You are on page 1of 63

Ang Talambuhay ni

Rizal
Presented by: Danielle Blando
Dr. Jose P. Rizal
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
19 Hunyo 1861 - 30 Disyembre 1896
Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realonda (Pepe)
Pambansang Bayani ng Pilipinas
Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna
Disyembre 30, 1896. Binaril sa Bagumbayan
(Luneta)
Saan nga ba nanggaling
ang pangalan ni Rizal?
Dr.
- nagmula sa kaniyang pagtatapos ng
kursong medisina sa Universidad
Central de Madrid

Jose
- ipinangalan ng kaniyang ina bilang
pagbibigay karangalan kay San Jose na
isinilang noong ika-19 ng Marso
Protacio
- buhat sa kalendaryo 19 ng Hunyo
napangalan ng santo sa naturang
buwan na ang pangalan ay Gervacio y
Protacio at Sta. Juliana Falocneri at
noong panahon ng kastilaang pangalan
ng bata ay kinukuha sa kalendaryo
Rizal
- napili ni Don Francisco bilang patupad
sa utos ni Gob. Narciso Claveria noong
Nob. 11, 1849. Nagbuhat sa kastilang
"Ricial" na nangangahulugang "Luntiang
Kabukiran.
Mercado
- ginagamit ng kanyang nuno na si
Domingo Lam-ko noong 1731, ito'y
nangangahulugang palengke
Reolonda
- buhat sa apelyedong ginagamit ng
kaniyang ina na kinuha naman sa
ninang nito
Y
- (at)

Alonzo
- matandang apelyido ng pamilya ng
kanyang ina
Iba pang kaalaman tungkol sa pangalan ni
Rizal
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang
nakatalang buong pangalan ni Rizal sa kanyang
katibayan ng kapanganakan at José Rizal Mercado y
Alonso o simpleng José Rizal Mercado (ayon sa mga
panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa
kanyang buong kabataan.
Gayunpaman, sa payo ng kanyang kapatid na si
Paciano Rizal Mercado, pinalitan niya ang kaniyang
legal na pangalan upang hindi siya maiugnay sa mga
aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang
aktibista at tagasuporta ng binitay na paring si José
Burgos. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal
ito'y naging José Protasio Rizal (rizal = "luntian"),
pinaikling José Rizal.
Talambuhay
May palayaw na Pepe, Siya ay ang ika-
pito sa labing-isang anak ng mag-
asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at ang asawa
nitong si Teodora Morales Alonzo
Reolonda y Quintos.
Mga Magulang

Francisco Engracio Rizal Teodora Morales Alonzo


Mercado y Alejandro Reolonda y Quintos
Francisco Mercado
- Si Francisco Mercado, ama ni Jose
Rizal ay ipinanganak noong ika-11 ng
Mayo 1818 sa Biñan, Laguna.
- Namatay si Francisco Mercado noong
Enero 5, 1898.
Teodora Alonso
- Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose
Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng
Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo,
Manila.
- Namatay siya noong ika-16 ng Agosto
1911 sa Calle San Fernando, Binondo,
Maynila.
Si Rizal ay pampito sa labing-isang
magkakapatid na sina;

Saturnina (panganay) Jose


Paciano Concepcion
Narcissa Josefa
Olimpia Trinidad
Lucia Soledad (bunso)
Maria
Mga Kapatid ni Rizal
Saturnina Mercado
- Si Saturnina ang panganay sa kanilang
magkakapatid.
- Siya ay ipinanganak noong 1850 at may
palayaw na Neneng.
Paciano Mercado
- Si Paciano ay ang nakatatandang
kapatid ni Jose Rizal.
- Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851
sa Calamba, Laguna.
- Siya ang pangalawa sa labing-isang
magkakapatid.
Narcisa Mercado
- Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong
Okt. 29, 1852 at may palayaw na “Sisa”.
- Siya ang ikatlong anak sa pamilya
Rizal.
- Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez,
isang guro at musikero mula sa Morong,
Rizal.
- Namatay siya noong June 24, 1939.
Olympia Mercado
- Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa
pamilya Rizal.
- Siya ay ipinanganak noong taong 1855
at namatay noong Agosto 1887.
Lucia Mercado
- Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong
Disyembre 13, 1857 at panglima sa
pamilya Rizal.
- Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng
Calamba, Laguna.
- Namatay siya noong 1919.
Maria Mercado
- Si Maria ay ipinanganak noong 1859 at
ang pang-anim at nakatatandang
kapatid ni Jose Rizal.
- Namatay siya noong 1945.
Concepcion Mercado
- Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid
at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862
at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865.
- Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang


