You are on page 1of 4

Script sa Rizal beh

P1: (intro & balik aral)


P2: Ngayong umaga, tatalakayin naman natin kung sino nga ba si Rizal. Tatalakayin din
natin ang kanyang kabataan at pag-aaral ngayong umaga. Ngunit magbibigay muna kami ng
kaunting kaalaman patungkol kay Rizal.
P3: Sino nga ba si Rizal? (try nyo maghanap kung sino man gusto mag-raise hand, kung
wala naman oks lang din sapuhin na lang agad nung susunod)
P4: Si Rizal o si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda na kilala rin sa tawag na
pepe, pepito, at joselito ay isang tinaguriang pambansang bayani lang naman ng Pilipinas.
Siya ay pinanganak noong Hunyo labing siyam, isáng libó’t walóng daán at anim na pû’t isá
o Hunyo 19, 1861 sa lungsod ng Calamba, Laguna sa Pilipinas.
P1: Si pepe o si Rizal ay bininyagan noong Hunyo dalawáng pû’t dalawá, isáng libó’t walóng
daán at anim na pû’t isá o Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino sa Simbahan ng Calamba,
Laguna. Ang pangalan ng simbahan na ito ay Simbahan ng San Juan Bautista o sa mas
kilala ngayon na St. John the Baptist Parish Church.
P2: Mayroon bang ninong si Rizal?
P3: Mayroon at ito si Padre Pedro Casanas na kaibigan ng pamilya nila Riza/Pepe.
P4: Sa pangalan ni Rizal, may kahulugan ba ang kanyang mga pangalan?
P1: Mayroon. Ang Jose ay nagmula kay San Jose o St. Joseph. Ang Protacio ay nagmula
naman kay Gervacio Protacio na galing sa Calendario de Iglesia Catolica. Ang Mercado ay
ang pangalan na ginamit ni Domingo Lamco o ninuno ng tatay ni Rizal noong 1731 mula sa
mercado o tindahan. Ang Rizal ay nagmula naman sa salitang Castila na ‘ricial na ang ibig
sabihin ay bukirin ng trigo na may umusbong. Ang Alonzo ay ang lumang apelyido ng
kanyang ina at ang Y ay kahulugan ng At. At ang panghuli ay Realonda na nagmula naman
sa apelyido ng ninang ni Donya Teodora o ng kanyang ina.
P2: Sino ba ang magulang ni Rizal?
P3: Ang ama ni Pepe ay si Francisco Mercado Rizal. Ang ama ni Rizal ay pinanganak noong
Mayo labing isa, isáng libó’t walóng daán at labíng-waló o Mayo 11, 1818 sa lugar ng Binan,
Laguna. At ang magulang naman nito o mga lolo at lola ni Rizal sa side ng kanyang ama ay
sina Cirila Alejandro at Juan Mercado. Si Francisco naman o ang ama ni Rizal ay ang
pinakabata sa labing tatlo (13) na anak nina Cirila at Juan.
P4: Ang ina naman ni pepe ay si Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos. Siya
ay pinanganak noong Nobyembre siyam, isáng libó’t walóng daán at dalawáng pû’t pitó o
Nobyembre 9, 1827 sa lugar ng Meisik, Tondo, Maynila. Siya naman ay ikalawang anak nina
Lorenzo Alonzo at Brigada de Quintos. Si Donya Teodora ay nag-aral at nakapag tapos sa
Colegio de Sta. Rosa. Kaya naman siya ang nagsilbing unang guro ni Rizal na mamaya ay
matatalakay rin natin. Kaya naman sina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo
Realonda ay nagpakasal noong Hunyo dalawáng pû’t waló, isáng libó’t walóng daán at ápat
na pû’t waló o Hunyo 28, 1848 na ngayon ay naging magulang na nila Pepe.
P1: Alam nating lahat na mayroong kapatid si Pepe. Sino-sino ng aba ito?
P2: Ang panganay o Unang kapatid ni Pepe ay si Saturnina Rizal.
P3: Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850
at may palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina  makaaral si Rizal at
siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na 
si Teodora. 
P4: Bakit nakulong ang kanilang ina?
P1: Dahil Sa Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya sa agrikultura. Bilang nanay ng
kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil
pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga
pagpapahirap.
P2: So, ang pangalawang kapatid o sumunod naman kay Saturnina ay Si Paciano ay ang
nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851. Siya ang
pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya
siyang makarating sa Europa.
P3: Ang sumunod naman kay Paciano ay si Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid
na Babae ng Bayani. Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na
“Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-
aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta niya ang
kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga
tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang pinakamatulungin sa kanilang
pamilya.
P4: Ang sumunod naman Kay Narcisa o Sisa ay si OLYMPIA RIZAL: Si Olympia ay ang
ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855.
P1: Ang sumunod kay Olympia ay si Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima
sa pamilya Rizal.
P2: Ang sumunod naman kay Lucia ay si Maria Rizal Siya ay ipinanganak noong 1859 at
ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal.
P3: Ang sumunod kay Lucia ay si Rizal ang ating pambansang bayani at ang sumunod ay si
Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani

            Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion
Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865.
Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

            Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o


“Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging
kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose
Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae.

            Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at isinulat
niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa
kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na
kayang minamahal.
P4: Ang sumunod kay Concepcion ay si JOSEFA RIZAL
Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si
Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”
P1: Ang sumunod naman kay Josefa Rizal ay si  Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa
magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. 
P2: At ang pinaka huli ay si Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak
sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng.
P3: At alam niyo ba na si pepe ay mayroong storya na patungkol sa Gamu-gamo sa
Lampara na kung saan… Katulad ng gamu-gamo sa kwento, si Rizal ay isang taong
sinusubok ang mga limitasyong ibinibigay ng lipunang kaniyang kinabibilangan noon. Sa
istoryang gamu-gamo ay makikitang mataas ang tingin ni Rizal sa edukasyon kaya gusto
niyang makapag-aral sana ang mga kababaihan sa ating bansa.
P4: Kaya nga ang kanyang unang naging guro ay ang kaniyang ina na si Donya Teodora.
P1: Anu-ano naman ang tinuro ni Donya Teodora kay Pepe?
P2: Tatlong taong gulang siya nang siya’y turuan ng kanyang ina ng abakada.Tinuruan
siyang magbasa’ magsulat pati ang mga asignaturang Matematika at Literatura. pagdarasal,
at wikang Espanyol. Dahil bata pa lamang si Jose Rizal ay nakitaan na siya ng interes sa
pag-aaral at sa pagtuklas ng mga bagay-bagay.
P3: Kaya naman pumasok si Rizal sa Ateneo noong Hunyo 10, 1872 kasama si Paciano, na
pumunta sa Maynila. Kumuha siya ng entrance exam: sa doktrinang Kristiyano, aritmetika,
at pagbabasa sa Kolehiyo o San Juan de Letran, at naipasa ang mga ito.
P4: Unang Taon ni Rizal sa Ateneo (1872-73). Sa kanyang unang araw ng klase sa Ateneo,
noong Hunyo, 1872, unang narinig ni Rizal ang Misa sa kapilya ng kolehiyo at taimtim na
nanalangin sa Diyos para sa patnubay at tagumpay. Dahil sa hindi nga ganoon kagaling si
Rizal mag Espanyol siya ay nag-aral ng Espanyol para mapabuti pa ang kanyang
pagsasalita sa wikang ito. At ito ay kanyang ginawa sa Santa Isabel College tuwing kada
recess ng hapon.
P1: Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74). Walang kakaibang nangyari kay Rizal sa kanyang
ikalawang termino sa Ateneo, maliban sa kanyang pagsisisi na napabayaan niya ang
kanyang pag-aaral noong nakaraang taon dahil lamang sa nasaktan siya sa mga sinabi ng
guro.
P2: Ikatlong Taon sa Ateneo (1874-75). Noong Hunyo 1874, bumalik si Rizal sa Ateneo para
sa kanyang junior year. Di-nagtagal pagkatapos ng pagbubukas ng mga klase., dumating
ang kanyang ina at masayang sinabi sa kanya na siya nga pinalaya mula sa bilangguan,
tulad ng kanyang hinulaang sa kanyang huling pagbisita sa kanyang selda ng bilangguan sa
Santa Cruz, Laguna.
P3: Ikaapat na Taon sa Ateneo (1875-76). Matapos ang isang nakakapreskong at masayang
bakasyon sa tag-araw, bumalik si Rizal sa Maynila para sa kanyang ikaapat na taon na
kurso.
P4:
- Felicitacion (pagbati)
- El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para sa Plota ni Magellan)
- Y Es Español: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo (At siya ay Espanyol: Elcano, ang
Unang Nakaikot sa Mundo)
- El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo (Ang Labanan: Urbiztondo, Kilabot ng Jolo)
- Un Recuerdo a Mi Pueblo (Sa Alaala ng aking
Bayan) - tulang nagbibigay dangal sa Calamba,
ang baying sinilangan ng bayani.
- Alianza Intima Entre la Religion y la Buena
Educacion (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at
Mabuting Edukasyon)
- Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa
Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa)
- El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision
de Boabdil (Ang Pagkabilanggo at ang Tagumpay: Ang
Labanan ng Lucena at ang Pagkakulong ng Boabdil)
ang tulang ito ay naglalarawan sa pagkakadakip ng
Boabdil, Huling Morong Sultan ng Granada.
- La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en
Granada (Ang Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong
Monarkiya sa Granada) - ang tulang ito ay
nagsasalaysay sa matagumpay na pagpasok nina
Haring Fernando at Reyna Isabela sa Granada, ang
huling morong kuta sa Espanya.

- El Heroismo de Colon (Ang


Kabayanihan ni
Columbus) - ang tulang ito ay pumuri kay
Columbus, ang tagapagtuklas ng America.
- Colon y Juan II (Columbus at Juan II) - ang tulang
ito ay nagsalaysay kung paano nawala ang
katanyagan at yaman ni Haring Juan II ng
Portugal dahil hindi niya napinansiyahan ang
mga panukalang ekspedisyon ni Columbus sa
Bagong Daigdig.
- Gran Consuelo en la Mayor Desdicha (Ang
Dakilang Konsuelo sa Dakilang Kamalasan) - ito ay isang alamat na patula tungkol sa trahedya ng
buhaiy ni Columbus.
- Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales (Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-
aaral) - ito ang huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo: ito ay makabagbag-damdaming tula ng
pamamaalam sa kanyang mga kaklase.

You might also like