You are on page 1of 1

GROUP 4

Philippine
F lk Dance
Maglalatik
Ang sayaw na máglalatík ay nagmula sa
Zapote at Loma ng Biñan, Laguna.
Naglalarawan ito ng labanan ng mga Moro at
Espanyol sa kanilang pag-aagawan sa latik o
sapal ng pinaglangis na kakanggata.
Gumagamit ng bao ng niyog sa pagsasayaw
nito.

Banga
Ang Banga o Pot Dance ay isang pagtatanghal sa Kalinga ng
Mountain Province. Ang sayaw na ito ay naglalarawan ng
biyaya ng isang tribo o mas kilala bilang mga mabagsik na
mandirigma. Pito o walong banga ang sabay-sabay na ang
binabalanse sa ulo ng mga dalaga habang sila ay sumasayaw
sa kumpas ng gangsa o ​wind chimes na nagpapakita ng
kanilang tibay at lakas habang ginagawa nila ang kanilang
pang-araw-araw na gawain sa pag-iigib ng tubig at
pagbabalanse ng mga banga.

Singkil
Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may
pagdiriwang at mga kapistahan. Itinatanghal ng kadalasang
pambabaeng sayaw lamang, ang Singkil ay nagsisilbi bilang isang
patalastas sa kanyang magiging manliligaw o sa kanyang
mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang
babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan na
nakaayos na nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang
kanyang apir (pamaypay), mosala (panyo), o kahit ang kanyang
kamay lang.

Binasuan
Ang binasuan ay isang makulay at masayang sayaw mulang
Bayambang, Pangasinan. Malimit itong sinasayaw kung
kasalan at mga pista. Ang “binasuan” ay nangangahulugang
“gamit ang o sa pamamagitan ng baso” at may pahiwatig ng
maligayang pagtatagay kung nagdiriwang. Isinasagawa ang
naturang paninimbang habang masining na umiikotikot,
ikinukunday ang mga bisig, o gumugulong sa sahig o
entablado ang mananayaw. Hindi naman dapat maligwak
man lamang ang likido (alak) ng baso.

Tinikling
Ang Tinikling ay ang sayaw na pambansa sa Pilipinas.
Pinangalan itong sayaw na ito sa ibong Tikling na
katutubo sa Leyte. Iniilagan ng mga nagsasayaw ang
haligi na kawayan kagaya ng pagilag ng mga
tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli
sila. Mabilis na mabilis ang kilos ng mga paa
ng mga nagsasayaw.

You might also like