You are on page 1of 36

“MAKULAY ANG MUNDO

NG DULA”
TEATRO
Ang bulwagan, dulaan o tanghalan o teatro ay ang
sangay ng ginaganap na sining na may kinalaman sa
pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig
na ginagamit ang magkahalong salita, galaw,
musika, sayaw, tunog, at panooring kahangahanga –
tunay nga na isa o higit pa na sangkap ng ibang
gumaganap na sining.
PAGTATANGHAL NG DULA
AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

 S – seen before heard ( makita muna bago marinig)


 T – talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)
 A – act realistically ( Umarte nang totoo)
 G – give your all ( Ibigay ang lahat)
 E – exaggerate ( Eksaherado)
“KASAYSAYAN NG DULANG
PILIPINO”
 Sa Pilipinong dula
Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at
tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa
buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-
ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid,
ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na
pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga
pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing
gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
MGA UNANG DULA SA
PILIPINAS
 (Drama o teatro)-
nangangahulugang “libangan” ang mga ito ay may
kasamang awit, sayaw, at galaw ng iba’t ibang bahagi ng
ating katawan. Noon pa man kahit hindi pa dumarating ang
mga kastila ay mayroon na tayong sariling dula na
isinasagawa sa pamamagitan ng mga ritwal, seremonya at
tradisyon na ating kinamulatan tulad ng;
1. PAMAMANHIKAN
Matapos ang araw,linggo,
buwan at taon ng
paninilbihan ng isang binata
malalaman niya kung siya
ba ay nakapasa na sa
kanyang babaeng
nililigawan ganon din sa
mga kaanak nito subalit
kung ayaw sa kanya ng mga
kamag-anak ng babae ay
hihiling sila sa binata ng
bagay na alam nilang hindi
nito kayang ibigay.
2. DULOG
Dulog ito ang
pinakamasayang bahagi
ng pamamanhikan
sapagkat narito ang
kainan, inuman at pag-
uusapan ang tungkol sa
kanilang kasal.
4. CH’ALONG (IFUGAO)
Kaiba sa pamamanhikan ng
tagalong sapagkat ito ay
pagtataboy sa masamang
espiritu. 
5. PAG-HUAGA (BAGOBO)
 isa ring ritwal na
nagtataboy sa masamang
espiritu subalit ito’y malupit
na ritwal.
PINAGDARAUSAN NG DULA
1. SA TAHANAN

Duplo
Karagatan
Bugtungan
Dulog o Pamanhikan
2. SA LABASAN
Panunuluyan
Pangangaluwa
Tibag
Santakrusan
Moriones
Hugas-kalawang
3. TIYAK
Moro- moro
Karilyo
Senakulo
Sarswela
TULA
MGA URI NG TULA
 Tulang Liriko o Tulang damdamin  Awit
(Lyric poetry) 
 Soneto
 Ito ay nagtataglay ng mga karanasan,
kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-  Oda
ibang damdaming maaaring madama  Elehiya
ng may-akda o ng ibang tao.
 Dalit
 Ito ay maikli at payak.

Uri:
TULANG PASALAYSAY
(NARRATIVE POETRY)
Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang
tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at
tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at
kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Epiko
Awit at kurido
Karaniwang Tulang Pasalaysay 
 TULANG PATNIGAN
(JOUSTIC POETRY)
Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
balagtasan

