You are on page 1of 2

Ayon sa nabasang artikulo narito ang mga hakbang/paraan kung paano makatutulong ang pag-

aaral ng Filipinolohiya tungo sa pagtamo ng Pambansang Kaunlaran:

1. Pagkilala sa sarili o ang kaakibat nitong kamalayang Pilipinista

Ayon sa sipi ni Zalasar sa Bautista at Pe-Pua 6; Salazar, “Philippine Studies” kaakibat ng


kamalayang Pilipinista ang artikulasyon ng pagkilala at pag-aaral sa sarili bilang pundamental
na bahagi ng kabansaan. Nakasaad sa artikulo ang pagbanggit ni Rizal na ang mga pag-aaral
sa Pilipinas ay tunguhing patungkol sa pag-aaral nating mga Pilipino tungkol sa atin at para sa
atin.
“Kailangan munang kilalanin at maunawaan ang sarili: ang sariling kalinangan, kalagayan at
pangangailangan na siyang magtatakda ng pamantayan ng kaangkupan ng mga idea at bagay
na aangkinin.” -Bienvenido Lumbera
Sinimulan ni Rizal ang pagkakaroon ng kaisipang Pilipino o kamalayang Pilipino na naglalayong
makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino at parte ng kabansaang may responsibilidad alamin
ang sariling kultura at kaisipan natin at atin itong pagyabugin.

2. Kamalayang Makabayan

Matapos ang pagkilala sa sarili ay susunod ang kamalayang makabayan. Pilipinisasyon ay


ang muling pagdadalumat at pagpook ng ating bansa. Sa ating kasaysayan, ang Pilipinas ay
napasailalim sa iba’t ibang kolonya bunsod ng pananakop ng mga makapangyarihang bansa,
ito ay humantong sa  pagkawala ng pagkakailanlan ng Pilipinas bilang isang bansa. Si Virgilio
Enriquez ang nanguna sa paggamit ng wikang Pilipino bilang midyum ng pagtuturo. Napagtanto
niya ang pangangailangang magsagawa ng sikolohiyang nakaugat sa lipunan, kultura, at wika
ng mga Pilipino. Indeheninasyon mula sa loob at indihenisasyon mula sa labas, ito ay ang mga
pinakilalang teorya ni enriquez. Mula sa loob ay ang paggamit ng sariling wika, mula sa labas
naman ay ang pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga. Ang sikolohiyang Pilipino ay
bunga ng kaisipan, karanasan, at oryentasyong Pilipino. Ang pagkakaroon ng kamalayang
makabayan at makakatulong sa pagdadalumat ng ating bansa sapagkat nagkakaroon ng sapat
na kamalayan ang mga Pilipino na maaaring magdulot sa pagunlad ng ating bansa. Ang ating
pag-aaral na dapat ay may pananaw na makaPilipinas ay dapat nakatuon sa kung paano natin
mabibigyang solusyon ang mga suliraning mayroon tayo sa makaPilipinong paraan. Kaakibat
din nito ay kung paano natin mas maipapakilala ang ating bansa at mas malilinang ang ating
pagkakakilanlan bilang Pilipino

3. Pakikipagkapwa

Ang konsepto ng kapwa ay ang pinakabuod ng mga halagahang Pilipino. Ang


pakikipagkapwa tao ay makakatulong sa isang indibidwal upang makisalamuha sa iba pang
mga mamamayan sa loob at labas ng komunidad na kanyang kinabibilangan. Nakakatulong ito
upang mapalawak ang pakikipag diyalogo sa nakakasalamuha kapuwa araw-araw. Halimbawa
na lang dito ay ang pakikiramdam, pagtatanung-tanong, paali-aligid, pakikisalamuha, pagdalaw-
dalaw, pakapa-kapa, pakikiramdam at pagpapahiwatig; pakikiugaling pagmamasid,
pakikipanuluyan, pakikipagkuwentuhan. Kung maitatanong kung bakit ito makakatulong sa
pambansang kaunlaran, maihahayag na ito ay ang magiging daan upang magkasundo at may
pagkakabuklod ng sambayanang Pilipino. Dahil nakapaloob na rito ang pag-galang o respeto sa
bawat mamamayan. Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay malaking dahilan sa pag-unlad ng
isang bansa.

 4. Pantayong pananaw

“Nasa panloob na pakakaugnay-ugnay at pag-uugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan,


karunungan… ng isang kabuuang pangkalinangan… sa loob ng isang nagsasariling talastasan”

Ipinakilala ito ni Zues  Salazar bilang isang pananaw na sentralisado ang sariling wika bilang
pangunahing tagapagpahayag ng nasabing kabuuang pangkalinangan. Ang wika ng Pilipinas
ay dapat na magtaglay ng pansariling identipikasyon bilang pambansang wika,  Nakapaloob
dito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, kahalagahan hangarin,karunungan, kaugalian
at pag-asal, at mga karanasan ng kabuuan at pagkalinang sa pamamagitan ng isang wika. Ang
lipunang may umiiral na pantayong pananaw ay gumagamit ng mga konsepto ng nauunawaan
ng lahat.

You might also like