You are on page 1of 14

linggo 3

Filipino sa Piling Larangan: Akademik

28
Sa aking mag-aaral:
Ikaw ay magsisimula na para sa Ikatlong lingo ng aralin. Basahin at unawain ang mga aralin
sa ibaba, pagkatapos ay sagutin ang linguhang pagsusulit at aktibiti blg. 3 sa ibaba pagkatapos ng
aralin.

Sa katapusan ng Linggo 3, ikaw ay inaasahang:


a. masasagutan nang wasto sa humigit 85% ang mga tanong sa lingguhang pasulit; at
b. nakasusulat ng isang editoryal.

ARALIN VI. PAGSULAT SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN

Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan ay KAPANGYARIHAN na pareho ng


esensiya ng ENERHIYA na pundamental na konsepto ng Pisika.
- Bertrand Russel
-
Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay
lubhang mapaunlad ng mas malalim nap ag-unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos.
-Nicholas A. Christakis

Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan, mga
gawain, at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at Bunga ng mga pagkilos nito bilang
miyembro ,ng lipunan. Kaiba ito sa larangan ng Humanidades na tumatalakay sa mga sinaunang
kaugalian at sa katangian ng tao bilang nilalang at indibidwal.

A. Humanidades vs. Agham Panlipunan

Tao at kultura ang sakop ng pag-aaral at paksa ng Humanidades gayundin ng Agham


Panlipunan. Ngunit kaiba sa Humanidades, ang Agham Panlipunan ay itinuturing na isang uri ng
siyensiya o agham. Kung ispekulatibo, analitikal, kritikal, at deskriptibo ang lapit sa pag-aaral ng
Humanidades, sa Agham Panlipunan naman ay lapit-siyentipiko ang gamit bagama’t iba-iba ito depende
sa disiplina. Gayunman, sa kalahatan, kuwantitabo, at istatistikal ang paraan ng pagkuha ng datos dito.
Gumagamit din ito ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondarya.
Dayakroniko (historikal) at sinkroniko (deskriptibo) rin ang pagsusuri o metodolohiya rito.

Nagsimula sa kanluraning pilosopiya ang Agham Panlipunan noong ika-18 hanggang ika-19
siglo. Ito ang itinuturing na moral na pilosopiya ng panahon. Malaki ang nagging impluwensiya ng
Rebolusyong Pranses (1789-1799) at Rebolusyong Industriyal (1760-1840) sa pagkabuo ng larangan ng
Agham Panlipunan.

Ang mga makasaysayang pangyayaring Bunga ng Panahon ng Kaliwanagan o Panahon ng


Katuwiran (Age of Enlightenment o Age of Reason) sa Europa noong ika-17 siglo, nang ibinasura nila
ang piyudalismo, pang-aalipin, aristokrasya, pribilehiyo sa mga relihiyoso, mga monarkiya, at
kapangyarihan ng simbahan, ay nagresulta sa pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao, liberalism,
sekularismo, nasyonalismo, sosyalismo at modernong mga ideolohiyang political. Nagdulot naman ang
rebolusyong industriyal ng pagbabago sa sosyo-ekonomiko at kultural na pamumuhay ng mga tao
Bunga ng pag-unlad ng teknolohiya, agrikultura, transportasyon, komunikasyon, at kalakal. Sumusulpot
ang republika at demokratikong mga gobyerno dahil sa pagkabuwag ng mga monarkiya,aristokrasya, at
29
piyudal na mga estado. Katuwiran, indibidwalismo, at kaalaman sa halip na tradisyon, pananampalataya,
at pamahiin ang pinairal sa lipunan sa panahong ito.

B. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

Kabilang sa disiplina ng Agham Panlipunan ang sosyolohiya, lingguwistika, sikolohiya, agham


pampolitika, kasaysayan, heograpiya, antropolohiya, at ekonomiks. Kasama rin ang mga area studies.
Narito ang maikling katangian ng bawat larangan.

Sosyolohiya – Pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag-unlad, at
pagkabuo ng mga samahan at institusyong Panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman tungkol sa
kaayusan at pagbabago sa lipunan. Gumagamit ito ng empirical na obserbasyon, kuwalitatibo, at
kuwantitatibong metodo.

Sikolohiya – Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao. Gumagamit din ito ng empirical na
obserbasyon.

Lingguwistika – Pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon
nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at gramatika. Deskriptibo o
pagpapaliwanag sa katangian ng wika ang ginagamit na lapit sa pag-aaral nito, gayundin ang historical
na lapit o pinagdaanang pagbabago ng wika.

