You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang makakakuha ng mahigit 75%
para sa mga sumusunod na layunin:

 Nabatid ang iba’t ibang katangian ng wika


 Naisapuso ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika

II. NILALAMAN
Paksa: Katangian ng Wika
Sanggunian: Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, pahina 1-3
Kagamitan: Visual Aid

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Panalangin  Lahat ay tatayo at
mananalangin.

Sa ngalan ng Ama,
ng Anak…

 Pambungad na pagbati

Magandang umaga/hapon sa inyong  Magandang umaga/


lahat! hapon din po,
Ma’am!

 Pagtsek ng liban

 Balik Aral

 Sa nakaraang talakayan ay
tinalakay natin ang tungkol
kahulugan ng wika.

 Base sa natalakay, ano nga ba  Ito ay gamit sa


ang wika? pakikipagkomuni˗
kasyon o pakikipag-
usap.

 Ito ay gamit sa
pakikipagtalastasan

 Ito ay gamit sa
paghahatid ng
 Pagganyak impormasyon

 Pagganyak na Tanong

 Anu-ano ang dapat na gawin


upang makapag-usap at
magkaunawaan?  Dapat nauunawaan
ng bawat isa ang
paksang pinag-
uusapan

 Dapat may alam


ang bawat isa sa
wikang ginagamit
Magaling! sa pag-uusap kung
magkaiba ang mga
ito ng lenggwahe

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad/Pagtalakay

 Ngayon naman ang pag-aaralan natin


ay ang tungkol sa mga katangian ng
wika.

 Katangian ng Wika

 Ang wika ay may sistema.

 Ano mang wika sa mundo ay may


sinusunod na maayos na sistema
o isang tiyak na balangkas. Lahat
ng wika ay nakabatay sa tunog.
Ponema ang tawag sa
makabuluhang tunog ng wika at
ponolohiya o ponoloji ang tawag
sa makaagham na pag˗aaral dito.

 Ang wika ay binubuo ng


sinasalitang tunog.

 Ano mang wika ay binubuo ng


makabuluhan at sinasalitang
tunog. Ang mga tao ay nakalilikha
ng tunog sa pamamagitan ng iba’t
ibang sangkap o aparato sa
pagpapatunog.

Halimbawa na lamang sa isang


tribu. Gumagamit sila ng isang uri
ng sungay ng hayop upang
makapaghatid ng mensahe sa
kanilang pinuno at sa kanilang
buong tribu sa kung meron mang
mga dayo o panganib na parating
sa kanilang komunidad.

Dahil ang nalilikhang tunog na ito


ay makabuluhan, ito ay nagiging
kasangkapan ng tao sa
komunikasyon o pakikipag˗
talastasan.

 Ang wika ay arbitraryo.

 Ang isang taong walang ugnayan


sa isang pamayanan o komunidad
ay hindi matututong magsalita
kung paano nagsasalita ang mga
taong naninirahan sa komunidad
na iyon sapagkat ang tunay na
kahulugan ng wika ay panlipunan.

Halimbawa na lamang dito sa atin


sa Samar at sa Tacloban. May
mga salita tayo dito sa Samar na
wala sa Tacloban o di kaya ay iba
ang kahulugan.

Sapagkat ang bawat komunidad


ay nakabubuo ng mga sariling
pagkakakilanlan sa paggamit ng
wika na ikinaiiba nila sa mga iba
pang komunidad.

Ang bawat isa ay may sariling


pagkakaiba, katangian, kakayahan
at kaalaman sa pagsasalita na iba
sa ibang tao.

 Sinasabing arbitrar-
 Bakit sinasabi na ang wika yo ang wika sapag-
ay arbitraryo? kat ang mga salita
ay pinagkasunduan
ng mga tao para
gamitin nila sa
pang-araw-araw na
pamu-muhay.

 Dahil sa arbitrar-
yong wika, nakaka-
buo ang mga tao ng
iba’t iba pang salita
na sila lamang sa
iisang bansa o lugar
ang magkakauna-
waan.

 Sapagkat ito ay
nagsisilbing pagka-
kakilanlan ng isang
bansa o lugar.
Magaling!
 Ang wika ay ginagamit.

 Ito ay mahalagang kasangkapan sa


komunikasyon. At katulad ng iba
pang kasangkapan kailangan
palaging ginagamit ito upang di
mawalan ng saysay. Ang wika kapag
hindi ginagamit, ito ay unti-unting
nawawala at tuluyang mamamatay.

