Professional Documents
Culture Documents
Llames
BSOA 1-1N Filipinolohiya at Pambansang
Kaunlaran
Panggitnang Pagsusulit
I. Bigyan ng pagpapakahulugan ang mga sumusunod na konsepto (hindi lalagpas sa limang
pangungusap sa bawat pagpapakahulugan):
a. Filipinolohiya
Ang Filipinolohiya ay isang disiplinang nakalapat sa karunungang Filipino na nagpapahalaga sa
konsepto ng kamalayang makabansa, at bilang suhay sa paglinang ng talino sa pag-unawa sa iba’t-ibang
kaalaman na nagsusulong ng Pilosopiyang Filipino, at kahalagahan ng Wikang Filipino. Ito rin ay
yumayakap sa kaisipang mapagpalaya gamit ang karunungan na bunga ng talino sa maagham na
pagtuklas, at pagtukoy ng katotohanan sa kalagayan ng Lipunang Filipino, tungo sa kaunlarang
pangkabuhayan, pampulitka, at pangkultura. Para sa kabuuan, ang Filipinolohiya ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapang sagisag ng pagkakakilanlang Filipino, at isang sistematikong pag-aaral ng
kaisipan, kultura, at lipunang Filipino ng mga Pilipino sa Wikang Filipino, na tumutugon sa
pangangailangan mismo natin bilang mga Pilipino, upang palitawin ang ating pagka-Pilipino sa bawat
larangan. Ayon naman kay Prop. Gandhi G. Cardenas, ang Filipinolohiya ay isang disiplina ng
karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kaisipan, kalikasan, at ugnayan
ng wika, panitikan, kultura, tao, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang
Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga
karunungan. Ito rin ay nagtataglay ng makamasa, siyentipiko, at makabayang edukasyon.
b. Kalinangang Bayan
Ito ang pagpapakahulugan ng ‘Kalinangang Bayan’: isinilang ang mga Pilipino sa isang
sistemang kultural na umiinog sa kasaysayan. Nakatimo sa isip ng sambayanan ang sagisag, mga
tradisyon, kaugalian, pananaw sa buhay, at mga pagpapahalagang pantao. Sa kalinangan ng bayan
masasalamin ang angking katauhan o identidad ng mga mamamayang namumuhay sa lipunan. Ang
kalinangang bayan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Ang "Kalinangang
Bayan!" ay binuo upang lumikha ng isang malawak at malayang espasyo ng talakayan at
pagbabahaginan ng kaalaman at danas kaugnay sa sosyolohiya, wika, panitikan, kritisismo, at pedagojiya
tungo sa pagpapaunlad ng kalinangan bayan.
c. Talinong Bayan
Ang talinong bayan ay patungkol sa mga pangyayari sa tunay na buhay o kasaysayan ng
kamalayang bayan ukol sa Filipino. Masasabing produkto o bunga ng karunungan ang talino. Wisyo ang
pinong anyo ng talino. Gumagana ang wisyo sa hamon ng mga pangangailangan sa pamumuhay ng
lipunan. Diyalektikal ang kalikasan ng talino: likha ng karunungan, at nababago ng karunungan:
umuunlad ang karunungan sa tumatalas na talino.
d. Sikolohiyang Pilipino
Ang Sikolohiyang Pilipino ay ang pag-aaral ng diwa at mayroong papel sa dekolonisasyon ng
kamalayan ng mga Filipino. Ayon kay Prof. Virgilio Gaspar Enriquez Ph.D, ang Sikolohiyang Pilipino ay
masaklaw, tinitingnan nito kapwa ang loob ng kaisipan ng tao, at ang labas o ang pakikitungo niya sa
lipunan. Ito rin ay ipinanganak mula sa karanasan, kamalayan at oryentasyon ng mga Filipino na
nakabatay, nakakabit sa pagkakaugat sa wika, at kulturang Filipino. Masasabing ang Sikolohiyang
Pilipino ay kahalintulad sa taong bahay sapagkat dapat na kusang tanggapin muna o pag-isipan upang
mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng nasabing sikolohiya (sa
maikling salita: maybahay). Ayon naman kay Rober E. Javier ang Sikolohiyang Pilipino ay siyentipikong
pag-aaral ng ethnisidad, social at kultural na aspeto ng buhay ng tao.
e. Pilipinolohiya
Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Pilipino at lohiya (logos), na ang ibig sabihin ay
sistematikong pag-aaral. Ang Pilipinolohiya ay isang diskursong nagmumula sa naratibo ng
indihenisasyon na naglalayong maging isang disiplinang nanggagaling at kumikilala sa
pambansa/panloob/pansariling talino at karanasan. Ito ay naghahain ng pagpapa-unlad ng isang
kamalayang nagmumula sa loob bilang isang paraan ng pagtingin at pag-unawa sa mga kaalaman sa
Pilipinas, na taliwas sa pagbasa ng mga kanluranin na mula sa labas. Katulad ng Sikolohiyang Pilipino,
tinatapyas nito ang kolonyal na kamalayan at naghahain ng alternatibong daan sa pag-unawa ng bansa.
