You are on page 1of 8

MOLINA, REYJENIE D.

Agosto 16,2021

FIL 110 9:00-10:00 AM

Takdang Aralin

1) Kahulugan ng Pananaliksik

- Ang pananaliksik ay pagtuklasat pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isangsuliranin


na nangangailangang bigyan ng kalutasan.

- Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto,


isyuat mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.

- Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry
sapamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoyna
suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

- Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya,ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyonhinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.Ayon kinaManuel at Medel (1976), masasabing ang
pananaliksik ay isang proseso ngpangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang
isang partikular na suliraninsa isang syentipikong pamamaraan.

- Ang pananaliksik ay isang prosesong intelektwal at pang-eksperimento na binubuo ng isang


hanay ng mga pamamaraan na inilalapat sa isang sistematikong paraan, na may layuning
imbestigahan ang isang bagay o paksa , pati na rin ang pagpapalawak o pagpapaunlad ng
kanyang kaalaman, maging ng pang-agham, makatao, sosyal o teknolohikal na interes. .

- Ang pananaliksik ay dinidisenyo ang pagkilos at epekto ng pagsisiyasat.

- Ang pananaliksik ay maaaring magkaroon ng ilang mga layunin tulad ng naghahanap ng solusyon
sa mga tiyak na mga problema, makalas ang mga sanhi ng mga problema sa panlipunan, bumuo
ng isang bagong sangkap para sa pang-industriya na paggamit, kumuha ng data, bukod sa iba pa.

- Samakatuwid, ito ay isang gawain na isinasagawa sa pamamagitan ng isang pamamaraan, na


dapat na binuo sa isang organisado at layunin na paraan upang ang mga resulta na nakuha ay
kumakatawan o sumasalamin sa katotohanan hangga't maaari.
2) Kahalagahan ng Pananaliksik

- Ang kahalagahan nito ay ipahayag ang katotohanan, matuklasan ang isang bagay, maunawaan
ang isang proseso, maghanap ng isang resulta, hikayatin ang intelektwal na aktibidad, pati na rin
ang pagbabasa at kritikal na pag-iisip.

- Nagpapalawak ng kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbasa, nag-iisip,


nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.

- Napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil sa marqami


siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos,pagbabasa, paggalugad sa mga
kaugnay na literatura.

- Sa pamamagitan ng pananaliksik ,lumalawak at lumalalim ang karanasan ng tao, hindi lang


tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya,kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng
kaniyang pananaliksik.

- Pagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at nakikita niya ang bisa ng
pananaliksik upang mapabuti.

- Ang pananaliksik ay lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang
pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.

3) Kahulugan ng Wika

- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

- Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan
ng tao sa tiyakna lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan
ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

- Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay


biyayang galing saDiyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at
nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa
pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

- Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraangarbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)
- Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika
ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
paramagkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino
at Galileo Zafra)

- Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt naanyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald
Hill,What islanguage)

- Ang wika ay isang masistemang balangkas ngsinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa


paraangarbitraryoupang magamit ng mga taong kabilang saisang kultura. (Henry Gleason)

- Ayon sa pagpapahayag niConstantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo


ngpagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.

- Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang


nagpapakilos satao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating
kinabibilangan.

- Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII Bilang 1-2
journalng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang
wika.

- Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng
lipunanglumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito.
Ito raw aysalamin ng lahi at kanyang katauhan.

- Sa depinisyon ni GleasonAng wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa


tunog nakung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na
ponolohiya.

4) Kahulugan ng Panitikan

- Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.

- Ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Kabilang na dito ang mga libro,
nobela, tula at iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan. Ang kahulugan ng panitikan
ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng tao.

- Ang Panitikan ay “bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa wastongikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa.

- Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ngsangkatauhan na nasusulat sa


masinining at makahulugang mga pahayag. (Rufino Alejandro at Julian Pineda)

- Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng “


- pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.”

- Para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng
mga bagay na kaugnay ngnapupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.

- Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo mang
patula/tuluyan sa isang particular na panahon.

- Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang paraan ng
pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang
kaisipan at damdamin ng manunulat.

- Ayon naman kay Salazar, ito ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring magpalaya
ng isang ideya nagpupumiglas makawala.

- Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na
kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.

- Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at
kalinangan.

- Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng
kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
5) Pagpapahalagang Pampanitikan

Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng
isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

- Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.

- Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na
ito'y matuwid at maayos.

- Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y
malinang at mapaunlad.

- Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas
ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan

Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay malalaman,


madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.
Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan
sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino.
Sa pag-aaral natin ng ating panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating
matatayog at mararangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan. (mula sa
aklat na Salamin ng Lahi)

- Nakapagpaliwanag ng kahulugan ng kultura at sibilisasyon ng pinanggalingan at panitikan.

-Paglalapit ng panitikan ang mga damdamin at kaisipan ng mga tao upang magkaunawaan.

6) TEORYANG PAMPANITIKAN
- Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa
pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito

Teoryang Imahismo

Ang teoryang pampanitikan na nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o


imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
Teoryang Klasisismo

Ang Teoryangng pampanitikan na maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng


estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Romantesismo

Ang Teoryang pampanitikan na nais ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao
sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda
na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan.

Teoryang Humanismo

Ang Teoryang pampanitikan na ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Eksistenyalismo

Ang Teoryang pampanitikan na nagpapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).

Teoryang Formalismo

Ang Teoryang pampanitikan na nais iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Naturalismo

Ang Teoryang pampanitikan na nagbibigay-tuon sa pag-aaral ng kalikasan ng tao bilang


isang bagay na mapag-aaralan nang positibo at hindi hinahaluan ng damdamin at pangangaral.
Sa ganitong paraan, tinitingnan ng tao bilang isang nilikhang kumikilos at nag-iisip ayon sa batas
ng kanyang kalikasan. Samakatwid, ang tao ay “ganito” at “ganoon” dahil sa iyon ang kanyang
kalikasan bilang tao.
Teoryang Dekonstruksyon

- Ang Teoryang pampanitikan naniniwala na ang ano mang teksto ay walang iisa at
nakapangyayaring kahulugan na siyang nagbibigay, ayon sa mga pormalista (formalist writers),
ng kasisahan dito. Walang kaiahan ang ano mang teksto – lahat ay nagtataglay ng mga
kontradiksyong ito dahil sa ideolohiya.

Teoryang Moralistiko

- Ang teoryang pampanitikan na sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan


ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda

Teoryang Sosyolohikal

- Teoryang pampaniitkan na mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.

Teoryang Sikolohikal

- Teoryang pampanitikan na makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.

Teoryang Marxismo

- Teoryang pampanitikan na pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat


na puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi.

Teoryang Arketipo / Arkitaypal

- Teoryang pampanitikan na gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga
simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda.

Teoryang Feminismo

- Teoryang pampanitikan maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga
babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda
layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation.
Teoryang Realismo

Teoryang pampanitikan na ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay
na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.

You might also like