You are on page 1of 8

Mischelle D.

Mariano
Isang Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 1
I. Mga Tiyak Na Layunin
A. Natatalakay ang kahulugan ng komunikasyon.
B. Natutukoy ang ibat ibang salik sa proseso ng komunikasyon.
C. Naibibigay ang kahalagahan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay ng tao.
D. Natataya ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa komunikasyon at mga salik nito.

II. Paksang Aralin: Komunikasyon at ang mga Salik na Bumubuo sa Proseso Nito
Kagamitan: Slideshow Presentation, Laptop, Projector
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino I), pahina 14-19

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Pangganyak

Magandang araw, mga mag-aaral!

Mayroon akong mga ipapakitang larawan sa
inyo. Ano ang nakikita niyo sa unang
larawan?

Magaling! Ang pagtetext nga ang isa sa
pinakagamiting paraan ng pakikipag-usap
ngayon, hindi ba?

Pero kung minsan, hindi lubos na
nagkakaintindihan ang nag-uusap sa text
dala na rin ng ibat ibang salik, hindi ba?

Ano naman ang nasa ikalawang larawan?

Tama! Sa tingin niyo, ano ang ibig sabihin
ng pagkakaroon ng maraming Likes?

Oo, at kung minsan nga ay nagiging sukatan
na rin ang daming Likes ng Facebook
status ng isang tao, lalo na sa inyong mga
kabataan. Tama ba?

Oo. Ngayon, ano naman ang nakikita niyo
sa ikatlong larawang ito?

Magaling! Ano sa tingin niyo ang paksa ng
liham niya? Para kanino kaya ito?


Magandang araw din po, maam!



Mga pag-uusap po gamit ang text.



Opo, maam.



Opo, maam.

Mga Facebook status na maraming Likes.


Ibig sabihin po ay maraming nakauunawa sa
saloobin ng sumulat ng status.



Opo, kumbaga mas maraming Likes, mas
sikat ka o mas astig!

Mga liham po, maam.


Sa tingin ko po ito ay isang love letter para
Mischelle D. Mariano

Tama! Ano ang pagkakapare-pareho ng
tatlong larawang ito?

Mahusay! Ang tatlong larawan ngang ito ay
nagpapakita ng ibat ibang paraan ng
komunikasyong ginagamit ng mga tao, una
ay ang pagtetext, ang paggamit ng Social
Networking Site gaya ng Facebook at ang
mas lumang paraan, ang pagsusulat ng
liham.

B. Paglalahad

Sa araw na ito ay ating ngang pag-aaralan
ang mga batayang kaalamang
pangkomunikasyon- ang kahulugan nito, at
ang mga salik sa proseso ng komunikasyon.
Handa na ba kayong makinig?

C. Pagtatalakay

Kapag sinabing Komunikasyon, ano ang
mga salitang unang pumapasok sa iyong
isip?








Magaling! Lahat ng inyong sinabi ay
mayroon ngang kaugnayan sa
Komunikasyon. Tingnan natin ang
kahulugang ibinigay ng ilang eksperto.

Una ay ang sinabi ni Rothfuss na ang
komunikasyon ay isang prosesong
resiprokal. Ano ang ibig sabihin ng
resiprokal?

Tama. Kung gayon, ilan kaya ang taong
kasangkot sa komunikasyon kung
sinasabing may nagpapalitan o
sa minamahal niya.

Lahat po ng larawan ng nagpapakita ng ibat
ibang paraan ng komunikasyon.














Opo, maam.





(Inaasahang ilan sa sagot ng mga mag-aaral
ang sumusunod:)

Pakikipag-usap
Pakikipagtalastasan
Pagpapalitan ng mga ideya
Telepono
Pagtetext
Pakikipag-chat








Nangangahulugan po itong pagpapalitan o
pagbabahaginan.



Mischelle D. Mariano
nagbabahaginan?

At ang mga kasangkot na ito ay ang
tinatawag na tagahatid at tagatanggap. Mas
pagtutuunan pa natin ng pansin iyan sa mga
salik ng komunikasyon.

