You are on page 1of 1

GROUP 4

Philippine
F lk Dance
Maglalatik
Ang sayaw na máglalatík ay nagmula sa
Zapote at Loma ng Biñan, Laguna.
Naglalarawan ito ng labanan ng mga Moro at
Espanyol sa kanilang pag-aagawan sa latik o
sapal ng pinaglangis na kakanggata.
Gumagamit ng bao ng niyog sa pagsasayaw
nito.

Banga
Ang Banga o Pot Dance ay isang sayaw sa Kalinga. Ang
sayaw na ito ay naglalarawan sa biyaya ng isang tribo o
mas kilala bilang mga mababagsik na mandirigma. Pito o
walong banga ang sabay-sabay na binabalanse sa ulo ng
mga dalaga habang sila ay sumasayaw sa kumpas ng gangsa
o ​wind chimes na nagpapakita ng kanilang tibay at lakas
habang ginagawa nila ang kanilang pang-araw-araw na
gawain, ang pag-iigib ng tubig at pagbabalanse ng mga
banga.

Singkil
Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may
pagdiriwang at mga kapistahan. Ang Singkil ay nagsisilbi bilang
isang patalastas sa kanyang magiging manliligaw o sa kanyang
mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang
babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan
na nakaayos na nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang
kanyang apir (pamaypay), mosala (panyo), o kahit ang kanyang
kamay lang.

Binasuan
Ang binasuan ay isang makulay at masayang sayaw mulang
Bayambang, Pangasinan. Malimit itong sinasayaw kung
kasalan at mga pista. Ang “binasuan” ay nangangahulugang
“gamit ang o sa pamamagitan ng baso” at may pahiwatig ng
maligayang pagtatagay kung nagdiriwang. Isinasagawa ang
naturang paninimbang habang masining na umiikotikot,
ikinukunday ang mga bisig, o gumugulong sa sahig o
entablado ang mananayaw. Hindi naman dapat maligwak
man lamang ang likido (alak) ng baso.

Tinikling
Ang Tinikling ay ang sayaw na pambansa sa Pilipinas.
Pinangalan itong sayaw na ito sa ibong Tikling na
katutubo sa Leyte. Iniilagan ng mga nagsasayaw ang
haligi na kawayan kagaya ng pagilag ng mga
tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli
sila. Mabilis na mabilis ang kilos ng mga paa
ng mga nagsasayaw.

You might also like