You are on page 1of 4

Panggitnang Pagsusulit

I.Bigyan ng pagpapakahulugan ang mga sumusunod na konsepto (hindi lalagpas sa limang


pangungusap sa bawat pagpapakahulugan):
a. Filipinolohiya
Ang Filipinolohiya ay isang disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag- aaral
sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan,
komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino. Nililinang nito ang mga karunungang
ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan. Ayon kay Cardenas, ang tema nito ay
nakatuon sa pagpapakadalubhasa sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino at ng holistikong
pag-uunay nito sa iba pang batis ng karunungan na bumubukal partikular sa panitikan, at iba’t
ibang disiplina na nangangahulugan ng pagtataglay nito ng interdisiplinaryong paraan ng pag-
aaral.
b. Kalinangang Bayan
Ang salitang “kalinangan” ay may ibigsabihin na kaugalian at tradisyon ng isang bayan o paraan
ng pamumuhay ng isang tao. Ang kalinangang bayan ay patungkol sa mga gawain ng tao sa na
sumasalamin sa wika at kultura ng isang lipunan. Makikita ito sa kanilang mga kaugalian,
paniniwala, relihiyon, tradisyon, salita at mga aklat karaniwang masasasaksihan sa pang-araw
araw na pamumuhay.
c. Talinong Bayan
Ang talinong bayan ay tumutukoy sa mga pangyayaring naganap sa tunay na buhay o sa
kasaysayan ng mga Pilipino. Ito ay talino na bunga ng mga pag-aaral at kamlayan mula sa
kasaysayan ng Pilipinas at ng mga Pilipino. Ito ay maituturing na gabay sa paglikha ng mga
pangangailangan sa ating lipunan dahil ito ay nakaugnay sa lahat ng mahahalagang pangyayari at
karanasan natin sa lumipas na panahon.
d. Sikolohiyang Pilipino
Ang Sikolohiyang Pilipino ay patungkol sa sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at
oryentasyong Pilipino. Ang Sikolohiya ng Pilipino ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral,
pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Dito ay kung
saan ay mas naiintindihan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang at mapaunlad ang kanyang
pamumuhay. Ito ay isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip,
pagkilos at damdaming Pilipino, na malakiang kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng
sikolohiya sa Pilipinas.
e. Pilipinolohiya
Ang Pilipinolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mundo ng mga Pilipino, pagaaral sa bansang
pilipinas at sa ibat ibang kultura ng pagiging Pilipino. Ito ay may layuning na pag-aaralan ang
kasaysayan ng Pilipinas, kultura, wika o mga diyalekto, uri ng pamahalaan o gobyerno,
ekonomiya, at politika na mayroon sa bansa.
f. Pantayong Pananaw
Binigyang kahulugan ni Salazar ang pantayong pananaw bilang panloob na pagkakaugnay-ugnay
ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at
karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan-kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika. Makakamit lamang ito kapag gumagamit ang lipunan at kalinangan
ng Pilipinas ng mga konsepto at iisang wika upang magkaintindihan ang lahat gayon din sa
kahulugan na magiging talastasang bayan.
g. Pambansang Kaunlaran
Mula sa salitang “Kaunlaran” na ang ibigsabihin ay pag-angat, ang pambansang kaunlaran ay
tumutukoy sa kapasidad ng isang bansa na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng bawat
mamamayan at mabigyan ng matiwasay na pamumuhay ang bawat isa. Ito ay nangangahulugang
na maayos na takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Malalaman na ang isang bansa ay maunlad
kung nagagampanan nito ng maayos ang tungkulin para sa panlipunang kapakanan, tulad ng
edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at iba serbisyong panlipunan.

