You are on page 1of 1

Philippine

F lk Dances

Maglalatik
Ang sayaw na máglalatík ay nagmula sa Zapote at Loma ng
Biñan, Laguna. Naglalarawan ito ng labanan ng mga Moro at
Espanyol sa kanilang pag-aagawan sa latik o sapal ng
pinaglangis na kakanggata. Gumagamit ng bao ng niyog sa
pagsasayaw nito.

Banga
Ang Banga o Pot Dance ay isang sayaw sa Kalinga. Ang sayaw na ito ay
naglalarawan sa biyaya ng isang tribo o mas kilala bilang mga mababagsik na
mandirigma. Pito o walong banga ang sabay-sabay na binabalanse sa ulo ng mga
dalaga habang sila ay sumasayaw sa kumpas ng gangsa o ​wind chimes na
nagpapakita ng kanilang tibay at lakas habang ginagawa nila ang kanilang pang-
araw-araw na gawain, ang pag-iigib ng tubig at pagbabalanse ng mga banga.

Singkil
Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may pagdiriwang at
mga kapistahan. Ang Singkil ay nagsisilbi bilang isang patalastas sa kanyang
magiging manliligaw o sa kanyang mapapangasawa. Marikit na humahakbang
paloob at palabas ang babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan
na nakaayos na nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang kanyang apir
(pamaypay), mosala (panyo), o kahit ang kanyang kamay lang.

Tinikling
Ang Tinikling ay ang sayaw na pambansa sa Pilipinas. Pinangalan
itong sayaw na ito sa ibong Tikling na katutubo sa Leyte. Iniilagan
ng mga nagsasayaw ang haligi na kawayan kagaya ng pagilag
ng mga tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli
sila. Mabilis na mabilis ang kilos ng mga paa
ng mga nagsasayaw.

Binasuan
Ang binasuan ay isang makulay at masayang sayaw mulang Bayambang,
Pangasinan. Malimit itong sinasayaw kung kasalan at mga pista. Ang
“binasuan” ay nangangahulugang “gamit ang o sa pamamagitan ng baso” at
may pahiwatig ng maligayang pagtatagay kung nagdiriwang. Isinasagawa ang
naturang paninimbang habang masining na umiikotikot, ikinukunday ang mga
bisig, o gumugulong sa sahig o entablado ang mananayaw. Hindi naman dapat
maligwak man lamang ang likido (alak) ng baso.

You might also like