You are on page 1of 2

GALVEZ, Diosdado IV R. Mr.

Ricardo Carpio
BSA 1-2 Kabanata 2

GAWAIN 3

Bigyan ng maayos pagpapakahulugan ang mga sumusunod ng kaisipan

1. Pilipinolohiya – Ang pilipinolohiya ay isang diskursong nagmumula sa naratibo na


naglalayong maging isang disiplinang kumikilala sa pansariling talino at karanasan. Isa sa
pinaka punto ng pilipinolohiya ay ang paghubog ng kaalaman patungkol sa bansa na
nagmumula sa loob at taliwas sa pagbasa mula sa labas. Naiiba rin ito sa “Philippine Studies
– bagamat isang diskurso tungkol sa bansa – ay nakatingin lamang sa Pilipinas bilang parte
ng “area studies” na pangangailangan ng mga dayuhan. Taliwas sa dayuhang pagbasa sa
bansa, ang pilipinolohiya ay nagbibigay ng pagpapa-buti ng kamalayang nagmumula sa loob
bilang isang paraan ng pagtingin at pag-unawa sa mga kaalaman sa Pilipinas.

2. Pantayong pananaw – Ang pangkalahatang larawan ng pantayong pananaw ay ito ang


panloob na ugnayan ng katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian,
pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan na ipinapahayag sa pamamagitan
ng isang wika. Ang isang lipunan ay may pantayong pananaw lamang kung lahat ay
gumagamit ng mga konsepto at kaugaliagang alam ng lahat pati na ang relasyon ng mga ito
sa isa’t isa. Sa kalagayan ng Pilipinas na binubuo ng maraming grupong etnolingguwistiko,
ang pagkakaroon ng pambansang pantayong pananaw ay hindi magiging madali dahil bawat
kalinangan ay mayroong sariling ugnayang panloob, kultura at sistemang panlipunan at pati
na rin wika.

3. Sikolohiyang Pilipino – Ang sikolohiyang Pilipino ay ipinanganak mula sa karanasan,


kamalayan at oryentasyon ng mga Pilipino na umuugat mula sa wika at kulturang Filipino.
Bilang isang pamamaraang pangsikolohiya, ang sikolohiyang Pilipino ay may mga
metodolohiyang angkop at kumikilala sa karanasang panloob ng mga komunidad sa
Pilipinas. Ang pakapa-kapa, patingin-tingin, pagdalaw-dalaw at iba pang mga metodolohiya
sa sikolohiyang Pilipino na nakabatay sa pakiramdam at emosyon ang ilan sa mga
pamamaraang angkop sa pag-aaral ng sikolohiya sa Pilipinas. At mayroon ring papel ang
sikolohiyang Pilipino sa dekolonisasyon ng pag-iisip ng mga Pilipino.
GALVEZ, Diosdado IV R. Mr. Ricardo Carpio
BSA 1-2 Kabanata 2

4. Filipinolohiya – Ang Filipinolohiya ay isang disiplina na nakasalig sa maka-agham na


pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan,
kasaysayan, komunikasyon at iba pang sangay ng karunungang Pilipino; nililinang rin nito
ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan. Importanteng
magkaroon ng maayos na kaisipan sa pagpoproseso ng mga karanasang bayan para ito ay
maging talinong bayan na siyang magpapaunlad at magiging gabay upang makamtan ang
mga pangangailangan sa lipunan. At panghuli, ang Filipinolohiya rin ay nagtataglay ng
makamasa, siyentipiko at makabayang edukasyon.

You might also like