You are on page 1of 8

SAL Foundation College

Talayan Campus
First Semester in A.Y. 2022-2023
FINAL MODULE
____________________________________________________________________________

KURSO AT TAON: CRIMINOLOGY 1 EDUCATION 1


BILANG NG KURSO: FILIPINO 1
PAMAGAT NG KURSO: SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN
GURO: SAMIRA K. MANTAWIL, LPT

MODYUL 4. PANAHON NG HIMAGSIKAN

Panahon Ng Himagsikan

Himagsikan Laban sa Kastila

       Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng pagtatagumpay ng mga propagandista.
Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang mga ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba’t hindi naniniwalang
reporma ang kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na pagbabago.

        Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang ipinatapon si
Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Velentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan
pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag
nila ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak nang Bayan (K.K.K.) o Katipunan.
Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani- kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan

       Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi- gabi’y may pagpupulng sila at nadarama ng mga Kastila na may
nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon.
       Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiño ang tungkol sa
Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito, wala nang iba pang magagawa kundi ang makiaglabanan. Kaya noong ika-23 ng
Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina
Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugad- lawin. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang
“Mabuhay ang Plipinas!”

Andres Bonifacio (1863-1897) Emilio Jakcinto (1875-1899) Pio Valenzuela


Mga Pahayagan Noong Panahon ngHimagsikan

Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga sanaysay at pahayagan ang naging behikulo sa
pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao upang
tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan

Ilang sa mga pahayagan noon ang:

1
1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni PioValenzuela.

2.) Diario de Manila
ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga
Katipunero.

3.) El Heraldo de la Revolicion


Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898.
Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay
naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang
kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.

4.) La Independencia
 Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina
Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis
Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7.) Ang Kaibigan ng Bayan
Lumabas noong 1898.
8.) Ang Kalayaan
Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

Himagsikan Laban sa Amerikano


      
      Patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila. Ang Gobernador – Heneral noo’y si Primo de Rivera. Kinsi
niya makumbinsi ang mga Pilipino upang magsalong ng sandata. Nagkaroon ng tinatawag na Republika ng Biak-na-Bato. Si
Aguinadlo ang pangulo. Si Mariano Trias ang pangalawang pangulo. Ang Saligang-Batas nito’y nilagdaan noong unang araw
ng Nobyembre, 1897.

      Sa tulong ni Pedro Paterno, nalagdaan ang panig ng Plipino at Kastila na kinatawan nina Paterno at Rivera.
Napagkasunduang si Aguinaldo’y kusang magpapatapon sa ibang bansa at si Primo de Rivera’y magkakaloob ng malaking
halaga sa mga rebelde’t mga pamilya ng mga nasalanta sa himagsikan.

      Natatag ang unang Republika noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Narinig sa unang pagkakatao ang Marcha Nacional
Filipino ni Juan Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo.

         May mga diplomatikong nagsisiskap upang ganap na makamit ang kalayaan ngunit ang Kasinduan sa Paris ang siyang
isinakatuparan ng mga Amerikano. Na ang Pilipinas ay sasakupin ng mga Amerikano. Naganap ito noong Disyembre, 1898.

2
Hindi tumutugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat ay mabisa pa ring sandata sa pagpapahayag ng mga
niloloob ng sambayanan at sa panahong ito, ang pangalan naman ni Mabini ang natampok. 

Apolinario Mabini (1864-1903)

Si Mabini ang “Utak ng Himagsikan” Ang ginamit niyang wika’y Kastila. Tinagurian din siyang “Dakilang Lumpo” sapagkat
sa kabila ng kanyang kapansanan ay kinatatakutan pa ang kaniyang panulat at kailangan siyang ipatapon.

Sinulat niya ang El Desarollo y Caida de la Republica Filipina at ang “El Verdadero Decalogo” Humigit- kumulang, ganito
ang nilalaman ng kaniyang dekalogo:
1. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan nang higit sa lahat. Ang Diyos ang batis ng lahat ng katotohanan,
karunungan at lahat ng gawain. Ang karangalan ang nag-uutos upang maging matapat, mabait at masipag sang isang tao.
2. Sambahin ang Diyos sa paraang minamarapat ng iyong budhi.
3. Linangin mo ang mga katangiang kaloob sa iyo ng Diyos.
4.  Ibigin mo ang iyong bayan sunod sa Diyos at sa iyong karangalan.
5. Pagsumikapan mong lumigaya ang iyong bayan nang una sa iyong sarili sapagkat kung maligaya ang bayan ang lahat
ng naninirahan ay maligaya rin.
6. Pagsumikapan mong makamit ang kasarinlan ng iyong bayan. Ang kaniyang kasarinlan ay kalayaan mo.
7. Kilalanin lamang ang kapangyarihan ng inihalal mo sapagkat ang kapangyarihan ay galing sa Diyos at dahil sa ang
Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng budhi ng bawat tao.
8. Pagsumikapang makapagtatag ng isang Republika sa iyong bayan.
9. Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
10. Itangi mo ang iyong kababayan higit sa kapwa mo.

