You are on page 1of 2

Student Name: ABIGAIL CORDOVA EDALE

Course: MST-Social Studies


SUBJECT: SST 202- READINGS IN BEHAVIORAL SOCIAL SCIENCES

TOPIC: PANTAYONG PANANAW


By Zeus Salazar

I. Introduksyon
Ang pantayong pananaw ay isang konsepto ng historyador na si Dr. Zeus A. Salazar na nag-
aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa kasaysayan
at agham panlipunan. Ang pantayong pananaw ay kilala din sa tawag na Bagong kasaysayan at
kasalukuyang ginagamit para sa artikulasyon at perspektibo sa agham panlipunan

Ayon kay Salazar, ang kasaysayan ay salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para sa
sinasalaysayang pangkat ng tao o salinlahi. Ang bagong kasaysayan ay ang pagsasanib at
pagtatagpo nito sa ideya ng inangking kasaysayan sa loob ng diwa ng makabayang pagkilos at
pantayong pananaw na pangkabuuang Pilipino. Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw
sa pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian,
pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at
ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika at magkakaroon lamang ng pantayong pananaw
kapag gumagamit ang lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng
lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan.

Binigyang depinisyon ang “Pantayong Pananaw” bilang isang metodo ng pagkilala sa


kasaysayan at kalinangang Pilipino na nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay-uganay at pag-
uugnay ng mga katangian, halagahin (values), kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-
aasal at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag
sa pamamagitan ng iisang wika; ibig sabihin sa loob ng isang nagsasariling talastasan /
diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang
etnolinggwistikong grupo na may kabuuan at kakanyahan sa atin, at sa iba pang dako ng
mundo.”

Tungkol naman sa wikang Filipino at kaugnayan nito sa kasaysayan, pahayag ni Salazar na


hindi ito payak na tagapagpahiwatig, tagapagpahayag at tagapag-ugnay ng kasaysayan. Mabisa
rin daw ito bilang imbakan o pinagkukunan ng kasaysayan dahil dito umaagos ang kalinangan at
karanasan. Sa pamamagitan daw ng wikang pambansa, nagkaroon ang pag-iintindi sa kasaysayan
bilang isang bukas at lantad sa pamimigatan ng pagbibigay kahulugan, kabuluhan, katuturan.
Maaaring tingnan ang wikang Filipino bilang isang kapangyarihan ng nagpapalaya sa bayan at
pagiging Pilipino ng kasaysayan.

II. Layunin of Pantayong Pananaw


- Magkamit tayo ng kabihasnang katulad ng iba na batay sa wika, ugali at kaisipan nang
pinagbuod ng bayan na ito.
IV. Conclusion
Bahagi ng pagbuo ng nagsasariling bansa ang pagkakaisa at tungo sa maunlad na bayan
ay ang kalinangan at pagiging Malaya ng ating kaisipan sa kultura, wika na nagdudulot ng
pakakaintidihan at matatag na bayan.

Ang pangkaming pananaw ang isa sa iniiwasan na mangyari sa suhestyon na metodo ni Salazar,
sapagkat para makabuo ng isang metodong nagsasarili, mainam na umpisahan ang paglilinang
sa mismong taga-loob.

References / Reading Materials:


https://www.harvard-yenching.org/research/pook-paninindigan-critical-appraisal-
pantayong-pananaw/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pantayong_pananaw#cite_ref-3

https://www.youtube.com/watch?v=9OrVekTf3k8

https://www.youtube.com/watch?v=BqDCYQ6wtR8 (Kwentuhan sa Diliman-Panayam kay


Prop. Zeuz A. Salazar.

https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4949

You might also like