Antropolohiya – Pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang
kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit dito ang participant observant,ion o eksperiyensyal na
imersiyon sa pananaliksik.

Kasaysayan – Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo, komunidad, lipunan, at


ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan. Ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad
ang mga pangyayaring ito.

Heograpiya – Pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga
bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito, kasama na ang epekto nito sa tao. Mga
metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo rin ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.

Agham Pampolitika – Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran, proseso, at sistema ng
mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon. Gumagamit din ito ng analisis at
empirical nap ag-aaral.

Ekonomiks – Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksiyon, distribusyon, at


paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga
kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas,
relihiyon, kaguluhan, at mga institusyong Panlipunan. Empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral
dito.

Area Studies – Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heograpikong lugar.
Ilan sa mga halimbawa nito ang Japanese Studies, Korean Studies, Philippine Studies, American
Studies, Russian Studies, at iba pa. Kuwalitatibo, kuwantitatibo, at empirical na obserbasyon at
imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.

30
Arkeolohiya – Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay
at gawain ng tao.

Relihiyon – Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural, at mga


pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang
superior at superhuman na kaayusan.

C. Pagsulat sa Agham Panlipunan

Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta,
tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat, at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin
dito. Madalas ay mahaba ito dahil sa presentasyon ng mga ebidensiya ngunit sapat uoang
mapangatuwiran ang katuwiran o tesis.

D. Mga Anyo ng Sulatin

Karaniwang mga anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan ang report, sanaysay, papel ng
pananaliksik, abstrak, artikulo, rebuy ng libro o artikulo, biyograpiya, balita, editorial, talumpati,
adbertisement, proposal sa pananaliksik, komersiyal sa telebisyon, testimonial, at iba pa. Mahalagang
maunawaan muna ang iba’t ibang katangian ng bawat anyo – pormat, layunin, wika, nilalaman, at
inaasahang mambabasa. Kung gayon, mahalaga ang pananaliksik sa datos sa bawat anyo, anomang
paraan ito.

E. Proseso

Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat ng agham Panlipunan. Hindi naman ito
gaanong naiiba sa ibang larangan.

a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.


b. Pagtukoy at Pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapagtatalakay nito? Kng mayroon na, ano ang
bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba?
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito ngunit
maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa
takbo ng pagtalakay.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media, internet,
social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensiya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensiya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantitatibo, kuwalitatibo,
argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas), angkop,
sapat, at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng Sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda.

31
Narito ang bahagi ng ilang anyo ng saulatin sa Agham Panlipunan.

A.

Si Bronislaw Malinowski (1944) ang naghayag na ang iba’t ibang uri ng kalipunan ay
tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan. Ito ang buod ng kaniyang teorya ng kultura. Ang bawat
pangangailangan ay nauuwi sa pagtatayo ng institusyon. Ang pamilya bilang institusyong
nagtatanggol sa Karapatan ng mamamayan; ang Negosyo ay pagpapalitan ng produkto, at iba pa.

Prospero Covar, “ Pilipinohiya, Larangan, at


Kalinangan ng Pagkataong Pilipino,” Daluyan, 2004

B.

Blending naman ang pagsasama-sama ng mga bahagi ng dalawa o higit pang mga salita
upang mabuo ang isang salita na may bagong kahulugan. Halimbawa, ang tapsilog ay galling sa
tapa, sinangag, at itlog; ang iskargu, sa isda, karne, at gulay; ang Brenda, sa brain damage; ang
tradpol o trapo, sa traditional politician; ang altanghap, sa almusal, tanghalian, at hapunan.

Prospero Covar, ed. Mga Babasahin sa Agham


Panlipunan, 1999, p.4

C.

Hindi kakulangan sa anumang masaker ng mga Dayong Tsino sa mahigit na 300 taon ng
Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang mga masaker na ito, gaya noong 1603, 1639, 1662,
1686, 1762, ay tinawag ding “Paghihimagsik ng mga Tsino” sa mga sinulat na kasaysayan. Ang
totoo, ang mga masaker ay resulta ng pagganti sa mga Tsino na naghihimagsik laban sa
pagpapahirap ng mga Kastila.

Salin ng Teresita Ang See at Go Bun Juan, “The Ethnic


Chinese in the Philippine Revolutine,” 1996

D.

Kapag nahulog ang bata at tumayo, di malaman kung iiyak o tatawa, sa oras na iyon ay
nakatutulong ang pagbibiro para siya ngumiti. Ang di-magandang karanasan ng pagbagsak ay
madaling nalilimutan kaya’t nagkakatawanan. Napanantili ang ganitong pagkilos hanggang sa
pagtanda dahil sa BIRO. Kapag nauntog ang ulo sa pagaba sa dyip, pagtatawanang siya, kahit
talagang malakas ang untog.

