You are on page 1of 2

SA AKING MGA KABATA

I.PAGPAPAKILALA SA MAY AKDA:

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Si Jose Rizal o "pepe" ay ipinanganak noong ika-19 ng hunyo taong 1861 sa bayan ng Calamba. Ang kanyang mga
magulang ay sina Teodora Alonso at Francisco Mercado, Ika pito sa labing isang magkakapatid. Taong 1869, sa edad
na walo ay naisulat ni Rizal ang tulang "sa aking mga kabata".Noong ika-30 ng Disyembre 1896 alas-7 ng umaga ay
binaril at pinatay si Rizal.

II. TALASALITAAN:

Kahatulan- paghatol,pag huhukom ,parusa, pasya,

Kabagay- katimbang,kasukat,katapat,proporsyon

Sigwa- bagyo,unos,mahigpit na pagsalakay

Lunday- bngka,barko,bapor

III. KAYARIAN NG TULA:

A. SUKAT

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig – 12

Sa kanyang salitang kaloob ng langit – 12

Sanlang kalayaan nasa ring masapit – 12

Katulad ng ibong nasa himpapawid – 12

B. TUGMA

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig – A

Sa kanyang salitang kaloob ng langit – A

Sanlang kalayaan nasa ring masapit – A

Katulad ng ibong nasa himpapawid – A

C.SESURA:

Kapagka ang baya'y/ sadyang umiibig

Sa kanyang salitang/ kaloob ng langit

Sanlang kalayaan/ nasa ring masapit

Katulad ng ibong/ nasa himpapawid


IV. SIMBOLISMO

 Pagka Filipino
 Wikang Filipino

V. PAKSA

 Pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika.

VI. ARAL

Mahalin at ipaglaban natin ang ating kalayaan sa pamamagitan ng paggamit ng sarili nating wika upang mapaunlad
ang ating bansa at pahalagahan natin ang ating bansang sinilangan.

VII. TEORYA

Realismo

 inilalabas ang di pinapansin at kinakalimutang bahagi ng buhay at lipunan.

VIII. TAYUTAY

 SIMILI
1. Sanlang kalayaan nsa ring masapit katulad ng ibong nasa himpapawid
2. At ang isang tao'y katulad kabagay ng alinmang likha noong kalayan.
3. Ang wikang tagalog tulad din sa latin

IX. BISANG PAMPANITIKAN

A.Bisang Pangkaisipan

 Paano matatangkilik ang sarili nating wika.

B.Bisang Pangdamdamin

 Pagmamahal sa sariling wika.

C.Bisang Pangkaugalian

 Paggamit ng wikang sariling atin.

You might also like