II.Punan ang dayagram ng Filipinolohiya at Pambasang Kaunlaran at bigyan ng maikling


paliwanag (hindi lalagpas ng 15 pangungusap).
Ang halimbawa ng karanasang bayan ay ang paggamit ng Organic tumbler o mga bamboo made
tumbler bilang pagtugon sa pagdami ng basura at paggamit ng plastic sa bansa. Ang
ideyolohiyang ito ay ginagamitan ng masusing pag-aaral upang masulusyunan ang problema at
matugunan ang pangangailangan ng bansa sa kalikasan, ekonomiya at lipunan. Ang paggamit ng
Organic bamboo tumbler ng mga mag-aaral sa paaralan upang mabawasan ang paggamit ng
plastic ay may mabuting epekto sa ating bansa at sa bawat Pilipino upang makamit ang tinatawag
na pambansang kaularan.
Gamit ang Filipinolohiya mahahasa ang bawat Pilipino na makagawa ng isang bagay na maaring
makatulong hindi lamang sa kalikasan kung hindi narin sa mga pilipinong mangagawa at
mabigyang trabaho ang mga nangangailan na may sapat na kakayahan. Ang paggamit ng
Organic bamboo tumbler ay makatutulong sa kalikasan na mabawasan ang paggamit ng plastic
bottles ng mga mag-aaral sa paaralan at gayon din ang basura na maiduulot nito.
Nakakapagbigay ito ng trabaho sa mga Pilipino upang magkaroon sila ng hanap buhay at upang
makatugon sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Bukod pa riyan ay mailalabas ng bawat isa
ang kanilang talento sa paggawa ng mga organic bamboo tumbler na sa pamamagitan ng mga
ibat ibang desensyo na maaring naisin ng gagawa o ng gagamit nito. Ang panghuli ay mas
makakatipid ang bawat Pilipino kung gagamit sila ng Organic bamboo tumbler dahil hindi na
kinakailangan pang bumili sa tindahan ng bottled water kung nasaan man.

III.Mula sa talakay, tumukoy ng iba pang karanasang bayan at isaad paano mo ito ipo-proseso
upang maging talinong bayan. Magbigay ng limang halimbawa.

Karanasang Bayan: Pagtuturo ng sex education sa paaralan bilang parte ng edukasyon at


mamulat ang mga estudyante sa mga pagbabago sa kanilang katawan
Talinog Bayan: Pagtuturo ng proper self-care at pagpapakilala ng sex education gaya ng
paggamit ng condom at pills sa mga kabataan lalo na sa mga kababaihan bilang parte ng
edukasyon. Ayon sa ilang pag-aaral ay mas lumalaki ang kuruyosidad ng mga kabataan sa mga
malaswang gawain dahil sa kanilang pagka ignorante sa ganoong bagay. Ang sex education ay
makakapagturo sa bawat estudyante na may sapat na pag-iisip kung paano nararapat pangalagaan
ang saril pati na ang kapwa upang maiwasan ang HIV, Aids at paglobo ng teenage pregnancy.

Karanasang Bayan: Paggamit ng dahon na serpentina bilang alternatibong panglunas sa mga


sakit gaya ng pananakit ng tyan at sikmura
Talinog Bayan: Pag-aaralan ang mga benepisyo na tulad ng serpentina bilang mabisang
panggamot sa mga simpleng sakit sa pamamagitan ng aspetong medikal
Karanasang Bayan: Paggamit ng organic tumbler o mga bamboo made tumbler bilang
pagtugon sa pagdami ng basura at paggamit ng plastic sa bansa.
Talinog Bayan: Pag-aaralan ang mabuting epekto ng paggamit ng tumbler o ng mga lalgyan ng
tubig na hindi gawa sa plastic ng mga bata sa paaralan upang mabawasan ang paggamit ng
plastic at makatulong sa kalikasan
Karanasang Bayan: Pamamalo sa mga bata ng mga kagamitan gaya ng hanger, sinturon at
tsinelas bilang pamamaraan ng pagdidisiplina at senyales ng pagmamahal ng magulang sa mga
anak
Talinog Bayan: Sa pamamagitan ng siyentipikong pag-aaral, maaaring malaman at pag aralan
ang mga posibleng epekto ng marahas na pagdidisiplina sa mga gawi at pag iisp ng isang bata.
Makikita rito ang mga posibleng maging epekto nito sa IQ ng isang bata at sa kung paano niya
tignan ang kanyang kapuwa.

Karanasang Bayan: Paggamit ng wikang ingles bilang pinakamabisang midyum sa pagtuturo


ng matematika sa paaralan
Talinog Bayan: Pag-aaralan at bigyang linaw kung epektibo ba ang wikang ingles upang
maging pinakamabisang midyum sa pagtuturo ng asignaturang matematika sa mga mag-aaral

You might also like