You are on page 1of 1

Online learning ay ang gumagamit ng internet na hindi sa tradisyunal na classroom sa

pagtuturo. Ito ay isang kategorya ng distance learning na tinatawag din e-learning o


electronic learning. Dahil dito, halos lahat ng tao ay maaring magkaroon ng access sa
edukasyon, kahit na saan pa sila, basta’t sila ay may internet. Ito ay nangyari sa
kadahalinan ng lumalaganap na sakit sapagklat sa maraming tao . Ang online class ay
isang hindi makatarungang sistema ng edukasyon sapagkat ito ay hindi para sa lahat.
Maraming mga mag-aaral na isang mahirap na bansa tulad n gating bansa ang wala
namang kompyuter, cellphone at koneksyon sa Internet. Ang ganitong uri ng edukasyon
ay isang makikitang pasakit sa mga maralita at paralita at parang sinasabing wala
silang karapatan na maka pag-aral. Ang ganitong klaseng sistema ay nakapagbibigay
nang harang sa maraming bata.

Kung iisipin ang umiiral na sistema sa normal na edukasyon ay kung misan ay pasakit
na kahit pa sabihing nasa pampublikong paaralan, ang mga gadgets ay may kamahalan
ay lalong magbibigay ng pasanin hindi lamang sa mga mag-aaral patinarin sa mga
mag-aaral patinarin sa mga magulang. Ngayon may pandemya at umiiral ang online
class, paniguradong maraming Pilipinong mag-aaral nanaman ang mapag-iiwanan.
Kaya kung bawat isa ay magkakaroon ng tulong mula sa pamahalaan upang
matulongan at makisabay sa mga mag-aaral na may perang pantustos para sa online
class upang magkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon ang lahat. Dahil kung ang
mga may pera lamang ang may kakayahan nito hindi kailanman magiging epektibo ang
online class.

You might also like