umiyak si Jose Rizal at isinulat niya na noong siya ay apat
na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa
kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa
panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang
minamahal.
Josefa Mercado
- Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa
pamilya at siya ay ipinanganak noong
taong 1865.
- Si Josefa ay kilala rin bilang si
“Panggoy”.
- Siya ay nagkaroon ng sakit na Epilepsy.
- Siya ay namatay nang walang asawa o
anak sa taong 1945.
Trinidad Mercado Rizal
- Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa
magkakapatid na Rizal.
- Siya ay ipinanganak noong 1868 at
namatay noong 1951.
- Ang palayaw niya ay Trining at siyang
tagapagtago at tagapamahala na
pinakahuli at pinakatanyag na tula ni
Jose Rizal.
- Siya ang pinakahuling namatay sa
pamilya Rizal.
Soledad Mercado
- Si Soledad Rizal ay ang bunso sa
pamilya Rizal at ipinanganak sa taong
1870.
- Siya ay kilala rin bilang Choleng.
- Si Choleng din ang pinakakontrobersyal
na anak sa kanilang pamilya. Ang
kanyang napangasawa ay si Pantaleon
Quintero na taga-Calamba Laguna rin
ngunit sila’y nagpakasal nang walang
permiso sa kanyang mga magulang.
Pamilya Mercado
Kabataan ni Rizal
Kabataan ni Rizal
Ipinanganak sa Calamba, Laguna, Si Pepe
ay mula sa pamilyang masasabi ring
nakaangat sa buhay dahil sa kanilang
hacienda at lupang sakahan. Si Paciano
at Jose lamang ang mga anak na lalaki sa
kanilang labing-isang magkakapatid.
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya
sa murang edad. Natutunan din niya ang
alpabeto sa edad na tatlo at limang taong
gulang naman nang siya ay matutong
bumasa at sumulat. Napahanga niya ang
kanyang mga kamag-anak sa angking
pagguhit at paglilok. Walong taong gulang
siya nang kaniyang isinulat ang tulang "Sa
Aking Mga Kababata," na ang paksa ay
tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na
noon ay Tagalog).
Mga Kababaihan ni
Rizal
Julia Celeste Smith
Noon ay buwan ng Abril 1877. Nagtungo
si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baños,
Laguna upang maligo. Doon niya nakita
ang isang magandang babae na
nangangalang Julia. Mula noon ay
larawan na ni Julia ang nakakintal sa
isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang
kabataan, ang paghanga ring nalimutan
nang makakilala siya ng isang dalagita
ring taga Lipa, Batangas.
Segunda Katigbak
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si
Segunda, ang dalagitang taga Lipa,
Batangas. Nakilala ni Rizal ang dalagang
ito sa Troso, Maynila sa bahay ng kanyang
lola noong buwan ng Disyembre 1877,
sampung buwan matapos makilala niya si
Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na
may mahabang buhok, matang
nangungusap na maapoy kung minsan at
mapanglaw naman sa ibang pagkakataon,
malarosas na kutis na may kasamang
nakakatuksong ngiti, magagandang ngipin
at may kilos na malanimpa. Unang
pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na
kanya namang pinaunlakan. Iyon ang
simula ng kanilang matamis na pag-
iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na
tuluyang mahalin si Segunda dahil batid
niya na naipangako na ito sa ibang lalaki,
si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin
siya sa pagdalaw dito.
Vicenta Ybardaloza
Ang sakit ng nadama ni Rizal sa
paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang
pinawi sa pagdalaw sa dalagang
naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag
niyang binibining L. Sinabi ni Rizal na
mas matanda ito sa kanya, maputi at
nagtataglay ng mga matang kaakit-akit.
Pinaniniwalaan na ang babaeng ito ay ang
gurong si Vicenta Ybardaloza.
Madalas na dalawin ni Rizal si
binibining L bagamat ang puso niya ay
patuloy na nangungulila kay Segunda.
Nahinto lamang ang pagdalaw niya kay
Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang
ama.
Leonor Valenzuela
Nang ikalawang taon niya sa UST ay
nakilala niya si Leonor na kapitbahay ng
may ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na
si Doña Concha Leyva. Si Leonor ay anak
nina Kapitan Juan at ni Kapitana Sanday
Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at
upang hindi malaman na sila'y may
kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa
pagsulat na ang tintang gamita ay tubig at
asin. Subalit hindi nagtagal ang lanilang
pag-iibigan at nagkasundo sila na maging
magkaibigan lamang.
Leonor Rivera
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal.
Nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor
Rivera nang ipagsama ni Paciano ang
kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo
na si Antonio Rivera na siyang ama ni
Leonor. Ang pagmamahalan ng isa't isa ay
naramdaman nila nang masugatan si Rizal sa
isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST
at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay
inilarawan na may maputing balat, alon-
along buhok na mamula-mula,
may maliit na bibig, may kalakihan at
maitim na mata at mahahabang pilikmata,
ilong na maykatamtamang tangos. Matagal
nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si
Rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping
si Leonor noong ika-17 ng Hunyo 1891 dahil
sa kagustuhan ng ina. Namatay sa
panganganak si Leonor noong Agosto 28,
1893 ngunit may sinasabing namatay din siya
dahil sa kalungkutan.
Consuelo Ortega y Rey
Si Rizal ay hindi man kagandahang lalaki
ngunit nagtataglay ng maraming talento
kaya't nagustuhan siya ng magandang anak
ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo.