Jose Palma

       Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ni Jose Palma sa kasaysayan at sa panitikan ng bayan. Siya ang sumulat ng
“Himno Nacional Filipino “(Pambansang Awit ng Pilipinas). Bagama’t sa Kastila niya ito isisnulat at marami nang salin ang
nagawa, hindi maitatatwang siya ang naghandog sa bayan ng Pambansang Awit.

Panahon Ng Amerikano

Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na
malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng
laying lumipad ay nasiyahan na muna sa palipad- lipad sa labas sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa
malayo.

Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang
maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay ang pagpuri’t pagbibigay- karangalan sa kanilang relihiyong
Kristiyanismo.

Kahit na nga sila’y ginapusan ng bagong panginoon ng mahigpit na tanikala ng batas ng sedisyon. Makakasulat sila ng
tungkol sa kahit na ano, lao na ang tungkol sa pang-aabuso’t pananampalasan ng kanilang mga dating panginoon, ang mga
Kastila.

Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na angong
makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa mga
Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang
Pilipino.

3
Mahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan; (b) Panahon ng Romantisismo sa
Panitikan (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.
A.
A.
PaPanahon ng Paghahangad ng Kalayaan

Sa tanglaw ng kasaysayan ay higit ngayo’ng maliwanag ang pagsususri sa mga naganap nang panahong iyon. Nabigyan ng
kalayaan ang mga Pilipino subalit katakatakang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang
makabayan. Unang- una, dapat na sumibol na uri ng panitikan sa panahing iyon ay nakukulayan ng nasyonalismo:
pagmamahal sa bayan, sariling kalinangan, panitikan at wika.

Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga “paghihimagsik” tulad ng masaksihan
sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, NgayonatBukasniAurelioTolentino.
Subalit dahil nga sa batas ng sedisyon at dahil sa pangangalaga ng mga Amerikano sa sarili nating kapakanan at sa
katuparan ng kanilang mga mkasariling layunin, naiba ang takbo ng panitikan.

 Ang Romantisismo sa Panitikan

Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang lahatan at
mabilisang pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. Ito an uring nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran--- lubhang
emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa hindi kayayang abutin ng isipan, dumadakila sa
kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at
bumabandilangtungkolsakalayaangsarili.

Masasabing bagaman dinampot ng panikiang Pilipino ang romantisismong banyaga ay hindi naman lubus-lubusan. Isang
katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng romantisismo sa pansariling
elemento na angkop lamang sa kulturanPilipino. 
Talakayin natin ang mga katangiang romantiko na napaloob sa mga pampanitikang sulatin noon. Unang- una, masasabing
nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig. Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng iba’t ibang anyo’t kulay,
ito’y tungkol sap ag-iibigan ng isang mahirapatisangmayaman.

Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto:
Katipunan ng Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925- 1935. Ito’y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo
del Mundo at Alejandro Abadilla.

Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong
nayon. Sa isang tagalunsod na mambabasa, ito’y tila ba isang pagganyak na iwan ang buhay na iyon at lasapin ang sarap ng
buhay sa piling ng mga bukiring namamango sa hinog na play at kalabaw sa ilalim ng punong mangga: ngangasab- ngasab
at kontentong- kontento.

Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian o iyong
tinatawagnamgaromanikongbayani.

Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng
relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa ispan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng
karampatang ganitmpala.

Mga Samahan ng mga Manunulat

4
Mahahati ang panahng ito batay sa mga itinatag na mg asamahan ng mga manunulat noong. Ang Aklatang- Bayan (1900-
1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934).

Panahon ng Aklatang Bayan (1900-1921)

Ang Pasingaw at Dagli

Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutuntong na nagsupling sa anyo ng panitikang
tinatawag na Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o
pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat
nit ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang
tinatalakay.

Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan, ang dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral,
namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.

Ang Tula sa Panahon ng Aklat ang Bayan

Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa ngang sa lahat ng panitikan ng panahong
iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo

Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at
sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang
panahon.

Ang mga Manunulat ng Panahon:


  Jose Corazon de Jesus- ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay nkamana ng korona’t setro, ng
pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit
anong panahon kung hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng Batute, ang “Makata ng Puso”.

 Lope K. Santos ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang
panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at fi pansing mga bagay. Hindi rin
lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga
katutubng salawikain.

 Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang
kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa
pagmamahal sa bayan.

 Iñigo Ed Regalado (1855- 1896) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam
at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa
daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.

 Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang nakaagaw sa titulong
Hari ng Balagtasan.

 Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata.
5
Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947.

Nobela 
Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil- kawil na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Ang mga kawil- kawil na
pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman ng isang tiyak na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman sa isang tiyak
na balangkas. Ang pinkapangunahing sangkap ay ang mahigpitang pagtutunggali ng mga hangarin ng pangunahing tauhan at
ng iba pang mga tauhang may iba naming hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba pang mga tauhang may iba naming
hangarin.

