You are on page 1of 5

Mary Grace Y.

Paracha

Masusing Banghay-Aralin

I. Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang,
A. Makikilala ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
B. Makakapag bahagi ng damdamin tungkol sa pinagmulan ng wika.
C. Makakapag-sulat ng mga halimbawa sa bawat teorya ng pinagmulan ng wika.
Pagpapahalaga: Pagpapayaman ng kaalaman tungkol sa wika at kung paano ito
nagsimula.

II. Paksang-Aralin
A. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
B. Sanggunian: K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 12, Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina Alma M. Dayag at Mary
Grace A. Del Rosario, pahina 76-78.
C. Kagamitan: Kartolina at speaker.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimula Magsitayo ang mga mag-aaral para sa isang
1. Panalangin maikling panalangin.

Bago tayo magsimula, maaari bang magsitayo ang


lahat para sa isang maikling panalangin.
Angelica, pakipangunahan mo ang panalangin.

Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga rin pos a inyong Binibining
Mary Grace.

Maaari na kayong magsiupo Salamat po, ma’am.

2. Pagtetsek ng Attendance

May lumiban ba sa araw na ito? Wala po. Lahat po ay na narito ma’am.

Magaling.

3. Pagbabalik-aral

Bago tayo magsimula sa pinaka paksa ay magbalik


aral muna tayo sa paksang tinalakay kahapon.

Tungkol saan ba ang tinalakay natin kahapon


Michelle? Michelle: Ang paksang tinalakay natin kahapon ay
tungkol sa wika at katangian ng wika.
Ibigay ang kahulugan ng wika, Arnold.
Arnold: Ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga
kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng isipan.

Ano-ano naman ang mga katangian ng wika, Elle?


Elle: Ang wika ay masistemang balangkas,
sinasalitang tunog, arbitraryo, komunikasyon,
pantao, kaugnay ng kultura, ginagamit, natatangi,
dinamiko at malikhain.

Mahusay! Palakpakan natin silang tatlo.


(Palakpakan)
Natitiyak kung naunawaan ninyong mabuti an
gating talakayan kahapon.

4. Pagganyak

Ngayon kalse, may mga tunog akong ipaparinig sa


inyo, inyo itong pakikinggan at alamin ang mga
tunog na inyong narinig.

Handa na ba kayo?
Handa na po!
Ayan, natitiyak ko na ang bawat isa ay handa ng
making at matuto ngayong araw.

(Ipinarinig ang mga tunog)

Napakinggan ba ng mabuti ang mga tunog?


Ngayon, ano-ano ba ang mga tunog na inyong
napakinggan?
Sige nga, Allaine?
Allaine: May tunog po ng pusa, baka at baboy.
Magaling. Bukod pa roon, ano pa ang iyong
napakinggan Jerome? Jerome: ano po maam, may tunog ng eroplano at
martilyo.
Sige, ano pa Ivy?
Ivy: Mga damdamin po tulad ng masaya, umiiyak
at natatakot. Mayroon din pong tunog na
pangritwal.
Mahusay!
Patrik, saan mo madalas maririnig ang mga tunog
na ito? Patrik: Sa mga hayop, bagay, sasakyan, kalikasan,
emosyon at sa mga ritwal?
Maraming salamat, Patrik.

Sa tingin ninyo mayroon bang epekto ito sa pang


araw-araw nating pamumuhay?
Kung mayroon, ano sa tingin niyo ang dahilan
kung bakit mayroong mga tunog na nabubuhay sa Ivan: Ang mga tunog na naririnig natin sa ating
ating lipunan? Sige nga Ivan. paligid o di kaya’y sa ating mga lipunan ay mga
tunog na may nais ipabatid o iparating na
mensahe.
Ayan, maraming salamat sa lahat ng sumagot.
Kayong lahat ay magagaling!
5. Pagtalakay sa Aralin

Dahil mayroon na kayong ideya tungkol sa ating


paksa, ating tatalakayin ang mga teorya na
pinagmulan ng wika. (Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng mabuti)

Ano nga ba ang Teorya ng wika?

Ating bigyan ng kahulugan ang mga salitang teorya


at wika.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa


iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may
mga batayan, subalit hindi pa lubusang
napapatunayan.

Samantala, ang wika ay tulad nga ng sinabi natin


kanina, ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan
na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng isipan.

Ibig sabihin klase, ang teorya ng wika ang


sinasabing naging basehan o pinagmulan ng ating
wika.

Naunawan ba? Opo, ma’am!

