You are on page 1of 14

SIMULAN NATIN:

 Sitwasyon: Lunes ng umaga, tulad ng dati, maraming tao kang


makakasalubong at makakausap. Paano mo sila kakausapin o
babatiin?

 Sa kaibigan mong conyo o sosyal.


 Sa isa sa mga guro mo.
 Sa kaibigan mong “beki” o bakla.
 Sa kaibigan mong jejemon.
 Sa lolo mong kagagaling lang sa probinsya ninyo.
SIMULAN NATIN:
 Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang
naging paraan mo ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong
nabanggit?

 Ano ang pinatutunayan nito sa paggamit natin ng wika.


Aralin 3.1
Homogeneous at
Heterogeneous na
Wika
Mga
Layunin

• Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan


ng mga konseptong pangwika

• Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng


Homogeneous at Heterogeneous na wika
 Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan.
Ginagamit ito upang epektibong
makapagpahayag ng damdamin at kaisipan.
Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan
nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na
ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan
nito. Ang wika ay nahahati sa dalawa ang
homogeneous na kalikasan nito at ang
heterogenous na kalikasan nito.
HOMOGENEOUS NA WIKA
• Ang salitang HOMOGENEOUS ay nagmula sa salitang
Griyego na “Homo” na ang ibig sabihin ay pareho at
salitang “genos” na ang ibig sabihin ay uri o yari.

• Ito ay nangangahulugan na may mga salitang


magkakapareha ngunit dahil sa mga paraan ng pagbaybay
at mga intonasyon at / o punto ay nagkakaroon ng bagong
kahulugan ang mga salita.
HOMOGENEOUS NA WIKA
• May mga salitang iba’t iba ang ating baybay sa kanila
pero sa pangkalahatan naman ay iisa lamang ang
tinutumbok na pakahulugan. Ang literal na ibig sabihin
ng salitang “homogeneous” ay isang pang-uri na ang ibig
sabihin ay “pare-pareho o pagkakatulad”.

Halimbawa:
 Gamot ay Tambal sa Cebu
 Gamot ay Bulong para sa mga Hiligaynon
 Gamot ay Agas kapag nasa Ilocos
 Gamot ay Lunas sa mga kabukiran ng Batangas
HOMOGENEOUS NA WIKA
• Ito ay tumutukoy o nagsasabing ang wikang “pormal” ay
iba sa mga “naimbentong” wika’t mga salita.

• Ang mga homogeneous na wika sa katunayan ay nabuo at


patuloy na nabubuo’t ginagamit ng mga tao sa
pangkasalukuyan.

• Walang buhay na wika ang maituturing na homogeneous


dahil ang bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang
barayti.
HETEROGENEOUS NA WIKA
• Ang salitang “heteros” ay nangangahulugang magkaiba
at ang “genos” na may ibig sabihin na lahi o uri.

• Ito ay wika mula sa iba-ibang lugar, grupo, at / o


pangangailangan ng paggamit nito. Nagkakaroon ng
maraming variation o baryasyon ang wika.
HETEROGENEOUS NA WIKA
• Magkaiba ang wika sa isang lugar.

• Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa


pakikipag-uganyan sa pang-araw-araw na buhay.

Halimbawa:
Paggamit ng salitang “heneral” na kung saan ito ay
tumutukoy sa dalawang bagay o may dalawang kahulugan:
(1) sa militar (2) ginagamit na pangkalahatan
HETEROGENEOUS NA WIKA
• Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy
sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat
ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan,
gawain, at iba pang salik.

• Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng


wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na
may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan,
interes, edukasyon, at iba pang mga salik.
HETEROGENEOUS NA WIKA
• Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang
pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang
partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang
mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang
anyo rin ng wika ang umusbong.
Maligayang
Pag-aaral !
Maraming Salamat !
Inihanda ni: Bb. Sherilyn Beato

CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons


by
CREDITS:
Flaticon, This
and infographics
presentation &
template
imageswas
by Freepik.
created
by Slidesgo, including icons by Flaticon, and
infographics & images by Freepik.
SANGGUNIAN:
• Dayag, Alma M. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. (pp.41-
44). Quezon City: Phoenix Publishing House.

• https://www.coursehero.com/file/32464089/FILI-REPORT-HOMOGENEOUS-AT-HETEROGENEOUS-NA-
WIKAdocx/

• https://brainly.ph/question/679230/marygeraldineclairde

You might also like