You are on page 1of 5

Sayaw sa Bangko

Ang Sayaw sa Bangko ay ginanap sa tuktok ng isang makitid na bangko. Ang mga mananayaw ay
kailangan ng Magandang balanse bilang pumunta sila sa pamamagitan ng isang serye ng mga paggalaw
na kasama ang ilang mga kahang akrobatika. Ang sayaw ay nagmula at bumalik sa mga lugar ng
pangapisan, Lingayen at Pangasinan.
Tinikling

Ang Tinikling ang itinuturing na pambansang sayaw ng Pilipinas ay nagmula sa Kabisayaan sa Lalawigan
ng Leyte. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.

Ang pangalang Tinikling ay hango sa pangalan ng Tikling (isang ibon na may mahabang leeg , tuka at
paa) sapagkat gingaya nito ang galaw ng nasabing ibon na kadalasang makikitang palunda-lundag at
patakbo -takbo sa mga damuhan.
Isinasagawa ito sa saliw ng isang makalumang tugtugin. Gamit ang dalawang piraso ng mahabang
kawayan, ginagaya ng mga mananayaw ang Mayumi ngunit mabilis na kilos ng ibong Tikling sa tuwing
binibitag ito ng mga magsasaka.
Subli
Ang subli ay isang uri ng panata ng pasasalamat para sa Mahal na Poong Santa Krus, na ayon sa isang
banggit noong bandang 1595, ay sinasabing naghimala sa bayan ng Alitagtag, Batangas. Ang kahoy na
ginamit sa pagbuo ng poon ay pinaniniwalan ding nagmula sa isang mahimalang punongkahoy na may
hugis na krus. Nilagyan ito ng muka ng araw na may mga sinag.

Ang subli ay nakapaloob sa isang pamamanat na may tatlong bahagi: ang kambulong , subli, at
pandangguhan. Ang kambulong ay ang pagpapahiwatig ng pagtanggap sa pagdating ng Poong Santa
Krus. Ang subli ay isang urin ng sayaw na may kahalong awitin sa saliw ng instrumenting perkusyon.
Hango ang subli sa dalawang salita-“subsob” at “bali”, kung kaya’t ang anyo ng mananayaw nito ay
nakasubsob at animo’y bali ang katawan.
Maglalatik

Ang sayaw na maglalatik ay nagmula sa Zapote at Loma ng Binan, Laguna. Naglalarawa ito ng labanan
ng mga Moro at Espanyol sa kanilang pag-aagawan sa latik o sapal ng pinaglangis na kakanggata.
Gumagamit ng bao ng niyog sa pagsasayaw nito.
Sinasayaw ito sa saliw ng rondalya sa batayang Kompas na 2/4 . Ang ritmo ng pagtatama ng mga bao ay
nakakatulong sa pagbibigay-diin s amalakas na bagsak ng kumpas at ritmo. Ang mga bao ay pares-pares
na nakasabit sa harap ng dibdib , sa bandang ibaba sa likod ng balikat, sa magkabilang baywang , at sa
bandang itaas ng tuhod. May mga bao rin sa magkabilang kamay na itinatama upang lumikha ng tunog sa
mga baong nakakabit sa nabanggit na mga bahagi ng sariling katawan at sa mga kapuwa mananayaw.
Karaniwang lalaki lamang ang sumasayaw nito na ang suot lamat ay pulang pantalon na nakatupi
hanggan tuhod, at ang mga baong nabanggit na nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan.
Balitaw

Ang Balitaw ay isang pamimitagang sayaw na laganap sa maraming lugar sa Pilipinas, Lalong-lalo na sa
Tagalog at Visayas. Ang Balitaw ay galing sa salitang “balita” at “raw”. Balita na nangangahulagang
“news”sa Ingles at raw o “it is said”, kaya ito’y “bulung-bulungan ng mga tao.” Sa mga Visayan, ang mga
mananayaw ay kymakanta, samantalang sa Tagalog ay hindi . Ang mga mananayaw ay hindi nagsasalita o
walang boses na maririnig at silay’ gumagamit ng bulaklak na nagpapakita ng kanilang emosyon at
damdamin. Ang babae ay nagbibigay ng bulaklak sa lalaki na nangangahulugan ng pagtanggap bilang
kanyang mangingibig.
Ang Katutubong sayaw na ito ay napaka popular sa mga Kabataan ng Rehiyong Tagalog.

You might also like