You are on page 1of 6

MGA MAGULANG

FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal 


Mercado y Alejandra)
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado. 
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa 
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda 
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim. 
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal.
Namatay si Francisco Mercado noong Enero 5, 1898. 

TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y


Quintos)

Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng


Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang ikalawang anak nina
Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral
siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado. Dalawampung
taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at
tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag
at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa Calamba, nakibahagi
ang kanyang pamilya sa agrikultura. Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol,
nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil pinagbintangan siyang
nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Dahil sa
malabong mga mata ni Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng
medisina. Namatay si Teodora Aquino noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San
Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang kahinaan.

MGA KAPATID

Saturnina Rizal
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. 
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. 
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina  makaaral si Rizal at siya ang tumayong
pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na 
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. 
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda


Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong
Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang
magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa
Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya
para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang
pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San Jose sa Maynila. Naging guro at
kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang
Propaganda Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong
Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro
galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng
Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa
Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga
Amerikano. 
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis. 

Narcisa Rizal
Ang Pinakamatulunging Kapatid na 
Babae ng Bayani
Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya
ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-
aaral ni Rizal 
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at 
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose
Rizal. Lahat halos ng mga tula at 
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang pinakamatulungin sa
kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina Don Francisco at
Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila.
Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine Bracken ay pinatira niya sa
kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng
mga paring 
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay nakapiit sa barkong “Castilla”
na nakadaong sa Cavite ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa
kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang tahanan.

Olympia Rizal

Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong


taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa
Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang
kamatayan noong taong 1887.
Lucia Rizal (Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani)
Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay
kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na
nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga
lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan na
itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal.

Maria Rizal
Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni
Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna.
Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na
pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

Concepcion Rizal (Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani)


Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion
Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon,
noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

            Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni


Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at
lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya
naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na
babae.

            Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal
at isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid
na babae at sa kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa
pagkawala ng kapatid na kayang minamahal.

Josefa Rizal
Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong
1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa,
siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman
ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si
Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay
para dapat sa lotto.
Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa
niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal
bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro
ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.

Trinidad Rizal (Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula ng Bayani)         


            Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak
noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang
tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal.
Soledad Rizal
Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya
ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at
siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na
dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat
sa mensahe noong 1890.

You might also like