You are on page 1of 2

(RYAN) Ano ang pananaliksik?

 Pananaliksik ang tawag kung saan ang isang tao ay naghahanap ng solusyon gamit ang iba't ibang mga
teorya at proseso upang malutas ang isang suliraning panlipunan.
 Sistematikong pagsusuri ng isang paksa, pangyayari at iba pa.

(LAJOT) Kahalagahan at kabuluhan ng pananaliksik?

 Nagpapayaman ng kaisipan - lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay
na pagbasa, pag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.

 Nagpapalawak ng karanasan - napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng


pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa,
paggalugad sa mga kaugnay na literatura.

 Nalilinang ang tiwala sa sarili - tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na
naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.

 Nadaragdagan ang kaalaman - ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil
nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, nahahanapan natin ng sagot ang mga katanungang bumabagabag sa ating
isip. Naisasakatuparan ang interes sa isang bagay at nalilinang ang kakayahang makahanap ng solusyon.

(CHRISTIAN) KAHALAGAHAN AT KABULUHAN NG PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Ang ating bansang Pilipinas ay sagana sa wika at kultura. Mayroon tayong mahigit kumulang 200 na
wika at makukulay na mga kultura.

- Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon.


- Ito ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.
- Ito ay makapagbubuklod sa mamamayan.

- Sa ganitong punto nakikita ang halaga ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino bilang makabuluhang
gawain ng pag-unawa sa sarili, pagwawasto sa binaluktot na kamalayan at ambag sa proyekto ng
dekolonisasyon.

Ano nga ba ang dekolonisasyon at ang dinulot nito?

- Ang dekolonisasyon ay ang pagbibigay ng isang mas makapangyarihang bansa sa mga bansang nasakop
nito ng kalayaan sa pulitika, ekonomiya, at kultura.
Tulad ng pananakop ng mga Espanyol at Hapon:

 Tayo'y napasailalim ng kanilang kapangyarihan.


 Ang ating kultura ay napalitan.
 Tayo'y naging dayuhan sa ating sariling bansa.
(JELLYN) Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon naisasantabi ang halaga ng
sari-sariling yaman ng wika at kultura ng ating bansa.

Ang salitang tinatawag na internasyonalismo, ay tumutukoy sa isang ideyalismo o paniniwala, na ang mga
bansa ay mas makakamit ang kaunlaran at mapapabuti, kung sila ay magtutulungan at makikipag-ugnayan
sa isa't isa.

Masamang dulot nito:

 Pagtangkilik sa kultura ng ibang bansa.


 Paglimot sa mga nakasanayang tradisyon.
 Pagkawala ng ugaling nasyonalismo.

Mahalaga ang pananaliksik sa atin upang magkaroon tayo nang maayos na sistema ng preserbasyon para
sa mga wika at kultura.

Tulad na laman ngayon kung saan iilang sa ating mga wika ay nanganganib na at maaaring mawala bagamat
wala na masyadong nagsasalita ng mga ito. Kaya naman magagamit natin ang pananaliksik upang mas
mapaigting ang ating wika at kultura.

Mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino sapagkat tungkulin ng isang Pilipino na malaman at magamit ng
husto sa maayos na paraan ang ating wika upang lubos na maintindihan ang kasaysayan at kultura.

You might also like