Professional Documents
Culture Documents
ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang
computer. Dahil sa biglaang outbreak ng nakamamatay na COVID-19 na nagpayanig sa mundo,
maraming bagay ang nagbago, kabilang na ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinaos sa pamamagitan
ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay
upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral. Ayaw
namang ihinto muna ang pasukan ngayong taon kaya naman humanap na lamang ng
alternatibo ang pamahalaan upang kahit papaano ay may matutunan pa rin ang mga mag-aaral
at hindi masayang ang isang taon na gugugulin sa pag-aaral.
Ngunit ang biglaang transisyon mula sa face to face classes mula sa blended learning—gamit
ang mga modyuls at online classes—ay nagturo ng aral hindi lamang sa mga mag-aaral kung
hindi sa buong sistemang pang-edukasyon sa bansa. Itinuro ng pangyayaring ito na maraming
bahagi ng akademya ang tila hindi naging handa at mukhang mas marami ang nasanay na sa
kalidad ng edukasyon na mayroon na lamang sa bansa. Lumabas na maging ang Department
of Education ay hindi handa sa mga ganitong kaganapan. Patunay nito ay ang mga kamalian sa
modules at sa mga materyales at bidyo na ginagawa ng DepEd na na-puna rin ng maraming
mag-aaral at magulang.
Bagama’t iba pa rin ang atmospera ng isang silid-aralan kung saan ay may personal na
interaksyon sa pagitan ng guro at mga estudyante, kailangan na lamang gawing mas masigla,
epektibo at imperatibo ang paraan ng pagbabahagi ng aralin upang ang mga bata ay
magkaroon ng pokus at ibuhos ang kooperasyon. Kaya masasabing trending ang online class
ngayon at isa ring matinding hamon para sa lahat upang maging matagumpay ito kahit sa
panahon ng stay-at-home. May kakambal din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay
may kayang magkaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga
telepono ng mga magulang na may subskripsyon ng internet para lamang makadalo sa klase.
Isipin din natin ang kalagayan ng mga mag-aaral kung saan ang kanilang mga magulang ay
full-time health worker gaya ng doktor, narses, sanitary workers at iba pang patuloy ang
hanapbuhay dahil kailangan kahit panahon ng lockdown. Maaaring mahirapan sila dahil sa
walang sapat na panahon ang mga magulang upang matulungan, matutukan at masuportahan
sila sa kanilang online class.