You are on page 1of 2

Baguio Central University

College of Teacher Education and Liberal Arts

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Pagbasa

I. Layunin:

 Ang mga mag-aaral ay inaasahang nakapagbibigay ng isang pagsusuri sa mga akdang


binasa gamit ang limang dimension ng pagbasa.
 Nasusuri ang pagkakaiba ng proseso sa pagbasa.
 Nalalaman ang iba’t ibang uri ng pagbasa.
 Napahahalagahan ang isang ganap na layunin sa pagbasa.
 Nakapagbabahagi ng karanasan sa pagbasa ng ilang mga akda.

II. Nilalaman

A. Paksang Aralin: Pagbasa


B.  Sanggunian:Aguilar, Jennifor L. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Fil. Jehner’s
Publishing House. Rizal.
Austero, Cecilia S. et.al.. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Unlad Publishing House. Pasig
City.
Carpio, Perla S. 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcyzville Publications.
Malabon City.
San Juan, Gloria P. 2009. Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon).
Grandwater Publishing Inc. Metro Manila.
C.Kagamitan: Laptop at Projector
D.    Pagpapahalaga: Pag-unawa at ganap na pagbasa.

III. Pamamaraan

A.  Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagpapakilala

B.     Pagganyak
 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung sila ba ay nagbabasa. Matapos nito ay
ang pagtalakay sa kung ano ang kanilang binabasa? Ano ang nilalaman ng kanilang
nabasa? Ano ang kanilang pagkakaunawa sa kanilang binasa? At, ano-ano ang mga
hakbang na kanilang isinagawa bago lubusang maunawaan ang kanilang binasa.

C. Paglalahad
 Pagtalakay sa kahulugan ng pagbasa ayon sa iba’t-ibang may akda.
 Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa mga uri ng pagbasa.
 Pagsusuri sa limang dimensyon ng pagbasa.

D.Pagtalakay
 Ano ang pagbasa?
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng
kaisipan.Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
 Mga uri ng pagbasa.
 Mabilisang pagbasa Kaswal na pagbasa
 Pahapyaw na pagbasa Muling pagbasa
 Tahimik na pagbasa Palaktaw na pagbasa
 Pagbasang may pagtatala Mataimtim na pagbasa
 Limang dimensiyon ng pagbasa
 Pag unawang literal
 Interpretasyon
 Mapanuring pagbasa
 Aplikasyon sa binasa/paglalapat
 Pagpapahalaga

E.    Paglalahat
 Pagtatanong ng guro sa mga mag-aaral sa kung ano ang kahalagahan sa isang tao ang
pagkakamit ng isang ganap na pag-unawa sa binasang akda. Matapos nito ay ang
malayang talakayan hinggil sa tugon ng mga mag-aaral.

F.     Paglalapat
 Ano ang kahalagahan sa pag-aaral ng makrong kasanayan sa pagbasa?

IV.PAGTATAYA

 Pagsusulit sa Makrong kasanayan sa Pagsusulat 50 aytem


 Sasagutan ng mga mag-aaral ang inihandang pagsusulit ng guro

V.    Takdang-Aralin

 Basahin at unawain ang akdang “Ang Lupa ay Ginto” na isinulat ni Macario Perez.
Bigyang reaksyon ito.
 Bigyan ng sariling wakas ang akdang “Ang Lupa ay Ginto” at anong mapupulat na aral
dito.

Inihanda ni:

Reyjenie D. Molina
Nagpapakadalubhasa sa Filipino

You might also like