You are on page 1of 2

Alesna, Meca Ella G.

2022 - 06951
Pagtatasa sa Pantayong Pananaw
Filipino 18

“Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan”  ni Zeus


Salazar

1. Ano ang Pantayong Pananaw?

Ang pantayong pananaw ay isang buo, hindi watak-watak na diskursong


pangkalinangan o pangkabihasnan, ang pinakakatangian ng isang kalinangan o
kabihasnang may kabuuan at kakayahan. Batayan ito, samakatuwid, ng pagkakaisa ng
isang grupo ng taong may sarili at nagkakaisang wika at kultura. Sa pagpapakahuligan
ni Salazar, ang pantayong pananaw ay isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at
kalingangang Pilipino na nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay-uganay at pag-
uugnay ng mga katangian, halagahin (values), kaalaman, karunungan, hangarin,
kaugalian, pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan—kabuuang
nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika; ibig sabihin sa loob ng
isang nagsasariling talastasan / diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.

2. Ano ang mga kalakasan ng pantayong pananaw?

Ang pantayong pananaw ay nagbibigay ng malaking importansiya sa


kasaysayang lokal at bayan kung saan ang boses ng mas nakararaming masang
Pilipino, pangkat etniko at minoryang grupo ay nailalahad sa pag-usbong ng Bagong
Kasaysayan. Winawasto rin nito ang mga maling konsepsyon, konstruksyon,
representasyon at pagpapakilala sa lipunan at kulturang Pilipino bilang produkto ng
dayuhang impluwensiya sa ilalim ng kolonyal na diskurso.

Sa pamamagitan ng pantayong pananaw, makabubuo tayo ng


"sambayanan" bilang salaylayan ng istrukturang panlipunan, kung saan ang mga
maliliit nitong istruktura ang siyang bumubuo sa mga baranggay, munisipyo,
lalawigan, pamayanang etniko, at rehiyon. Tayo rin ay magkakaroon ng iisang
pagkakakilanlan. Sa pamamagitan nito, mas madali nating mairerepsresenta ang ating
mga sarili sa global na mundo at internasyonal na karera. Sa gayon, magiging bintana
natin ang Kukturang Nasyonal tungo sa labas; ang Kalinangang Bayan naman na
nakaugat sa mga kalinangang etnolingguwistiko at sa karanasang pambansa, ang
magiging bukal sa ating loob.

3. Ano ang mga kahinaan ng pantayong pananaw?

Kulang pa sa mga susuportang aral at dokumento ang Pantayong


Pananaw para mapatunayan ang maaring bisa nito sa kabuuhan ng kultura, lipunan, at
kabihasnang Pilipino. Kapos rin ito sa malawak na epistemolohikal at metodohikal na
batayan sa pag-aaral ng lipunan at kulturang Pilipino dulot ng hindi nito pagtanggap
sa ilang mga pamamaraang "hindi akma" sa batayang teoritikal at pundasyong
ideolohikal ng Pantayong Pananaw.

Nagkakaroon rin ng tendensiya na tingnan ang kalagayan ng kultura ng


mga elit at bayan bilang mga hindi nagbagong kultura at nakapagpanatili ng kani-
kanilang kultura (halimbawa ang mga pangkat etnolinggwistiko). Sa ganitong
pagsusuri, sinasabing “hayag/ lantad” ang pagpapanatili ng hating kulturang Pilipino
kaya tinatanggap na lamang na totoo ang isang karanasan at hindi na kailangan pang
bigyan ng patunay (self- evident) (Guillermo, 2003)

You might also like