(Salin ng bahagi ng) Katrina De Guia, Ph. D.


Kapwa: The Self in the Other, 2005

E.

32
Sa maraming bansa, ang bahagi sa pambansang kita ng bawat mamamayan (per capita
income) sa rural na lugar ay kalahati lamang ng nakukuha ng mga taga-urban na pook at siyudad.
Kung tutuusin, bumubuo sila ng dalawang-katlo ng populasyon sa mundo. Ngunit mababa pa sa
25% ang kanilang bahagi sa pagkabuuang edukasyon, at mga serbisyong pangkalusugan, tubig at
sanitasyon.

Prospero Covar, ed. Mga Babasahin sa Agham


Panlipunan 1, 1999

F.

Naniniwala ang Pilipinas na ang pagsasama-sama ay bumubuo ng lakas at ang kolektibong


lakas na ito ay nagbibigay ng seguridad. Dahil nasa isang rehiyon ito na napakalapit sa mga
bansang komunista at walang kapangyarihang maipagtanggol ang sarili sa anumang pagtatangka ng
mga ito, tanggap nito ang kooperasyong military at pumasok sa kasunduang Southeast Asia
Collective Defense Treaty. Ang desisyong ito ay ginawa ng Gobyerno ng Pilipinas na ang
pinakamataas na konsiderasyon ay seguridad ng estado.

(Salin) Emmanuel Pelaez, “A Hard Look at PI-US Defense


Arrangements,” nasa Far Eastern Law Review, vol VI, 1939

G.

Ang dinosaur,na may habang 85 ft., na ang mga kalansay ay nadiskubre sa Argentina oong
2005, ngunit inabot ng 2 taon bago mahukay at mapag-aralan, ang isa sa pinakamalalaking hayop
na tumira sa lupa hanggang sa kasalukuyan.
(salin, topics.mytime.com,
download 30 Agosto 2014)

ARALIN VII. PAGSULAT SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA

Ang siyensiya, tulad ng sining, ay hindi kopya sa kalikasan, kundi isang muling paglikha nito.
-Jacob Bronowski
Kung hindi madidiskubre ng siyensiya, hindi malalaman ng tao.
-Bertrand Russel
Isinaayos natin ang isang sibilisasyon kung saan ang pinakamahalagang element ay umaasa nang
husto sa siyensiya at teknolohiya.
-Carl Sagan
Kagulat-gulat ngunit napapalinaw na nilampasan ng ating teknolohiya ang ating pagiging tao.
-Albert Einstein
A. Likas na Siyensiya, Teknolohiya vs. Siyensiyang Panlipunan at Sining

Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galling sa salitang
Latin na scientia, ibig sabihi’y karunungan.

33
Ang siyensiya, partikula na ang likas na siyensiya (natural science), ay ang larangang nagtutuon
sa ag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo – sistematikong identipikasyon, obserbasyong,
deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon, at teoritikal na paliwanag sa mga
penomenang ito (www.megasessays.com) na may layuning mabatid at magkaroon ng kaalaman tungkol
dito. Ang likas a phenomena ay yaong kaugnay at dala ng kalikasan na umiiral nang walang
interbensiyon ng tao.

Iba ang likas na siyensiya sa siyensiyang Panlipunan o agham Panlipunan. Kung ang likas na
siyensiya ay tumutuon sa likas na phenomena o kalikasan, ang siyensiyang Panlipunan ay tumutuon
naman sa lipunan ng mga tao. Umiiral ang mga penomenang Panlipunan dulot o resulta ng interbensiyon
at interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Bagama’t magkahiwalay, may mahalagang elementong sangkot
sa dalawang larangan – ang tao.

Tao ang nakikinabang, gumaganap, at nabubuhay sa mga element ng kalikasa, at tao rin ang
bumubuo sa lipunan.

Ayon ng kay Karl Marx, darating ang panahon na magiging bahagi ng siyensiyang pantao ang
likas na siyensiya. Gayundin, ang siyensiyang pantao ay magiging bahagi ng likas na siyensiya. Sa huli,
magiging iisang siyensiya na lamang sila.

Ang teknolohiya naman ay kaakibat ng siyensiya. Ito ang praktikal na aplikasyon ng mga
impormasyon at teoryang pansiyensiya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at
paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan. Galing
ang salitang teknolohiya sa salitang Griyego na teknologia, na “sistematikong paggamit ng sining,
binuong bagay (craft) o Teknik.” Pinagsamang salita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan, craft
o paraan kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
(web.engr.oregonslate.edu)

Ang layunin ng siyensiya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya.
Ang teknolohiya naman ay gumagamit sa mga datos at mga teoryang ito upang makabuo ng produkto.

