You are on page 1of 2

MOLINA, REYJENIE D.

MWF 8:00-9:00

FIL 109 AUGUST 27 ,2021

PAGBUO NG BALITA

Teknolohiya para sa New Normal Education o Blended Learning

Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan
ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay
upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral. Nang
naannunsyo na magkakaroon ng lockdown sa mga bansang apektado kasama ang Baguio City
sa COVID19 Crisis, dito na nagsimula ang “Blended Learning o Online Class”

Sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda nilang araw
at oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di
nakapagtrabaho o kaya naman ay work from home din kaya may panahong sapat para
gabayan ang kanilang mga anak.

Bagama’t marami pa ring mga estudyanteng nagsasabi na iba pa rin ang pakiramdam kung
may personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga estudyante, kailangan na lamang
gawing mas masigla, epektibo at imperatibo ang paraan ng pagbabahagi ng aralin upang ang
mga bata ay magkaroon ng pokus at ibuhos ang kooperasyon. Kaya masasabing trending ang
online class ngayon at isa ring matinding hamon para sa lahat upang maging matagumpay ito
kahit sa panahon ng stay-at-home.

May hirap ka pa ring mararanasan sa sistemang ito lalo na at hindi naman lahat ay may
kayang magkaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga
telepono ng mga magulang na may subskripsiyon ng internet o kaya ay
pakikipagkomunikasyon gamit ang WhatsApp o Messenger.
Ayon kay Rizalina Ignacio, ang aming kapitbahay na aking ininterview nagkaroon ng disiplina
ang mga bata dahil nagkaroon ng regola sa kanilang bahay na dapat maglaan ng oras sa
paggawa ng aralin, paglalaro o ang paggamit ng gadget. At sa kaniya bilang isang ina, naging
hamon din ang isaayos ang kanyang oras para magampanan ang mga gawaing-bahay at
pagsubaybay sa pag-aaral ng anak. Sa kanilang kuwarto ay sadyang naglaan ng study area
upang higit ang konsentrasyon kaya napakinabangan nang husto ang study table. Sa kanya
namang palagay, di gaanong epektibo ang online class lalo sa maliliit na bata dahil sa hirap na
mapanatili sila sa kanilang upuan, kadalasan ay naiinip ang mga ito.

Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap
buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng
radyo at telebisyon ay mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga
mamamayan tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face
at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa pamamagitan ng internet, kompyuter o
maging cellphone man ay ligtas at malayang nakakapag-usap ang mga tao. Sila rin ay
nakakapag-oonline sa pagtitinda ng mga produkto, miting o webinar para sa mga empleyado
at online distance learning para sa mga estudyante.

Ito ay isang pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong sa atin ngayon sa
gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan na ang labis na paggamit ng
teknolohiya o kahit ano pa mang bagay ay maaaring magdulot nang masama at ikapahamak
hindi lang ng ating sarili ngunit ng ating kapwa. Kaya ang payo ko sa inyong lahat, tayo ay
maging wais sa paggamit nito upang ito ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa o
magampanan natin nang tama ang ating tungkulin sa tulong ng teknolohiya.

You might also like