kahulugan sa wika sa larang ng katutubong musika. Magbalik-Aral Hula-Hulaan Tayo! Kuratsa Carinosa Itik-itik Tinikling Ano nga ba ang Katutubong Musika? Ito ang mga musika na naimpluwensiyahan ang mga kultura, tradisyon at paniniwala ng isang lugar o bansa. Katutubong Musika ng Pilipinas Sa prekolonyal na panahon, bahagi na ng kultura at pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ang musika. Isa ito sa mga kasangkapang ginagamit ng mga Pilipino habang isinasagawa ang mga pang-araw-araw na aktibidad, ritwal, pagdiriwang, at okasyon na humuhulma sa kanilang buhay at pagkakakilanlan. Pinapakilala rin ng musika at ng mga titik nito ang pangkat ng mga katutubong Pilipinong may magkakaiba-ibang kultura at kasaysayan. Ayon sa historyador na si Zeus Salazar, “wika ang impukan-kuhanan ng isang kultura dahil dito natitipon ang pag-uugali, isip, at damdamin ng isang grupo ng tao” Nakaugat na sa prekolonyal na musika ang mga animistikong gawaing panrelihiyon at kinakasangkapan ito sa pagsamba sa mga anito. Ang mga anito ay ay kaluluwa ng mga yumaong ninuno na maaaring maging espiritu ng kalikasan o masasamang espiritu. Batay sa pananaliksik ni Ramon P. Santos, Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ay may mga prekolonyal na awit bilang panalangin sa ritwal, seremonya at okasyon. Abúten Diyalogong musical ng mga Pangasinense (Pangasinan) ng biyenang babae at ng kanyang manugang na babae. Ádeng Awitin ng mga taga-Kalinga (Ilocano) sa pagpapatuloy ng mga bisita sa isang budong o kasalan. Alasán Awitin ng mga Kankanaëy (Igorot) tuwing nag-aalay sa paghahanap ng isang magandang kapalaran. Ángba Isang mahabang awitin ng mga Ibaloy (Benguet) na inaawit sa pagdiriwang ng matagumpay na pagbabalik ng mga mandirigmang mamumugot. Bádiw Awitin ng mga Ibaloy sa kasalan, lamay, anibersaryo, at iba pang mahahalagang okasyon sa pamayanan. Báyok Inaawit ng mga Mëranaw-bilang paraan ng papuri at pagkausap sa mga bisita at importanteng tao sa mga panlipunan at pampulitikong pagtitipon tulad ng pagluluklok sa pwesto ng isang datu. Bibiáw Awitin ng mga Ifugao na humihingi ng tulong sa mga kaluluwa ng mga yumaong kaanak sa paghanap ng solusyon sa mga suliranin ng buhay. Dakugyóng
Inaawit ng mga Kalinga
(Ilocano) sa paghuhuli ng paniki. Díkil Bahagi ng Islamikong ritwal ng mga Magindanaw at inaawit sa huling gabi ng pagninilay. Estijáro Isang anyo ng awitin-debate ng mga Tagakawlo (Tao sa Malungon at Alabel, Sarangani) na ang dalawang mangingibig ay nagpapagalingan at nagpapalitan ng mga talinghaga at kasabihan tungkol sa pag-ibig sa layuning magkabuklod sa emosyon at talino. Gagonápu Awitin ng mga Subanon (Zamboanga) sa pangangaso at pangingisda. Kambóng Engkantasyon ng mga Manobo (Bukidnon, Cotabato, Davao, Misamis Oriental at Surigao) na nagiging dahilan para ibigin ka ng isang napupusuan. Kapamélo-malong Inaawit ng mga Mëranaw habang maingat at marahang ipinakikita ang iba’t ibang paraan ng pagsusuot ng malong, ang kanilang tradisyunal na kasuotan. Sanghiyáng
Inaawit ng mga Tagalog mula sa
Cavite sa paghingi ng espesyal na pabor mula sa mga anito. Íring-íring
Itinatanghal ng mga Manobo
tuwing lamayan. Pagsasanay Sagutan ang Pagsasanay 1 sa pahina 189 ng aklat. Kasanayan
Matatalakay ko ang mga termino at
kahulugan sa wika sa larang ng katutubong musika. Maraming Salamat!