You are on page 1of 2

BATANGAS

Parada ng mga Lechon (Balayan


Batangas)
Ipinagdiriwang ang Parada ng
Lechon kasabay ang pagdiriwang
ng kapistahan ni San Juan Bautista.
Ito ang patron ng bayan ng
Balayan. Ito ay ginaganap tuwing
Hunyo 24 kada taon. Ang bawat
barangay dito ay nagdadala ng kani-kaniyang lechon para iparada sa buong bayan ng Balayan. Ang mga
lechon ay sinusuotan o pinapalamutian ng ibat ibang disenyo na angkop sa tema ng piyesta. Pagkatapos
ng parada, pinagsasaluhan ng buong bayan ang mga lechong kanilang pinarada.

Subli-an Festival (Bauan, Batangas)


Ito ay ginaganap tuwing 23 ng Hulyo. Ito ay orihinal na
nagumpisa bilang debosyon sa Banal na Krus. Nang
magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala
bilang Subli. Ito ay sayaw na nagmula sa Batangas. Ang
Subli ay sinasayaw sa saliw ng musika na may apat (4) na
uri: ang unang uri ay inaawit ng isang mang-aawit; ang
ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Krus ng Bauan at
nagsasalaysay ng pinagmulan ng Batangas; ang ikatlo ay
ang mismong Subli na may kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman ay
tumatalakay sa buhay ng may-akda sa kanyang paghahanap ng kanyang kaganapan.
Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan na nilapatan
ng musika upang kapulutan ng aral. Ito ay isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueo na naging
isang ganap na pista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong
bayan ng Bauan, Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan.

RIZAL
Pista ng mga Higante
Ipinagdiriwang ang Pista ng mga Higante tuwing ika-23 ng
Nobyembre kada taon sa bayan ng Angono, Rizal, bilang
paggunita kay San Clemente, ang patron ng mga mangingisda.
Itinatampok sa pista ang matatangkad na tao na yari sa papel na
dinamitan at pinalamutian ng kung ano-anong bagay upang
maging kaakit-akit sa madla. Ang mga "higante" ay karaniwang
may taas na apat hanggang limang talampakan o kaya'y sampu
hanggang labindalawang talampakan. Itinatanghal at inililibot
iyon sa mga bahayan, samantalang ang mga deboto'y nakasuot
ng damit-mangingisda.
Ang makulay na selebrasyon na ito ay bahagi ng tradisyonal na
pasasalamat ng mga residente ng Angono dahil sa masaganang
ani ng mga isda mula sa Lawa Laguna.

Pista ng mga Kalabaw


Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing 15-16 ng Mayo,
kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador,
ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang
halaga ng kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas at ang mga
nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San
Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulacan.

You might also like