 Kailangan gamitin
 Bakit kailangan gamitin ang ang wika upang
wika? hindi ito mawalan
ng saysay at
tuluyang mamatay.

 Ang wika ay nagbabago.

 Ang wika ay dinamiko. Maaaring


magbago dahil sa impluwensiya ng
panahon. Nadaragdagan ang isang
wika ng bagong bokabularyo bunga
ng pagkamalikhain at makabagong
kalagayan ng tao.

Maari ring mabago dahil sa pag-


unlad ng agham at teknolohiya.

Halimbawa sa larangan ng medisina,


ang gamot na paracetamol. Sa
paglipas ng panahon ay nagkaroon
ito ng bagong produkto na mas
epektibo at tinawag na Biogesic. At
ngayon nga ay nagkaroon na naman
ito ng bagong produkto na tinawag
naman na Bioflu na kung saan ito ay
epektibo hindi lamang para sa sakit
ng ulo kundi gamot din ito para sa
sipon at ubo.

At kailangang lapatan ng mga


katawagan ang mga bagong
produkto na resulta ng pananaliksik.

Ang pagbabago sa mga kahulugan


ng mga salita ay dulot ng panahon,
impluwensiya ng makabagong media
at teknolohiya.

 Nagbabago ang
 Bakit nga ba nagbabago wika sapagkat ito ay
ang wika? dinamiko.

 Dahil sa pagiging
malikhain at maka-
bagong kalagayan
ng tao, nadarag-
dagan din ang wika
ng bagong bokabu-
laryo.

 Nababago rin ang


wika dahil sa pag-
unlad ng agham at
Magaling! teknolohiya.

 May antas ang isang wika.

 Katulad ng mga tao sa mundo, ang


wika ay maari ring mahati sa iba’t
ibang kategorya na ayon sa
kaantasan nito. At isang mahalagang
katangian ang pagkakaroon ng antas
ng isang wika. Sapagkat ang wikang
madalas gamitin ng mga tao ay isang
mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao siya at kung sa aling antas
panlipunan siya nabibilang.

Maaring mahati ang iba’t ibang antas


ng wika sa kategoryang pormal at
impormal.

Formal/Pormal -
istandard o gamit ng
nakararami.

Pampanitikan
> Mga salitang
mataas ang uri,
matalinghaga at
karaniwang gamit
ng mga malikhaing
manunulat.

> Malalim na
kahulugan ng mga
salita na
karaniwang
ginagamit ng may
mataas na pinag-
aralan.
Hal. Hampas ng
langit;
Bunga ng pag˗ibig;
ga-higante

Nakakabighaning
kagandahan ang
taglay ng aking
iniirog.

Pambansa
> Mga salitang
gamit ng
karaniwang
manunulat.

> Karaniwang
matatagpuan ito sa
diksyunaryo na
pinagtibay ng
Kagawaran ng
Wikang Filipino.

Hal. Mukha; balon;


Asawa; anak;
Tahanan

Informal/Impormal

- karaniwan; pang-araw-
araw at madalas gamitin
sa pag-uusap at
pakikipagtalastasan.

Panlalawigan
> Mga salitang
ginagamit sa isang
partikular na
lalawigan. May tono
o punto.

Hal. Sira (Bicol)


- isda

Kokwa
(Samar/Dolores)
- ampalaya
Kolokyal
> Mga salitang
pinagsama na alam
gamitin ng
nagsasalita.

> Pang-araw-araw
na salita.

> Pinaikli na salita

Hal. Na’san;
Pa’no;
Sa’kin;
Kelan

Balbal
> Slang

> Pinakamababang
antas ng wika o
mga salitang
panlansangan.

> Gamit ng mga


taong kalye o
karaniwang walang
pinag-aralan.

Hal. Yosi - sigarilyo


Ermat - Nanay
Parak - pulis

 Ang wika ay kaakibat ng isang


kultura.

 Ang mga tao ay may iba’t ibang


kultura kayat magkakaiba rin ang
kanilang wika.

 Dahil sa pamamagitan ng wika,


nasasalamin ang kultura ng isang
bansa base sa pamumuhay ng tao,
pananamit, pagsasalita, at
paniniwala.

