You are on page 1of 5

SCRAPBOOK

SA FILIPINO
AWITING BAYAN AT
BULONG SA KABISAYAAN

Ipinasa ni:
Princess Anne B. Amparado
Grade 7 - Earth

Ipinasa kay:
Gng. Betsaida G. Bonsato
Guro sa Filipino

Awiting Bayan
Ang mga awiting-bayan o kantahing-bayan ay mga
awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin. Ito ay nasa anyong patula ngunit
may kasama itong tugtog na inaaayon sa karanasan,
damdamin at kaugalian ng sinumang gumawa nito. Ang
awiting bayan na ginawa ng ating mga ninuno ay patungkol
sa iba’t ibang pamumuhay, pag iisip, ugali, at damdamin ng
mga tao.

“Si Pilemon”
CEBUANO SONG LYRICS
Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan.
Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura, Igo lang ipanuba.
Kahulugan ng kanta
Ang “Si Pilemon, Si Pilemon” ay isang kantang
Cebuano na kung saan ay kilala ito. Ang kantang ito ay
tungkol sa isang mangingisda na kung saan nakahuli ng isdang
tambasakan at kaniya itong ibinenta sa palengke at ang
kaniyang kinita sa paghuli ng tambasakan na isda ay ibinili
niya ng ‘tuba’.

Bulong sa Kabisayaan
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon
ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas. Sa
kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba pang kahulugan sa
wikang Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay
na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa
Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan.
Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais
na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap
na mga pangyayari sa kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at
ginamit upang hingan ng paumanhin ang mga lamang-lupa,
tulad ng duwende at iba pang mga elementong hindi natin
nakikita.

Mga halimbawa ng Bulong


1. Tabi tabi po/Pasintabi po
2. Makikiraan po
3. Pasuyo po/Paabot po
4. Mano po
5. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko 
6. Huwang kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit
7. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo 
8. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman
9. Lumakas-sana sana ang ulan, upang mabasa ang lupang tigang.
10. Huwag mananakit nang di ka rin mamilipit
11. Huwag manununtok nang di ka rin masapok
12. Ingat po sa biyahe
13. Pakabait ka
14. Pagpalain ka nawa
15. Kung lagi kang payapa, sakit mo'y di lulubha

“Sitsiritsit”
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

“Paruparong Bukid”
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis 
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
 
May payneta pa siya -- uy!
May suklay pa mandin -- uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng.

“Leron Leron Sinta”


Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.
Gumising ka, Neneng,
Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.

Leron, leron sinta


Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,

Ang ibigin ko'y


Lalaking matapang,
Ang baril nya'y pito,
Ang sundang nya'y siyam
Ang sundang nya'y siyam
Ang lalakarin nya'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban.

Leron, leron sinta


Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba

“Magtanim ay 'di Biro”


Magtanim ay 'di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo

Braso ko’y namamanhid


Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.

Sa umaga, paggising
Ang lahat, iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

You might also like