Balagtasan
Karagatan
Duplo
TULANG PANTANGHALAN O
PADULA
Katulad din ito ng karaniwang dula, ang
kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga
tauhan ang kanilang mga diyalogo sa
paraang patula.
Maaaring isama sa uring ito ang mga
tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
ANG SEREMONYA AT
RITWAL
“Ang Ritwal Bilang Pinag-ugatan ng Dula “
Ang dula ay umusbong dahil sa masidhing pangangailangan ng
tao tulad ng pagkain.
Nagsimula ang mga sayaw at ritwal na katulad ng paggaya ng
tao sa patak ng ulan noong sila’y nangangailangan ng tubig
mula sa langit upang mabasa ang lupa’t umusbong ang mga
pananim, katulad ng panggagaya ng mga mag-asawang hindi
magka-anak sa mga mag-asawang may anak (fertility dance
ritual). 
Bawat tribong kinabibilangan sa ating bansa ay may
kani-kaniyang ritwal na ginagawa ngunit nakabatay pa
rin ang mga ito sa klima, sa anyo ng lupang
pinagtatamnan, o sa estado ng lipunan. Katulad ng
gayeph ng Subanen (bulong), hinaklaran ng Bukdinon
(pag-aani), kadal iwas ng T’boli (panggagagad ng isang
unggoy), khenlusong ng Subanen (panggagagad sa ibon)
at langka-baluang ng Tausug (parehas ng ginagawa ng
kadal iwas). At dahil may ibang mga ritwal na tungkol sa
panggagad sa isang hayop o bagay, binansagan itong
mimesis ni Aristotle na siyang pinakakaluluwa ng dula
na ang ibig sabihin ay imitasyon.
. Mas pinagtutuunang pansin ng mga
nakararaming tribo sa ating bansa ang
ritwal ng pasasalamat sa masaganang ani
at matinding pananampalataya. Ang iba
pang nilikha ay sinasamba rin ng ating
mga ninuno. Sa madaling salita, ito’y
isang Animismo at ito rin ang unang
relihiyong natutuhan ng tao sa ating
bansa.
KASAYSAYAN NG
DULA
PANAHON NG KATUTUBO
 Karamihan sa mga panitikan
nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-
bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong
tuluyan at ang mga katutubong
sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinakaunang anyo ng dula
sa bansa.
MGA KATUTUBONG DULA
Bikal at Balak
Karilyo
Bayok at Embayoka
Kasayatan
Dallot
Pamanhikan
Dung-aw
Hugas Kalawang
Dalling-Daling
PANAHON NG KASTILA
 Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong 3Gs.
 Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
 Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan
at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala
ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na
mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga
hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at
Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
 Moro-Moro  Bulaklakan
 Senakulo  Pananapatan
 Karagatan  Moriones
 Duplo  Dalit Alay (Flores de Mayo)
 Salubong  Pangangaluluwa
 Paglakad ng Estrella at ng  Panunuluyan
Birhen  Tibag
 Pinetencia  Santakrusan
 Carillo  Papuri/Putong
 Puteje
 Juego de Prenda
PANAHON NG AMERIKANO

 Patuloy na pumailanlang ang


mga tema ng nasyonalismo at
pagmamahal sa bayan sa lahat
ng anyo ng literatura sa
panahon ng pagdating ng mga
Amerikano.
 Sa panahon ring ito ay
sumiklab ang mga pelikula.
MGA DULA SA PANAHON NG
AMERIKANO

Sarsuwela
Dula sa Makabagong Panahon
Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema
Dulang Musikal
PANAHON NG HAPON
 Sa panahong ito, bumagsak ang
dulang seryoso at tinangkilik ang mga
pelikula ng Amerikano na
katatawanan, awit at sayaw.
 Mga dula sa Panahon ng Hapon
 Legitimate- ay binibuo ng mga dulang
sumusunod sa kumbensyon ng
pagsusulat at pagtatanghal
 •Illegitimate- ay mas kialla sa tawag
na stageshows
SA KASALUKUYANG PANAHON
 Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad,
maraming nagbago at marami na tayong iba't-
ibang dula gaya ng panradyo,pantelebisyon at
pampelikula. Sa panahong ito, ang mga dula
ay itinatanghal sa mas malalaking entablado at
aktwal nang napapanood ng mga tao.
 . Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng
kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng
ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay
identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga
taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang
Pilipino. Ngunit isa ang layunin ng mga
mandudula: ang mag bigay aliw sa mga
mamamayang Pilipino, at higit sa lahat, ang
bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay
Pilipino.
KASINTANDA NG KASAYSAYAN NG
PILIPINAS. BAHAGI NA ITO NG ATING
TRADISYON. MGA TRADISYONG
NAGBIBIGAY IDENTIDAD SA MGA
PILIPINO. SA PAGLIPAS NG MGA TAON,
NAGBABAGO ANG ANYO NG MGA
DULANG PILIPINO. NGUNIT ISA ANG
LAYUNIN NG MGA MANDUDULA: ANG
MAG BIGAY ALIW SA MGA
MAMAMAYANG PILIPINO, AT HIGIT SA
LAHAT, ANG BIGYANG BUHAY ANG
NGUNIT ISA ANG LAYUNIN NG MGA
MANDUDULA:
“Ang mag bigay aliw sa mga
mamamayang Pilipino, at higit sa
lahat, ang bigyang buhay ang mga
pangyayari sa buhay Pilipino”

You might also like