Ang sining, sa kabilang dako, ay walang tiyak na layunin. Ang isang likhang sining ang siya
mismong obheto o layunin nito- isang paglikha upang makabuo ng isang ideya o interpretasyon mula sa
babasa, titingin, o makikinig dito. Emosyon ang nililikha ng sining. Samantala, pag-alam o pag-intindi
ang tinutumbok ng tekolohiya at siyensiya.

Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, ang sining, siyensiya, at teknolohiya, noon pa mang simula
ng sibilisasyong hanggang sa modernong panahon, ay nagpabago sa kasaysayan, pagkatao, at kamalayan
ng sangkatauhan. Gayunman, tao pa rin ang mahalagan sa mga larangang ito.

Ayon nga kay Elbert Hubbard, magagawa ng isang makina ang Gawain ng 50 ordinaryong tao.
Walang makinang makagagawa ng Gawain ng isang ekstraordinaryong tao.

Hindi gaanong kadali ngunit hindi gaanong kahirap maging ekstraordinaryo sa mundong ito.

B. Mga Disiplina sa Larangan ng Siyensiya at Teknolohiya

34
Ilan sa mga disiplinag kabilang sa larangan ng siyensiya ang Biyolohiya, Kemistri, Pisika,
Astronomiya, Earth Science, Space Science, at Matematika. Sa kabilang dako, kabilang naman sa
Teknolohiya ang Inhinyeriya, Arkitektura, Information Technology (IT), at Aeronautics. Narito ang
ilang katangian ng mga disiplinang ito:

Biyolohiya- Nakatuon sa mha bagay na buhay- ang estruktura, pinagmulan, ebolusyon, gamit,
distribusyon, at paglawak ng mga ito.

Kemistri – Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksiyon at interaksiyon sa


enerhiya at sa sarili ng mga ito.

Pisika- Nakatuon sa property at interaksiyon ng panahon, espasyo, enerhiya, at matter. Mula sa Griyego
na phusike o kaalaman sa kalikasan.

Earth Science o Heolohiya – Sistema ng planetang daigdig sa kalawakan – klima, karagatan, planeta,
bato at iba pang pisikal na element kaugnay ang pagbuo, estruktura, at mga phenomena nito. Kung
minsa’y tinatawag din itong Heolohiya.

Astronomiya – Pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal – mga kometa, planeta, galaxy, bituin, at
penomenang pangkalawakan.

Information Technology (IT) – Pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat


ng impormasyon, datos, at pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo,
distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon, at sistema.

Arkitektura – Itinuturing itong kabilang sa teknolohiya dahil isa itong proseso at produkto ng
pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na estruktura. Ngunit
ibinibilang din ito sa larangan ng sining dahil sa gusali ay kadalasang itinuturing na sining at kultural na
simbolo. Hindi lamang ang gamit, silbi, teknikal, sosyal, at pangkapaligiran ang binibigyang-
konsiderasyon kundi pati ang estetika, pagiging artistiko o malikhain, at kultura.

Matematika – Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng mga numero, pigura,
anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.

Aeronautics – Teorya at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks ng nabigasyon sa


kalawakan.

C. Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik sa Siyensiya at Teknolohiya

Ang metodong siyentipiko ang ginagamit na proseso sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya.

Sinasabing ang mabuti at magaling na siyensiya ay may pinaunlad na hipotesis, na isang


pamamalagay, paliwanag, interpretasyon, pahayag, at prediksiyon sa maaaring mangyari sa
isinasagawang pananaliksik. Ito ang katumbas ng tesis sa pananaliksik sa Agham Panlipunan at
Humanidades. Isinasagawa ang pagsubok sa hipotesis sa pamamagitan ng eksperimentasyon o
obserbasyon. Susundan ito ng pagkolekta ng mga datos at pagproseso ng mga ito tungo sa resulta ng
eksperimentasyon. Sinisiguro din ditto ang pagkabalido at kabuluhan ng pag-aaral. Mula rito ay
gumagawa ng balidong konklusyon batay sa ginagawang pananaliksik. Sa konklusyon, pinatunayan o

35
pinabubulaanan ang hipotesis o kaya’y bumubuo ng teorya upang ipaliwanag ang obserbasyon at
eksperimentasyon.

