawag sa pamamagitan ng isa pang pangalan: Binanug o Kiglun (Kigalun?) Na ayon sa isang ika-17 siglong diksyunaryo ng Samarnon ng Heswita misyonero sa Samar, Fr. Alcazar. Ito ay kagiliw-giliw na Banug uis ang salitang Waray para sa lawin. Ang Bikal ay pinaniniwalaan na ang pangunahing runner ng Waray Balitaw dahil sa mahigpit na pagbibigay diin sa "joust" ng mga impromptu na mga kanta na sinanib na may sayawan. Ang bikal ay nakaligtas sa Ismaylingay at maraming mga bersyon ng sining na ito ay napanatili sa pamamagitan ng pagtanda ng "magsiriday" sa Samar at sa mas mababang antas ng Leyte. Ang hakbang sa pagsasayaw ng Kigal na tinatawag na 'sabay' sa katunayan ay halos katulad sa hakbang na sayaw ng Kuratsa na tinatawag na 'dagit' o kapag mas matapang ang 'sagparak'. Ang ibig sabihin ng Dagit ay pagsasayaw habang ang sagparak ay naglalarawan ng isang pinainit na 'bulang' (cockfight). Ang block at chase na bahagi ng Kuratsa (tinatawag na 'palanat') ay hindi nakikita sa panlipunang sayaw ng Mexico na La Cucaracha ngunit karaniwan sa Samar 'amenudo' (o pares na mga sayaw) tulad ng Ismaylingay, Amoracion, Alimukon, Kuradang at Pantomina. Ang mga popular na bersyon ng sayaw na ito na umiiral sa Samar ay maaaring mauri bilang Kuratsa Menor (ang karaniwang paboritong) at ang maraming bersyon ng mapangahas na Kuratsa Mayor. Ang mga bagong genre ng Kuratsa ay umunlad bilang resulta ng pangangailangan, tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan - Kuratsa kanan Kadam-an at isang nakakatawang Kuratsa na Pinayungan na angkop para sa mga araw ng tag-ulan. An Pantomina sarong soanoy na sayaw sa Kabikolan na nag'aayog sa mga hiro nin mga salampating nagsisigáy, Mayo pa an mga Kastila, ini inapod nang sayaw "sinalampati". An bayleng ini parati ginigibo sa mga kasalan asin mga importanteng okasyon. An pantomina pwedeng boot sabihon, an sayaw asin an kantang katakod igdi. Sinasabi man na an bayleng ini naagid sa mga pag'iilusyon kan lalong sa gonâ. An mga batay igdi simple asin liwatliwat sana ngarig an mga parabayle madaling makasunod na daing pawot. Ini "...binabayle sa entrecuatro. Yaon diyan an paso kun saen an magkatampad namartsa pasiring sa bidang sa tyempong 2/4. Dangan an engano na binabayle sa istilong valse (waltz) sa tyempong 3/4 pero may sadiring paginterpretar. An sigáy (mga pag'iilusyon kan lalong), an layug (an paglupad ngane matawan reparo), an sarisid (an paglakaw palibot-libot kan lalong sa gonâ), asin an bukod o lapag (an paglamag kan lalong), gabos ini mga hiro kan sarong lalong na nag'iilusyon bago magmanada sa gonâ." [1] Sa mga kapiyestahan, an pantomina sarong sayaw na tinatampok, siring kan Pantomina sa Tinampo kan Siyudad nin Sorsogon asin an Pantomina Catanduanes na sayaw man sa publikong lugar kun piyesta o may espesyal na okasyon. Sa mga kasalan, an bagong kasal, an mga ninong asin ngane mga sadiring-tawo kan kinasal, pipagbayle kan pantomina sa tuyong makatipon nin pondo para sa kinasal na matogdas pa sana nin sadiring pagharongon. Orawang nagbabayle kan pantomina, an mga bisita natadik nin papel na kwarta, o sobreng may laog na papel nakasurat an kantidad, sa bado kan mga nagbabarayle. Ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa ay “mapagmahal o magiliw”. Ang sikat na sayaw na ito ay nanggaling sa Espanya. Nagsimula ang sayaw na Cariñosa sa Isla ng Panay at ipinakilala ng mga Espanyol noong kanilang kapanahunan at kolonisasyon sa Pilipinas. Ang panyo at abaniko ang syang pangunahing elemento ng sayaw kung saan ang lalake at babaeng mananayaw ay nasa sitwasyon ng pagliligawan o nasa romantikong eksena at kanilang itinitago ang nararamdaman sa pamamagitang ng panyo at abaniko. Ang panyo ay hawak ng lalaki at abaniko naman ang hawak ng babaeng mananayaw sa sayaw na parang nagtataguan ang mga kilos habang sumasayaw sa indayog ng mabilis na musika ng Cariñosa. Tinaguriang sayaw ng pagliligawan, kadalasan ay dalawang mananayaw lamang – isang babae at isang lalaki ang gumaganap nito, ngunit maari ring maramihan na magkapareha. Walang hawakan ng kamay ngunit makikita ang kanilang gusto at interes sa isa’t isa. Pilit na hahabulin ng lalaki ang babae sa pamamagitan ng sayaw, at ang babae naman ay may pagkamahiyain at nagpapahabol sa kanyang kapareha. Ang sayaw na ito ay sikat sa buong bansa at palaging isinasayaw sa mga piyesta at kung ano ano pang kultural na mga okasyon sa buong bansa. Iba’t ibang bersyon ng Cariñosa ang matatagpuan sa Pilipinas ngunit ang pinaka elemento ng sayaw ay ang parang pagtataguan at paghahabulan ng mananayaw. Ang Surtido ay orihinal galing sa Cebu. Ito ay isang parisukat na sayaw na nagmula sa Bantayan . Ito ay naimpluwensyahan ng mga Espanyol , Mexican, at Pranses kasama ang mga indigenous na mga elemento. Ang salitang surtido ay hango sa wikang Espanyol na literal na nangangahulagang "halu-halo" o "halo-halong koleksyon ng bagay o tao." Tinawag na surtido dahil halu-halo ang hakbang at anyo ng sayaw ayon sa lalawigan na pinanggalingan nito.[ Sinasayaw ito ng magkapares na babae at lalaki na pinapakita ang pagliligawan na nasa saliw ng musikang jota.