Professional Documents
Culture Documents
Ang pagiging malikhain ay ang kakayahang lumikha o gumawa ng iba't ibang bagay,
kaisipan, o pamamaraan.
MATAPAT
Matapat na Pinoy
Isang may mabuting kaloob na na pulis ang nagsauli ng pera na nagkakahalaga ng humigi't
kumulang sa labinlimang libong piso na kanyang nakita sa napulot na pitaka sa isang hindi
nakikilalang tao. Ibinalik ni PO1 Jimmy Reginaldo ang natagpuang pitaka kay Jessie Pinguel,
isang Overseas Filipino Worker. Binigyan ng Medalya bilang pagkilala sa kanyang
katapatan si PO1 Reginaldo noong ika-16 ng Setyembre 2009 ng Direktor Heneral ng PNP
na si Jesus Versoza. Maliban sa perang ibinigay ng maraming humanga sa katapatan ni
Reginaldo, binigyan din ito ng limampung libong piso ng Lions Club bilang tulong para sa
pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral ng Abogasya sa Polytechnic University of the
Philippines.
Gantimpala
Papunta si Reginaldo sa Parañ aque City Police Station nang makita niya ang pitaka sa loob
ng taxi na kanyang sinakyan. Pumunta siya ng Cavite kung saan nakatira ang may-ari ng
pitaka at personal na ibinalik ito kalakip ang sampung libong piso at limang daang dolyar.
Makakatulong sana kay Reginaldo ang natagpuang pera kung pinili niyang itago ito ngunit
mas malaki ang naibalik sa kanya ng ginawa niyang kabutihan. Mula sa tulong gaya ng sako
ng bigas at mga libro para sa pag-aaral ng mga anak, masayang masaya ang pakiramdam ni
Reginaldo. Sa kabuuan ay umabot sa limampung libong piso ang halaga ng pera at iba pang
tulong na ibinigay sa kanya na malabis na nagpataba ng kanyang puso.
Sinumpaang tungkulin
Ayon sa PNP, hindi mauubusan ang kapulisan ng mga miyembro na bibigyan ng papuri
para sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Dalawa sa nauna nang binigyan ng pagkilala ay
sina PO1 Danilo Malab, na tumayo bilang honor guard sa libing ni dating
pangulong Corazon Aquino at si SPO3 Loreto Justo, na itinaya ang buhay sa pagliligtas sa
mga pasaherong lulan ng SuperFerry 9 pandagat na lumubog noong panahon ng trahedya.