You are on page 1of 7

YUNIT:1 FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN

A. Filipino Bilang Wikang Pambansa


LATHALAIN NI: DIR. HEN. ROBERTO ANONUEVO
WIKA
 kasangkapan ng komunikasyon opakikipagtalastasan

 tagapagdala ito ng mga ideya atnaiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang
isipat damdamin

 nagbubuklod sa isang lipunan na may iisangkultura. Hindi matatawag na

isang lipunan angisang grupo ng mga tao kung wala silang

wikang komon.

Disyembere 30, 1937 – ipinroklma ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang
Pambansa. Ayon sa Saligang Batas ng 1935 (ang kongreso ay gagawa ng hakbang
sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.
1940 – ipinagutos ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat
ng paaralan
Bisa ng Batas Komonwelt Blg.570 (Hunyo 4, 1946) Pinagtibay ng Pambansang
Asembleya noong Hunyo 7, 1940 (Ang Wikang Opisyal ng bansa ay tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino).
1959 Kautusang Pangkagawaran Blg.7 ay binaba ni Kalihim Jose B. Romero – ang
wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang mahabag
katawagang “Wikang Panbansang Piipino” o “Wikang Batay sa Tagalog”
1973 – Saligang Batas (Filipino)
1987 – Alinsunod a konstitusyon,ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging
Filipino (batay sa nucleusng Pilipino at Tagalog)
ARTIKULO XIV, Konstitusyong 1987
KWF (KOMISYON NG WIKANG FILIPINO) – Magbalangkas ng patakaran plano at
programa sa pagpapaunlad at preserbasyon ng wikang Filipino.
-Ang wikang Filipino ay susi sa mabisang komunikasyon sagisag ng isang tunay
na Pilipino.
B. Filipino bilang Wika ng Bayan ating Pananaliksik
-Ayon sa Artikulo XIV Konsitusyong 1987
-Ang wika ang magiging daan sa pakikilahok sa mga usaping may kinalaman sa
kapakanan ng bayan.
-Wikang Pambansa ang daan para ang mga ordinaryong mamamayan ay
magkaroon ng kakayahan upang makasangkot sa programa ng gobyerno.
-Nagkakaisang bayan na binibigkis ng isang mithiin at iisang wikang nauuwanan ng
lahat.
-Ang wikang filipino ang sandatang nagbubuklod sa lahat ng Pilipino saan mang
dako ng mundo sila naroroon.
-Pagtuturo ng filipino upang malinang ang kakayahang komunikatibo, mapanuring
pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
mga babasahin at teknolohiya tungo sa sa pambansang pagkakakilanlan.
C. FIlipino Bilang Larangan/D. Filipino sa iba’t ibang Larangan
-Ang wika ay uunlad kung ito ay ginagamit bilang kasangkapan ng kultura at mas
lalo pang mapapawalak kung ginagamit sa pagpapahayag ng mga pagbabago o
pag-unlad ng kabihasnan (INTELEKTWALISYON) (Haugen, Ferguzon)
-Ang kahalagahan ng intelekwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang
larangan tungo sa pagpapa-unlad hindi lamang ng Filipino kundi ng kaisipang
Filipino. (Constantino, 2015)
-Ang wika ay mabilis na uunlad kung ito ay ginagamit hindi lang sa tahanan,
lansangan o sa pangaraw-araw na buhay kundi bilang isang larangan sa edukasyon
at pananaliksik.
-Ang wika ay ginagamit upang ang mga mananaliksik ay makapag-talastasan at
makabuo ng isang sariling komunidad na pang komunikasyon sa disiplinang
Araling Pilipino.
-Mas magiging epektibo ang saliksik (tesis, disertasyon) kung ito ay nasa Wikang
Pilipino.
-Mahalaga ang pagpaplanong pangwika sa pag-unlad ng Filipino bilang larangan
at Filipino bilang iba’t ibang larangan.
-Ayan kay (Flores, 2015), may dalawang antas ang pagpaplanong pangwika.
-Antas MAKRO – nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa kolehiyo.
-Antas MAY’KRO – nakatuon sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran
sa bawat lugar.

YUNIT:2 FILIPINO SA HUMANIDADES,AGHAM PANLIPUNAN AT IBA PANG


KAUGNAY NA LARANGAN
A. SITWASYONG PANGWIKA SA HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN
Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, dapat gamitin
ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.
Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na
REGISTER. Ang mga salitang ito ay maaaring magkaroon ng:
 Isang kahulugan lamang dahil ekslusiboitong ginagamit sa mga tiyak na
disiplina.
 Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang
disiplina.
 Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng
pagkakaroon ng ugnayan ng mga dsiplinang ito.