Masasabing ang nobela ay unang ganap na nakakita ng liwanag sa pagsisimula ng panahon ng Aklatang- Bayan, 1900. Sa
loob ng panahong ito na sumasakop sa loob ng dalawampung taon, mahigit na limampung nobela ang nasulat at halos lahat
ng ito ay orihuinal ng may-akda at hindi hango sa mga kathambuhay na Ingles at Kastila.

Ang Dula at Dulaan

Salawang uri ng paghihimagsik ang ipinamalas ng mga mansusula sa kanilang mga sinula. Ang una’y paghihimagsik sa
kalupitan at pagmamalabis ng mga KAstila. Ito ang uri ng pinakamakabayang hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang
ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa pamamagitan ng panulat laban sa pamahalaang Amerikano.  

Mga Manunulat ng Dula


 Severino Reyes (1861- 1942). Taong 1902 nang simulan niyang mag-ukol ng panahon para sa pagsulat at
pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para sa kaniya, ang moro- moro o comedia ay walang idinudulot na anomang
kapakinabangan sa mga manonood kaya’t pinagsikapan niyang ito’y palitan ng inaakala niyang higit na mapagkukunan ng
aral at karikitan ng sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng dulang tagalog, ang sarsuwela,
wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-akda ng pamosong Walang Sugat.
 Patricio Mariano (1877- 1935). Siya ay nakapag-ambag na sa iba’t ibang larangan ng panitikang Pilipino. Siya’y
kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista
at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa wikang Kastila.

 Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay
na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong
1924, Abg nga nakatabg nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.

 Balagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw. May mga pagkakataong
ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.

 Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na pinangalanan sa
makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute.
 Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na “Ama
ng Panulaang Ilocano.” Kahawig ito ng Balagtasa at Batutian ng mga Tagalog. 

 Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang
Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilokano.

Panahon ng Ilaw at Panitik

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magsaing Liwayway noong 1922. Ito’y nakilala muna sa tawag
6
na Photo News noong mga unang taon nito.

Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing Liwayway ay nagdulot ng si gaanong pampasigla sa
panitikan. Janggang sa sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay
nito ay naglahong parang bula.

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik aynagwakas sa taong 1932, sa pagkakaatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na
siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino.

Katangian ng Pampanitkan

Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga
mambabasa ang mga kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig. Namayani pa rin ang romantisismo bagam’t
masasabing may mga manunulat ng nagkaroon ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga
hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon.

Maikling katha

Masasbi na ring masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat
patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng pagpili sa mga
akdang sa palag niya’y pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon.

Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala niyang pinakamahusay na maikling katha,
masasabing tumaas ang kilatis ng maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila.
Nagkaroon sila ng matibay dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at naging masigla sila.
Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na
hindi naman pawang sa pag-ibig.

Ang Tula
Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino
ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.

Ang mga Makata:

 Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa. Ang mga Tula niya ay naglalantad ng tunatawag na


kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao, makina, bayani,
gagamba, langgam, panahon at pati aso.

  Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siya’y isang makata, mandudula,
kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.

 Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang makata ang kariktan ng kaniyang mga pananalitang ginagamit
ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag.

Ang Nobela

Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na
makapaglathala ng pagyuyugto- yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng
gantimpala sa mga marikit na maikling katha ng taon, hindi gaanong naging masigla ang pagtanggap sa mga nobela.

7
Ang Dula

Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarsuwela noong unang taon ng mga Amerikano o sa
panahon ng Aklatang- Bayan ay siya naming panlalamig nila sa panahon ng Ilaw at Panitik. Hindi masisi ang mga
mandudula sa panahong ito sapagkat ginawa nila ang makakaya upang mapanatili ang sigla ng mga dula. Subalit sadyang
ang pagbabago’y dala ng panahon.
C. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa
panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis
Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa
ang Pilipinas sa panahong ito.

Ang Maikling Katha

Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng nagpapabukod- tango sa mga maiikling kathang
nasulat sa panahong iyon. Ganap nang nababakas ang tinatawag na katipian sa larangan ng paglalarawan at ganoon din sa
pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula
na ring gumamit ng mga panauhan sa kuwento.

Ang Tula

Ang panahong ito ay ay pinaging makulay ng tintawag na “paghihimagsik “ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang
pinaghimagsikan” ni Abadilla ay ang porma t hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang nagtataglay ng “sukat at tugma”
subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng
magandang panualan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na
guniguni. Ang tula’y nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa mga bundok
at kapatagan at ang ibinunga’y magkahalong katuwaan at pag-aagam- agam sa sambayanang mahilig tumula.

Ang Dula
Bunga ng mga kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng panitikan ng mga sumunod na taon. Nauso ang
bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galling
sa Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula.
Ang Nobela

Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang taon ng pananakop ng mga
Amerikano ay ganoon sin ang panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon.

You might also like