Ang layunin ng Pilipinolohiya ay palabasin o palitawin ang pagka-Pilipino ng iba’t ibang larangan na
meron ang kultura ng Pilipinas.
f. Pantayong Pananaw
Ayon kay Dr. Zeus Salazar, ang Pantayong Pananaw ay isang paraan ng pag-aaral ng
sikolohiyang nakaugat at kumikilala sa karanasang pambansa, isang kamalayang naglalayong
dumiskurso mula sa pagka-Filipino at para sa mga Filipino. Ito rin ay panloob na ugnayan ng katangian,
halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan na ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. Ang “Pantayong Pananaw” ay mula sa
salitang “tayo” na sa madaling salita, ito ay mga kwento at kasaysayan ng Pilipino, na isinasalaysay ng
mga Pilipino, para sa mga Pilipino. Ang Pantayong Pananaw ay nagsisimbolo ng sariling atin, kung saan
ito ang naging daan para mas makilala pa natin ang ating sariling wika, sariling kultura, kasaysayan at iba
pa. Pantayong Pananaw na nagpapakilala ng bansang meron tayo; Pilipinas, na nagsisilbing tulay para
matuto ang mga banyaga sa paggamit ng ating sariling wika, sapagkat karamihan sa mga dayuhan ay
hindi nakakaintindi ng salita natin.
g. Pambansang Kaunlaran
Ang pambansang kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang
lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang
bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang
kabutihan/tungkulin/responsibilidad para sa panlipunang kapakanan, tulad ng edukasyon, kalusugan,
imprastraktura, at iba pang serbisyong panlipunan. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga
makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbuti ng antas o lebel ng pamumuhay sa
lipunan, at pagbabago ng pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng
industriya. Upang mapalawak ang pambansang kaunlaran, kinakailangan na ang mga mamamayan nito
ay tangkilikin ang sariling produkto, matutong mag-negosyo o mamuhunan, makilahok sa mga proyekto
ng pamahalaan na may kaugnayan sa kaunlaran sa komunidad, magbayad ng tamang buwis, gamitin
ang kanilang karapatan sa pagboto, at magkaroon ng kamalayan ukol sa mga pangyayari sa loob ng
bansa. Lubhang mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap na
matamo ang pambansang kaunlaran.
II. Punan ang dayagram ng Filipinolohiya at Pambasang Kaunlaran at bigyan ng maikling paliwanag
(hindi lalagpas ng 15 pangungusap).
Sistema Industriya
Sinupin ng Trabaho Polisiyang Sining
Wika Proseso Pang-pulitika
Sistema ng Balangkas Hanapbuhay Agham
Tao Edukasyon Dokumentasyon Kaalamang Ekonomiya Lipunan
Kultura Paunlarin Kultura
Lipunan Ekonomikal Pulitikal
Kultural
III. Mula sa talakay, tumukoy ng iba pang karanasang bayan at isaad paano mo ito ipo-proseso upang
maging talinong bayan. Magbigay ng limang halimbawa.
1. Karanasang Bayan: Halamang gamot tulad ng “Dahon ng Tawa-tawa” bilang paraan ng panggagamot
sa sakit na Dengue
Talinong Bayan: Pag-aaralan ang siyentipikal na proseso at batayan ng “Dahon ng Tawa-tawa”
sa medikal na aspeto.
2. Karanasang Bayan: Pagbabago o pagpapa-unlad sa mga tradisyunal na pagkaing Filipino katulad ng
paglalagay ng Malunggay sa pandesal, strawberry sa taho, higit na pagdami ng sangkap ng halo-halo at
iba pa.
Talinong Bayan: Pagyamanin at paglaanan ng panahon ang pagpapaunlad ng mga mga delikasiya na
mayroon sa Pilipinas, at pagsisikap na ihanay ito o ihigit pa sa mga popular na pagkaing banyaga na higit
na tinatangkilik sa bansa kung saan ay posibleng mapagtagumapayan.
3. Karanasang Bayan: Ang isang uri ng pagsasaka na hindi naka depende sa abono o pataba sa lupa
(organic farming) ay magdudulot ng higit na magandang epekto sa mga magsasaka.
Talinong Bayan: Sumangguni sa kasalukuyang pananaliksik hinggil sa organic farming upang higit na
maging epektibo ang mga pamamaraan. Sa pamamagitan nito, maaaring makalaya ang mga magsasaka
sa paggamit ng kemikal na pataba na nagdudulot ng pinsala sa lupa, na nagbabaon sa kanila sa utang
ngunit higit sa lahat, dahil walang kemikal at higit na may sustansya ang kanilang palay na maaaani.
Maaring pag-aralan din ang proseso ng mga katutubo sa pagtatanim dahil wala pa naming sistema ng
paggamit ng kemikal na pataba noon.