 Ito ang paliwanag kung bakit may


mga kaisipan sa isang wika na
walang katumbas sa ibang wika
sapagkat wala sa kultura ng ibang
wika ang kaisipang iyon ng isang
wika. Katulad ng mga salitang kanin,
bigas, pagkain at batalan sa Filipino.
Ang salitang snow o glaciers ay hindi
matatag-puan sa Pilipinas kayat
walang katumbas nito sa ating wika
kundi yelo lamang.

Dahil wala ito sa ibang kultura hindi


nila alam ang katumbas nito. Kayat
kung ang mga bagay-bagay ay hindi
karaniwang makikita sa ating kultura
at maging sa ating kapaligiran, ito ay
hindi rin bahagi ng ating sariling
bokabularyo.

Kaakibat ng kultura ang wika


sapagkat ang kultura ay ang
paraan ng pamumuhay ng tao,
pananamit, pananalita, at
paniniwala.

 Ang wika ay
 Paano naging kaakibat ng kaakibat ng kultura
wika ang kultura? sapagkat ang
kultura ay ang
paraan ng pamu-
muhay ng tao,
pana-namit,
pagsasalita at
paniniwala, kaya
kaakibat talaga ng
Magaling! kultura ang wika.

> Ang wika ay may tiyak na ginagampanan sa


buhay ng tao, gayon din ang kultura na
nagbibigay ng buhay sa lipunang ginagalawan.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

 Anu-ano ang mga nabanggit na  Ang wika ay may


katangian ng wika? sistema

 Ang wika ay binu-


buo ng sinasalitang
tunog

 Ang wika ay
arbitrar-yo
 Ang wika ay gina-
gamit

 Ang wika ay
nagbabago

Magaling mga bata!  May antas ang


isang wika
 Ang wika ay
kaakibat ng isang
kultura

D. Paglalapat

Pangkatang Gawain

Mga bata, ngayon naman ay magkakaroon


tayo ng pangkatang gawain. Ang buong klase
ay hahatiin ko sa apat na pangkat. Kung saan
ang bawat pangkat ay kakatawan sa apat na
antas ng wika na aking napili para sa
pangkatang gawain na ito.

Panuto: Ang bawat pangkat ay magbibigay ng


tigtatlong halimbawa ng salita sa antas
ng wika na kanilang mapipili o
mabubunot.

Antas Pampanitikan (3)

(Halimbawa)

 Kapusod
 Ga˗higante
 Katuwang

Antas Pambansa (3)

(Halimbawa)

 Kapatid
 Asawa
 Tahanan

Antas Kolokyal (3)

(Halimbawa)
 Kumare
 Pare
 Tapsilog

Antas Balbal (3)

(Halimbawa)

 Lespu (pulis)
 Epal (mapapel)
 Tsibog (pagkain)

E. Pagpapahalaga

 Kailangan ba nating  Oo, sapagkat


pahalagahan ang ating wika? maha-lagang gamit
ang wika sa
pakikipag-
komunikasyon at
pakikipagtalastasan

At nagagamit din
ang wika sa
paghahatid at
pagpapabatid ng
Magaling! mga mahahalagang
impormasyon.
Mahalagang instru-
mento rin ang wika
sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng
isang bansa.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kapag ang
pangungusap ay tama at isulat naman ang titik M kapag ito ay mali.

1. Ang wika ay paraan ng pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa


pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat.
2. Ang dalubwika ay isang instrumento ng komunikasyon.
3. Ano mang wika sa mundo ay may sinusunod na maayos na sistema o
tiyak na balangkas.
4. Ayon sa isang dalubwika, ang wika ay isang likas na makataong
paraan sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin.
5. Binubuo ang wika ng mga sinasalitang tunog.
6. Ginagamit ang wika upang makapaminsala ng mga tao at kalikasan.
7. Ang wika ay may antas na pormal at impormal.
8. Kaakibat ng kultura ang wika.
9. Hindi mahalaga ang pagkakaroon ng antas ng isang wika.
10. Ang wika ay nagbabago.
Mga Kasagutan
1. T 6. M
2. M 7. T
3. T 8. T
4. T 9. M
5. T 10. T

V. TAKDANG ARALIN

Sa isang sagutang papel, isulat ang mga tungkulin ng wika na ayon kina Michael A.K.
Halliday at Gordon Wells.

Inihanda ni:

MA. NENIA P. DELMONTE


Aplikante

You might also like