You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I - LAYUNIN

Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maibigay ang kahulugan ng Pagsulat

2. Matutukoy ang Layunin ng Pagsulat

II - PAKSANG ARALIN

Paksa : Pagsulat

Sanggunian : Pagbasa p. 99-104

Kagamitan : Visual Aid, Hand-outs

III – PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-


AARAL
A. Panimulang Gawain
I – Motibasyon
II – Talakayan
“Magandang umaga, mag-aaral.”
“Ok class, alam niyo ba ang kahulugan ng Pagsulat?” “Magandang, umaga po
‘Ok, ang aralin natin ngayun ay tungkol sa Pagsulat.” ma’am.”
Class, ang Pagsulat ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng isipan, “Hindi po"
kaalaman at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolo ng mga tunog ng
salita. Kakayahan ito ng tao na ipahayag sa paraang palimbag ang kanyang
mg iniisip, nadaramat at nalalaman. Sa pagsulat nilalayon ng tao na ang “opo ma’am.”
mgakaalamang nasa isip niya ay maipaalam at mailipat sa iba. Kung sa
pagbasa tayo ay “kumukuha” sa pagsulat tayo naman ay “nagbibigay” “opo, ma’am.”
“Ok class, naintindihan po ba?”
“Ngayun naman tumungo tayo sa Layunin ng Pagsulat”.
“May sari-saring layunin sa Pagsulat ang tao, sa mga estudyante ang
pagsulat ay hinihingi ng pangangailangan sa kanilang pag-aaral. Kailangan “opo, ma’am”.
nilang sumulat ng komposisyon at ulat na ipinasulat ng titser. Sumusulat
sila ng mga ulat na binabasa nila sa klase o isinusumite sa titser. Sumusulat
sila ng panahunang papel at tesis na kailangan sa kanilang kurso.
“ok class, naunawaan po ba?”
“ok, magsulat kayu ng maikling talata tungkol sa inyong sarili.”
III – PAGTATAYA
1. Anu ang kahulugan ng pagsulat at anu-ano ang mga Layunin nito.
IV – PAGLALAHAT
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayg ng isipan, kaalaman at
damdamin sa pamamagitan ng mga simbolo ng mga tunog ng salita. May
layunin ang pagsulat, ito ay ang pagsumite ng pinagagawa ng guro sa mga
estudyante tulad na lang ng tesis.
VI – TAKDANG ARALIN
1. Anu-ano ang mga hakbang sa Pagsulat

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


I - LAYUNIN

Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malaman ang kahalagahan ng Pagsulat

2. Matutukoy ang mga Proseso ng Pagsulat

II - PAKSANG ARALIN

Paksa : Pagsulat

Sanggunian : Mga Hakbang sa Pagsulat at Proseso ng Pagsulat

Kagamitan : Visual Aid, Hand-outs

III – PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-


AARAL
A. Panimulang Gawain (sabay-sabay na
I- Paghahanda tumayo ang mga mag-
“Tumayo muna tayung lahat at manalangin. aaral at nanalangin)
“Ok class, sino ang naghanda ng takdang aralin”. “Ma’am, (nagtaas ng
“ok, anu-ano ang mga hakbang sa pagsusulat?” kamay ang Ibang mag-
1. Pumili ng paksang susulatin. Dapat makabuluhan o mahalaga ang paksa aral”.
lalo na para sa mga mambabasa. Ang paksa ay narito sa ating kapaligiran.
2. Pagkuha ng mgagamit ng mga materyales. Maaaring ang mga
impormasyon ay kailangang saliksikin sa mga aklat, babasahin, magasin o
peryodiko.
3. Plano ng pagsulat. Maaaring buuin muna sa papel o sa isip ang paksang
susulatin “Story Line” ang tawag dito ng iba.
4. Aktwal na pagsulat. May ilang paraan ng pagsulat na ginagamit ang mga
manunulat. “opo, ma’am”
5. Pagrerebisa ng akda. Gaya ng naipahiwatig sa itaas, ang rebisyong
gagawin ay ukol sa pagtatama sa mga kamalian, pagbabawas sa mga isipang “Ma’am, ako po”
naisama na hindi dapat isama at pagdaragdag sa nakaligtaang ideya habang “Ma’am isa sa mga
isinusulat . hakbangin sa pagsulat
“ok, sige nga magbigay ng ilang hakbangin sa pagsulat”. ay pumili ng paksang
“ok, mag-aaral 5” susulatin.
“Maraming Salamat, mag-aaral 5”
“Ngayun, tumungo naman tayo sa Proseso ng Pagsulat
“Ang proseso ng pagsulat ay nahahati sa ibat-ibang yugto; ang mga yugtong ito
ay ang mga sumusunod:
1. Prewriting
2. Revising
3. Editing
Ang mga yugtong ito ay sunod-dunod ayon sa pagkakalahad, ngunit
importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi
natatrabaho nang hakbang bawat hakbang.
1. Prewriting – lahat ng pagpaplanung aktibite, pangangalap ng impormasyon,
pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa
ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
a. ang unang burador. Sa puntong ito ay iyong mga ideya ay kailangn
maisalin sa bersyong preliminary ng iyong dukomento na maaari mong irebays
nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan. Sa pagsulat ng
burador, iminumungkahing sundin mm ang inyong balangkas nang bawat
seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
2. Revising. Ito ang proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang
ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring
sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika
ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ang nagbabawas o
nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring pinapalitan siyang pahayag na palagay
niyang kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.
3. Editing. Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng
mga salita, ispeling, grammar at pagbabantas.
Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago iprodyus ang
pinal na dokumento.
“ok, class naunawaan po ba”
“may katanungan po ba?”
“ok, class Bakit tayu sumusulat?”
“Sa isang mag-aaral ginagawa niya ang pagsulat sapagkat ito ay bahagi ng “opo, ma’am”.
kanyang pangangailangan sa paarala upang siya ay makapasa.”
“Gayundin naman ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang pinagmulan “wala po.”
ng kanyang ikabubuhay. Kung walang tulad nito, walang pahayagan na
magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. Wala ring libro na
magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na
gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin na madalas nating
piliing paglibangan”.
“Sa pang araw-araw natin pagharap sa buhay, hindi maitatangi na may ilang
ginagawa tayu na mas mabisang maipahayag ang sa paraang pagsulat ang
higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag-
ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa kasunduan at
pagtatapat ng pagibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay
medaling maisagawa, bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat”.
“Mula sa ating pagsulat, mula sa sinusulat ng iba, tayo’y natututo. Nagagawa
nating sumabay sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayu ng pagkakataong
mapunan ang puwang sa ating pagkato upang makadama ng kaligayan”.
III – PAGTATAYA
1 -5 Mga hakbang sa pagsulat
6 – 8 Proseso ng Pagsulat
9 – 10 Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang Pagsulat
VI – PAGLALAHAT
Ang pagsulat ay mahalaga sa bawat nilalang sa mundong ito. May mga
hakbang at proseso sa pagsulat upang mas lalo natin ito maunawaan at
mapaganda ang ating sinusulat
V – TAKDANG ARALIN
1. Gumawa ng liham para sa kaibigan

You might also like