You are on page 1of 2

"Ang Munting Ibon" ay isa sa kalipunan ng mga kwentong-bayan ng Agamaniyog sa lalawigan ng

Lanao sa Mindanao. Ang


Agamaniyog ay kalimitang ginagamit na
tagpuan sa mga kwentong-bayan ng Maranao kahit na wala naman ganitong lugar sa nasabing
lalawigan.

Noong unang panahon ay may mag-asawang nakatira sa isang


malayong bayan ng Agamaniyog. Sila ay sina Lokes a Babay at Lokes a Mama.
Pangangaso ang ikinabubuhay nila. Bago sumapit ang dilim ay
inilalagay ng mag-asawa ang kanilang mga bitag sa gubat. Binabalikan nila
ang mga ito tuwing madaling-araw.

Habang mahimbing na natutulog si Lokes a Babay, dahan-


dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang tingnan ang kanilang mga bitag.
Nagulat sya ng makitang nakahuli ang kanyang bitag na nakasabit sa puno ng
isang munting ibon, samantalang ang bitag ng asawa na nasa lupa ay nakahuli
naman ng isang malusog na usa. Hindi matanggap ni Lokes a Mama na isang munting
ibon lamang ang kanyang nahuli, kaya naman naisip nyang pagpalitin ang mga ito. Umuwi syang
nasiyahan sa kanyang ginawa.

Kinabukasan ay nagtungo ang mag-asawa upang tingnan ang


kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita ang matabang
usang nakasabit sa bitag ng kanyang asawa. Ipinagataka nya iyon, ngunit hindi
nlang sya kumibo. Iniuwi nya ang munting ibon at inilagay sa isang hawla. Samantala, iniuwi ni
Lokes a Mama ang kanyang nahuling usa at iniluto ito.
Matapos makapagluto ay agad nya itong kinain na hindi man lang inaya ang asawa.
Kinain nyang mag – isa ang usa sa loob ng tatlong araw. Likas kay Lokes a Mama
ang pagiging maramot at walang pagpapahalaga sa asawa.

Nang maubos na ulit ang nilutong usa ay nagyaya muli si


Lokes a Mama na maglagay ng bitag. Hatinggabi nang namalayan ni Lokes
a Babay na bumangon at lumabas ng pinto ang asawa. Nagkuwari lang syang tulog.
Alam ni Lokes a Babay na niloloko sya ng kanyang asawa, ngunit wala syang
intensyong sundan ito. Nakatulog syang masama ang kanyang loob.

Napanaginipan ni Lokes a Babay na nangitlog ang alagang


munting ibon ng montias (mamahaling hiyas). Pinuntahan nya ang munting ibon at
ipinatuka ang palay. Gayon nlang ang kanyang pagkagulat nang makitang biglang
nangitlog ito ng isang maningning na dyamante.

Gaya ng dati, pag – uwi ni Lokes a Mama ay iniluluto nito


ang nahuli at kumakain na hindi nag –aalok. Hindi na ito pinapansin ni Lokes a Babay, bagkus
masaya nalang syang humuhuni ng paboritong himig at gumagawa sa
bahay na ipinagtataka ng kanyang asawa.

Araw-araw tuwing umaalis si Lokes a Mama ay pinapakain ni lokes a Babay ang kanyang munting
ibon at hinihintay ang ilalabas nitong
dyamante. Hindi na nya namalayan na marami na pala syang naiipong dyamante.

Isang araw, nagdesisyon si Lokes a Babay na makipaghiwalay na


sa kanyang asawa. Sinabi nya ang lahat ng kanyang sama ng loob kay Lokes a Mama,ngunit hindi
man lang ito tumingala mula sa pagkain ng nahuling pato. Nakonsensya naman ang lalaki dahil sa
totoong lahat ang sinabi ng asawa, ngunit ito ang matagal na nyang hinihintay.

Nag-impake na si Lokes a Babay. Dala ang kanyang mga gamit at


ang pinakamamahal na ibon ay umalis na sya sa kanilang bahay. Naiwan si Lokes a Mama na
nagpatuloy lamang sa kanyang pangangaso. Samantala, bumili si Lokes a Babay ng isang
malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong
tahanan. Mayroon rin syang mga gwardya at mga katulong na magsisilbi sa kanya.
Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagandang kalagayan sa buhay ng dating
asawa. Nagplano sya na balikan ang asawa upang makinabang rin sa kayamanan nito.
Subalit napaghadaan na ni Lokes a Babay ang posibleng plano ni Lokes a Mama.
Ibinilin nya sa mga gwardya na hindi hahayaang makalapit ito sa kanyang tahanan.
Magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang tahimik at maligaya.

Ang aral sa kwentong ito ay ang pagbibigay halaga sa samahan


ng mag - asawa. Kailangan ng pagmamahal, pagtutulungan, pagiging totoo at pang-
unawa upang mapatatag ang samahan. Kung wala ito ay unti - unting masisira
ang pagsasama ng mag - asawa. Ang taong
tuso at maramot ay hindi kailanman magiging masaya.

You might also like