Narito ang halimbawang graphic organizer na maglalarawan sa metodong siyentipiko:

Pahayag ng Problema

Pagkolekta ng Impormasyon

Pagbuo ng Hipotesis

Pagsubok sa Hipotesis

Kongklusyon: Resulta Kongklusyon: Resulta

Sumusuporta sa Hipotesis Di- Sumusuporta sa Hipotesis

Ang isang mabuti at magaling na pananaliksik sa teknolohiya ay dumaraan naman sa sumusunod na proseso:

a. Pag-iisip ng disenyo o solusyon sa problema. Sasagutan ang ilang tanong: Ano ang mahalagang gawin o
solusyonan? Bakit? Paano? Ano ang dapat isagawa?
b. Susundan ito ng hipotesis o pagpapahayag ng solusyon o disenyo bilang pinakamabuting gawin.
c. Paglalahad ng mga ebidensiya.
d. Pagpapahayag ng mga argumento sa pamamagitan ng halaga, sukat, gamit, teorya, at obserbasyon.
e. Kongklusyon – pagpapahayag na isa itong kontribusiyon bago o makabago, at ground-breaking na
produkto, proseso, solusyon.

D. Metodong IMRaD sa Siyensiya at Teknolohiya

Isa sa mga popular na metodo sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya ang IMRaD.
Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi. (www.tc.umn.edu)

I - Introduksiyon – problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag. Bakit isinasagawa ang
pag-aaral? Ano ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis?

36
M – Metodo – mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kalian, saan, paano, gagamitin ang materyal. Sino-sino
ang sangkot?

R – Resulta ng ginawang empirical na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis?

a – Analisis ng isinasagawang pag-aaral batay sa resulta.

D – Diskusyon at Kongklusyon ito ng isinasagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang
maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi
bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan?

Ilang Kumbensiyon sa Pagsulat

1. Gumagamit ng atin, kami, at tayo; ang sulating siyentipiko at teknnikal, hindi personal (halimbawa: ako,
ikaw, at iba pa)
2. Hindi pasibo kundi aktibo
3. Nasa pangkasalukuyan (halimbawa: matematika)
4. Maraming drowing (halimbawa: kemistri)

Tandaan:

 Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan, mga
gawain, at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at Bunga ng mga pagkilos nito bilang
miyembro ng lipunan.
 Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galling sa salitang Latin
na scientia, ibig sabihi’y karunungan.
 Ang siyensiya, partikula na ang likas na siyensiya (natural science), ay ang larangang nagtutuon sa
ag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo – sistematikong identipikasyon, obserbasyong,
deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon, at teoritikal na paliwanag sa mga
penomenang ito (www.megasessays.com) na may layuning mabatid at magkaroon ng kaalaman
tungkol dito.
Sanggunian:
Constantino, et. al., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore, INC856 Nicanor
Reyes, Sr. St., Sampaloc,Manila.

37
Ave Maria College
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
School ID No. 402686 Gov’t Permit No. 0059 s. 2015

Lingguhang Pasulit blg. 3

Pangalan:__________________________ _______ Petsa:_______


Taon/Trak/Istrand:__________________________ Iskor:_______

I. Panuto: Ilista ang pagkakapareho at pagkakaiba ng Humanidades at Agham Panlipunan.Ilagay sa


Venn Diagram. (15 pts)

II. Panuto: Tukuyin kung sa aling disiplina sa Agham Panlipunan kabilang ang mga halimbawang
binanggit sa pahina 32 (anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan). (14 pts)

a. _____________________________________________________________________________
b. _____________________________________________________________________________
c. _____________________________________________________________________________
d. _____________________________________________________________________________
e. _____________________________________________________________________________
f. _____________________________________________________________________________
38
g. _____________________________________________________________________________
1.

39
Ave Maria College
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
School ID No. 402686 Gov’t Permit No. 0059 s. 2015

Activity blg. 3
Pagsulat ng Editoryal
Pangalan:__________________________ ___ Petsa:_______
Taon/Trak/Istrand:______________________ Iskor:_______

Panuto: Sumulat ng isang kritikal na editoryal tungkol sa isang isyu o problemang pansiyensiya at
teknolohiya. Linawin ang mga sumusunod: a) Ano ang dapat maging kontribusyon ng lipunan (mga
institusyon sa loob nito) upang maibsan ang problema kaugnay ng isyu? b) Ano ang maitutulong ng
larangan ng humanidades at siyensiyang panlipunan dito? Gumamit ng extra sheet na papel kung
kailangan.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_______________________

Paalala:

Itago ang linguhang pagsusulit at aktibiti blg. 3 sa iyong portfolio at isumite ito sa iyong course
faciletaytor bago magpatuloy sa ikaapat na linggo.

Good Job!

Wakas ng Linggo 3

40
41

You might also like