Mabuti kung ganon.

Ang mga teorya ng wika:


a) Teoryang Bow-wow
 Nagmula ang wika sa paggaya ng
tao sa mga tunog na likha ng mga
bahagi ng kalikasan. Maaaring
ito’y buhat sa hayop, halaman,
hangin o tubig.
Halimbawa:
-Tahol ng aso
-Huni ng ibon,
-Hampas ng alon
Jerson: Tilaok ng manok po ma’am.
May makapagbigay pa ba ng halimbawa?
Sige Jerson?
Mahusay!

b) Teoryang Ding-dong
 Ipinapalagay ng teoryang ito na
kinakatawan ng isang ispesipikong
tunog ng mga bagay sa kapaligiran.
Halimbawa:
-Kalimbang ng kampana
-Tik-tak ng orasan
-Kring-kring ng telepono
Ano pa Michelle? Michelle: Ding-dong ng doorbell po.
Magaling!
c) Teoryang Pooh-pooh
 Nagsasaad ito na ang mga tao’y
lumilikha ng mga likas na tunog at
may pakahulugan tayo sa mga
tunog na ito sapagkat tayo ang
lumikha. Sinasabing ito’y
nagsimula sa silakbo ng damdamin
o sa pagbubulalas ng pagtataka,
takot, galak, sakit at iba pa.
Halimbawa:
-Natutuwa
-Nagagalit
-Umiiyak
May Iba pa ba, Allaine? Allaine: Natatakot at nagugulat ma’am
Mahusay!

d) Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
 Ayon sa teoryang ito, ang wika raw
ay nag-ugat sa mga tunog na
nalilikha sa mga ritwal na
kalauna’y nagpabago-bago at
nagkaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa:
-Ritwal habang nanggagamot
-Ritwal habang nagtatanim
-Ritwal habang nagpapaanak
May makapagbigay pa ban g ibang halimbawa? Ivan: Ritwal bago, habang at pagkatapos ng kasal
Sige Ivan? po.
Magaling! Ang ritwal rin sa kasal ay kadalasang
sinasabayan ng pagdarasal, pagsasayaw at pag-
iingay.

Nauunawaan ba ang iba’t ibang teorya ng wika?


Lahat: Opo ma’am!
May mga katanungan ba kayo o nais itanong sa
ating paksang tinalakay? Lahat:Wala na po!

6. Paglalapat

Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng


sarili mong teorya tungkol sa wika, ano ang (Nagtataasan ng mga kamay ang mga mag-aaral)
ipapangalan mo dito at bakit?

Anthonette ano ang iyong masasabi?


Anthonette: Kung bibigyan ako ng pagkaataon ang
itatawag ko sa sarili kong teorya ay teoryang pag-
ibig. Sapagkat para sa akin, ang pag-ibig ay may
Magaling! Naibigan ko ang iyong sinabi. sariling wika.

7. Assessment
Sa inyong pananaw, alin sa mga teoryang ating
pinag-aralan ang pinakamalapit sa katotohanan?

Jayson, maaari ko bang marinig ang iyong sagot?


Jayson: Para po sa akin ma’am ay ang teoryang
Maraming salamat Jayson sa iyong sagot. pooh-pooh dahil simula pa lang po nong una ay
nakakapaglikha na ng tunog ang mga sinaunang
tao sa ating bansa.
8. Paglalahat
Sa kabuuan, maraming haka-haka tungkol sa Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng mabuti
pinagmulan ng ating wika. Sa dinami-rami ng mga
teorya ng iba’t ibang tao, hindi parin maipaliwanag
kung saan, paano at kailan nagsimula ang ating
wika . Ang wika ay totoong mahalaga sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat ito ang
ating ginagamit sa pakikipagtalastasan. Bagaman
at hindi pa nagsimula, isang katotohanan na ang
wika ay umuunlad at nagbabago kasabay ng
pagbabago ng panahon at lipunan.

IV. Ebalwasyon:
Para sa 20 puntos, magbigay ng tig-dadalawang halimbawa sa bawat teoryang napag-aralan.
Isulat ito sa isa’t kalahating papel. Kinakailangan na ang mga halimbawang inyong isusulat ay
hindi pa nababanggit sa ating pagtalakay. Mayroon lamang kayong 15 minuto bago ipasa
ang inyong mga ginawa.

V. Takdang-aralin:
Gumuhit ng isang halimbawa ng teorya ng pinagmulan ng wika. Ilagay ito sa Short sized
bond paper.

You might also like