Sinabi naman ni Revell na ang
komunikasyon ay pagpapalitan ng mga
ideya, impormasyon, o damdamin ng mga
kalahok sa pamamagitan ng mga simbolong
berbal at di-berbal.

Ano ang simbolong berbal?

Tumpak! At ano naman ang mga simbolong
di-berbal?

Tama, lahat ng simbolong maaaring gamitin
maliban sa salita.

Ang pangatlong nagbigay ng kahulugan ay
si Verderber. Sinabi niya na ang
komunikasyon ay dinamiko, tuluy-tuloy at
transaksyunal.

Ano ang ibig sabihin ng dinamiko?

Tama, kung gayon, paano nagbabago ang
komunikasyon?






Magaling! Isa nga iyang patunay na
nagbabago at aktibo ang komunikasyon. Sa
paanong paraan pa?


Mahusay! Lahat nga ng tao ay sangkot sa
proseso ng komunikasyon.

Bakit naman sinabing ito ay tuluy-tuloy?

Maaaring dalawa o higit pa ang taong
nagpapalitan ng mga ideya o saloobin.











Ito po ay ang mga salita o pangungusap na
sinasabi ng mga komyunikeytor.

Kabilang po rito ang intonasyon, mga kilos
o senyas, ekspresyon ng mukha at mata.








Ito ay nangangahulugang nagbabago.


Nagbabago po ang komunikasyon kasabay
ng pagbabago ng panahon. Sumasabay ito
sa pangangailangan ng mga tao. Gaya ng
larawan kanina, noong unang panahon ay
puro liham ang ginagamit ngunit ngayon ay
umunlad na at ang gamit na ng karamihan
ay cellphone at Facebook.


Aktibo rin po ang komunikasyon sa paraang
ito ay nagaganap sa pagitan ng ibat ibang
tao.



Ito ay tuluy-tuloy dahil wala itong tiyak na
simula at wakas. Patuloy itong nagaganap sa
Mischelle D. Mariano

Tama! At kahit na natapos na ang pag-uusap
ng dalawang tao, hindi pa rin natatapos ang
proseso ng komunikasyon, makikita pa rin
ito sa mga kilos at ekspresyon ng isang tao
at nagkakaroon pa rin ng tinatawag na
Intrapersonal na komunikasyon kung saan
kausap ng tao ang kanyang sarili. Tama ba?

Ngayon, paano naman nagiging
transaksyunal ang komunikasyon?



Magaling! Mayroon silang layuning nais
matamo na siyang dahilan ng kanilang
transaksyon at nasa kanilang mga kamay
kung makakamtan nila ang layuning iyon.

Maliwanag na ba sa inyo ang kahulugan ng
komunikasyon? Sino ang makapagbibigay
ng kanyang sariling pagpapakahulugan dito?



Mahusay! Upang mas lalo pa nating
maunawaan ang proseso ng komunikasyon,
talakayin naman natin ngayon ang mga salik
na bumubuo sa proseso nito.

Ano ang unang salik?

Tama. At sino ang mga komyunikeytor?


Ano ang pagkakaiba ng tagahatid sa
tagatanggap?


Tama! Ngunit ang pagkakaintindihan ng
mga komyunikeytor ay maaaring
maapektuhan ng ibat ibang salik, hindi ba?
Sino ang makapagbibigay ng halimbawa?



pagitan ng mga tao.






Tama po.


Ito po ay transaksyunal sapagkat ang mga
taong kasangkot dito ay parehong
responsable sa ikatatagumpay ng kanilang
pag-uusap.







Sa aking pagkakaintindi sa mga naibigay na
kahulugan, ang komunikasyon po ay isang
aktibong proseso ng pagpapalitan ng
impormasyon o ideya ng mga tao.





Ang mga komyunikeytor, maam.

Sila po ang mga taong kasangkot sa
komunikasyon na maaaring tagahatid o
tagatanggap.

Ang tagahatid po ang bumubuo ng mga
mensahe samantalang ang tagatanggap ang
pumuproseso at nagbibigay-reaksyon dito.