B. LARANGAN NG HUMANIDADES
-Layunin ng Humanidades ang pangunahang layunin ng Humanidades ay
hindikung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao.
-Ang larangang ito ay binubuo ng Panitikam (Wika teatro), Pilosopiya (Relihiyon),
Singing (Biswal, pelikula, teatro at sayaw, Applied; graphics, Industriya (fashion,
Interior) at Malayang Sining (calligraphy, studio arts, art history, print making at
mixed media.)
-Inilunsad ito upang bumuo ng mamamayang mahusay sa pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhan at makabuluhan at aktibong miyembro ng ipunan.
MGA URI NG LAPIT
-Descripsiyon o paglalarawan, paglilista, kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng
pangyayari, sanhi at bunga, pagkokompara at epekto.
1. ANALITIKAL NA LAPIT – pag oorganisa ng mga impormasyon sa mga
kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnayan-ugnay ng mga ito sa isa’t
isa.
2. KRITIKAL NA LAPIT – ginagawan ng interpretasyon, argumento, ehalwasyon
at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya.
3. ISPEKULATIBONG LAPIT – pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.
3 ANYO SA LARANGAN NG HUMANIDADES
1. Impormasyonal – maaaring isagawa batay sa sumusunod:
a. Paktwal ang mga impormasyon – bilang background gaya ng talambuhay
o maikling bionote(?), artikulo sa kasaysayan at iba pa.
b. Paglalarawan – nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa
isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan
ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula,
kuwento, nobela at iba pa.
c. Proseso – binubuo ng palinawag kaugnay ng Teknik, paano isinasagawa
at ang nagging result na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika.
2. Imahinatibo – binubuo ng mga malikjang akda gaya ng piksyon (nobela,
dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan gayundin ang pagsusuri
dito.
3. Pangungumbinse – panggantak upang mapaniwala o di-mapaniwala ang
bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t ang
mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.
LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
-Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-
kalikasan, mga Gawain at pamumuhay nito , kasama ang mga implikasyon at
bunga ng mga pagkilos nito  bilang miyembro ng lipunan.
-Tao at kultura ang sakop nito subalit itinuturing itong isang uring siyensiya o
agham.
-Ito ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan,at mga datos
na sekondarya.
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
Sosyolohiya
-pag-aaral ng kilos,pag-iisip at gawing tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal
na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.

Sikolohiya
-pag-aaral mga kilos,pag-iisip at gawing tao,gumagamit ng empirikal na
obserbasyon.

Lingguwistika
-pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan,anyo, estruktura at
baryasyon nito.Bahagi ng pag-aaralang ponetika,ponolohiya, morpolohiya,sintaks
at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptiboo  pagpapaliwanag sa pag-aaral
ng katangian ng wika,gayundin ng historical na lapito  pinagdaanang pagbabago ng
wika.
Antropolohiya
-pag-aaral ng mga tao sa iba’tibang panahong ng pag-iral upang  maunawaan ang
kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng  participant-observation o
ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.

Kasaysayan
-pag-aaral ng nakaraan opinagdaan ang pag-iral ng mga grupo, komunidad,lipunan
at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-
naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.

Heograpiya
-pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot
na mga bagay kaugnay ng katangian,kalikasan at pagbabago rito kasama  na ang
epekto nito sa tao,metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga
pananaliksik dito.

Agham Pampolitika
-pag-aaral sa bansa,gobyerno,politika at mga patakaran,  proseso at sistemang
mga gobyerno,gayundin ang kilos-politika lng mga institusyon, gumagamit ito ng
analisis at empirikal na pag-aaral.

Ekonomiks
-pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon
at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang
bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa ay
may epekto  sa krimen,edukasyon,pamilya,batas,relihiyon,kaguluhan at mga
institusyong  panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito.

Area Studies
-interdisiplinaryong pag-aaral,kaugnay ng isang bansa,rehiyon,at  heyograpikong
lugar,kuwalitatibo,kuwalitatibo,atempirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang
lapit sa pananaliksik dito.
Arkeolohiya
-pag-aaral ng mga relikya,labi,artifact 
at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.

Relihiyon
-pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala,sistemang kultural at
mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sang
kamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at
  Superhuman na kaayusan.

PAGSULAT SA AGHAM PANLIPUNAN

Simple,impersonal,direkta,tiyak ang tinutukoy,argumentatibo,nanghihikayat at naglalahad.Di-piksyon ang


anyo ng mga sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya
ngunit sapat upang ma-pangatuwiranan ang katuwiran o tesis.

MGA ANYO NG SULATIN

Report,sanaysay,papel ng
pananaliksik,abstrak,artikulo,rebyung libro o
artikulo,niyograpiya,balita,editorial, talumpati,adbertisment,proposal sa pananaliksik,komersiyal sa
telebisyon,testimonyal

You might also like