Gaya po ng pagkakaiba ng edad. May mga
terminong ginagamit ng mga kabataan
ngayon na hindi naiintindihan ng mga mas
nakatatanda gaya na lamang ng TTYL,
Mischelle D. Mariano







Napakahusay ng inyong mga sinabing
halimbawa. Ang iba pang makakaapekto ay
ang karanasan, motibasyon, ideya, estado,
edukasyon, hanapbuhay at iba pa.


Dumako naman tayo sa susunod na salik,
ang layunin ng komunikasyon. Ano ang ibig
sabihin nito?


Kung gayon, ay masasabing may ibat ibang
layunin ang bawat tao sa
pakikipagkomunikasyon na maaaring pang-
indibidwal o pangkatan.

Maaaring maging layunin sa komunikasyon
ang sumusunod:
1.Humingi o magbigay-impormasyon
2.Humikayat o mag-impluwensiya
3.Magbigay-aliw
4.Lumutas ng suliranin
5.Magpanatili ng relasyon

Sino ang makapagbibigay ng mga
halimbawa?








Mahusay ang inyong mga ibinigay na
halimbawa. Ngayon naman ay talakayin
natin ang ikatlong salik, ang mga tuntuning
pangkomunikasyon. Ano ang kahulugan
nito?
IDK, IKR at marami pang iba.

Nakakaapekto rin po ang pagkakaiba nila ng
kasarian. Maaaring ang gustong paksang
pag-usapan ng isang lalake ay puro isports o
videogames na hindi naman hilig ng kausap
niyang babae.








Ang layunin ay tumutukoy sa inaasahang
resulta ng pakikipag-usap ng bawat
komyunikeytor.















1.Kapag may mga turistang nagtatanong
ng direksyon patungo sa isang
tourist spot sa Ilocos.
2.Kapag panahon ng pangangampanya,
ang lahat ng tumatakbong pulitiko
ay nanghihikayat sa pamamagitan ng
mga diskurso.
(Magbibigay pa ng ibang halimbawa.)




Ang tuntuning pangkomunikasyon ang
Mischelle D. Mariano


Tama, ibig sabihin ito ang nagdidikta kung
ano ang angkop na paksa o behavior ng mga
komyunikeytor ayon sa konteksto at sa
kanilang relasyon. Magbigay nga ng
halimbawa?







Magaling! Dahil sa nag-iiba-iba ang
relasyon ng mga komyunikeytor sa isat isa,
nag-iiba rin ang tuntuning
pangkomunikasyong dapat nilang sundin.

Ngayon naman, ang susunod na salik ay ang
feedback. Ano ang feedback?

Ano ang kahalagahan ng feedback?


Halimbawa nito ay kung pailing-iling ang
kausap mo, ibig sabihin hindi sang-ayon o
nagdududa. Maliwanag ba?

Ang susunod na salik ay ang mensahe. Ano
ang ibig sabihin nito?


Tama. Ito ang kumakatawan sa ano ng
komunikasyon. May tatlong salik ang
mensahe- ang kahulugan, simbolo, at anyo o
paraan. Ano ang kahulugan?

Tama at ang kahulugang ito ay maaaring
ihatid sa pamamagitan ng mga simbolo na
maaaring maging berbal o di-berbal. May
dalawang prosesong kasangkot dito, ang
enkowding at dekowding. Ano ang
pagkakaiba ng dalawang ito?


nagsisilbing batayan ng mga komyunikeytor
ng kanilang transaksyon.




Halimbawa po iba ang paraan ng pakikipag-
usap ng guro sa kanyang mga mag-aaral sa
paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa
guro.

Iba rin po ang paksa ng pag-uusap sa loob
ng klasrum sa paksa ng pag-uusap sa
kalsada.






Ito ay ang tugong mental o pisikal sa pag-
uusap ng mga komyunikeytor.

Ito ay pahiwatig kung naunawaan ba o hindi
ang inihatid na mensahe.


Opo, maam.


Ito ang berbal o di-berbal na simbolong
ginagamit ng mga komyunikeytor sa
kanilang pag-uusap.



Ito ang mga ideya o damdaming nais
iparating nga komyunikeytor.





Ang enkowding ay ang pagpapalit ng mga
ideya at damdamin sa mga simbolo
samantalang ang dekowding naman ay
Mischelle D. Mariano


Magaling! At ang anyo o paraan naman ay
kung paano inihahatid ang mensahe.
Maaaring sa pamamagitan ng pagguhit,
paglalarawan o paggawa ng krokis.

Dumako naman tayo sa ikaanim na salik, na
tsanel o daluyan. Ano ito?

Tama! At ang ginagamit nating tsanel ay
ang ating limang pandama. Halimbawa, sa
paningin, maaaring magdamit ng nakakaakit
ang isang dalaga upang makuha ang
atensyon ng isang binata. Sino pa ang
makapagbibigay ng halimbawa?





Mahusay! Upang lalong mapaigting ang
ating mensahe, gumagamit tayo ng higit sa
isang tsanel, ang berbal ay maaaring
sabayan ng di-berbal na salita.

Ngayon naman ay ang ikapitong salik, ang
konteksto. Ano ito?

Tama at kasama na rin dito ang panahon,
temperatura, ayos ng pagkakaupo, ingay sa
kapaligiran, pormalidad ng okasyon, bilang
ng nag-uusap, itinakdang tuntunin at
relasyon ng mga komyunikeytor. Magbigay
nga kayo ng halimbawa?


Mahusay! At ang panghuling salik ay ang
kinalabasan o resulta. Bakit kailangang
malaman ang resulta ng komunikasyon?


At hindi lang iyon, palatandaan din ito kung
epektibo silang komyunikeytor o hindi.
Ngunit hindi laging basehan ang pagtamo ng
layunin sa pagiging mabisa ng
pagpapalit ng mga simbolo sa mga ideya at
damdamin.






Ito ang dinadaanan ng mensahe mula sa
isang komyunikeytor patungo sa iba.





Sa panlasa at pang-amoy, ang masarap at
mabangong ulam ay maaaring magpahayag
ng pagmamahal ng isang ina para sa
kanyang pamilya.

(Magbibigay pa ng ilang halimbawa.)






Ito ay tumutukoy sa kapaligiran at lugar na
pinangyarihan ng komunikasyon.





Halimbawa, iba ang paraan ng pag-uusap ng
mga guro sa loob ng faculty room sa paraan
ng pag-uusap ng mga teenager sa mall.


Mahalagang malaman ito dahil palatandaan
ito kung naging matagumpay ba o hindi ang
naganap na komunikasyon.




Mischelle D. Mariano
komunikasyon, sa halip ay mas mahalagang
isaalang-alang pa rin ang kaangkupan ng
kaasalan sa pakikipag-usap. Halimbawa,
dahil sa gusto mo lamang mapasang-ayon
ang isang tao, pipilitin mo na ito kahit
taliwas sa kanyang kagustuhan.

Naintindihan niyo ba kung ano ang
komunikasyon at ang ibat ibang salik nito?

D. Pagpapahalaga

Kung gayon, para sa inyo, ano ang
kahalagahan ng komunikasyon?





Magaling! Kung gayon, masasabing ang
komunikasyon ay palatandaan ng buhay sa
mundo, hindi ba?

F. Ebalwasyon

Ngayon ay maglabas kayo ng isang buong
papel at gawin ang sumusunod. Magtala ng
posibleng paksa at pares ng komyunikeytor
para sa mga sumusunod na konteksto.

1. sa kantina
2. sa mall
3. sa klasrum
4. sa hospital
5. sa kalsada
6. sa palengke
7. sa simbahan
8. sa loob ng husgado








Opo, maam.




Ang komunikasyon po ay ang
pinakamahalagang proseso sa buhay ng
isang tao. Dito natin naipapahayag ang lahat
ng ating ideya at mga saloobin. Hindi
gagalaw ang mundo kung walang
nagaganap na komunikasyon.


Opo, maam.









(Gagawin ng mga mag-aaral ang aktibidad.
Pagkatapos ng 10 minuto ay ipapasa nila sa
guro ang ginawa.)

IV. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang komiks na may tatlong frame tungkol sa paksang hilig ng mga
kabataan sa kasalukuyan pagkatapos sa ibaba nito ay tukuyin at ipaliwanag ang mga salik
ng komunikasyong taglay nito. Ipasa sa sususnod na klase.

You might also like