May dalawang dahilan kung bakit umayaw


si Rizal sa relasyon nila:
May kasunduan na sila ni Leonor.
Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa
propaganda na si Eduardo de Lete ay
may gusto rin kay Consuelo.
Seiko Usui
Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27.
Nagsimula ang pag-iibigan nila nang
lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa
Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko
kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at
kahit hindi gaanong marunong ng wikang
Nihongo ay pinipilit niya para lang
makausap siya gaya ng ginawa ni Seiko ay
nagsalita siya ng wikang Pranses at Ingles.
Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit
mas nanaig ang misyon niya na pagpapalaya
sa Pilipinas.
Taong 1897 matapos mamatay ni Rizal ay
nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton,
isang British guro ng chemistry. Namatay
si Seiko noong Mayo 1, 1947.
Gertrude Beckett
Anak si Gertrude ng may ari ng bahay na
tinitirhan ni Rizal nang magtungo siya sa
London. Inilarawan ni Rizal si Beckett
bilang babaeng may kulay brown na
buhok, asul na mata at mapupulang pisngi.
Hindi rin nagtagal at umalis siya sa
London upang makalimutan na siya ni
Beckett at ipagpatuloy ang misyon sa
Maynila.
Suzanne Jacoby
Isa sa dalawang dahilan kung bakit
masaya si Rizal nang umalis ng Belgium.
Noong Abril 1891 pagkatapos isulat ang El
Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika
na ikinatuwa naman ni Suzanne Jacoby.
Nellie Boustead
Isang babaeng maganda, matalino,
mahinahon, may mataas na moralidad at
totoong Filipina.

May dalawang dahilang kung bakit hindi


niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal:
Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
Ayaw palipat ni Rizal sa ewlihiyong
protestantismo na gusto naman si
Nellie.
Josephine Bracken
Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken
si Taufer kay Rizal sa Dapitan. Pagkalipas ng
isang buwan nagpasya ang dalawa na
magpakasal subalit nalaman ito ni Gonoong
Taufer, dahil sa pag-aakalang iiwan ni
Josephine ay nagbanta siyang
magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa
Hong Kong, bumalik din si Bracken sa
Dapitan upang magpakasal kay Rizal.
Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach
kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang
kanilang sarili.
Dahil sa hindi inaasahang
pagkakataon,nahulog ang kanilang anak na
walong buwan pa lamang. Ito ay
pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago
mamatay si Rizal, binigay niya muna ang
librong Imitation Of Christ ni Padre
Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine
dalawang taon ,atapos mamatas si Rizal kay
Vicente Abad.
Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizal
Ang kaniyang ina ang unang guro ng
ating pambansang bayani. Ito ang
nagturo sa kanya ng alpabeto,
kagandahang asal, at mga kuwento.
Samantala, ang kaniyang pormal na
edukasyon ay unang ibinigay ni
Justiniano Aquino Cruz sa Binan,
Laguna.
Noong ika-10 ng Hunyo 1872, pinayuhan ni
Justiano ang mga magulang ni Rizal na pag
aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang
paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan
noong ika-2 ng Enero 1872. Sa kaniyang
pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang
lahat ng mga pangunahing medalya at notang
sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding
ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyersa
Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Noong 1877, ipinatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ang sabay ang medisina at
pilisopiya noong 1885. Natuto rin siyang
bumasa at sumulat ng iba't ibang wika
kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kaniyang masteral sa
Paris, France at Heidelberg, Germany.
Mga Akda ni Rizal
Mga Akda
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang
kaniyang isinulat, ang Noli Me Tangere (Touch
Me Not) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886),
sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang
El Filibusterismo (Ang Paghahari ng
Kasakiman) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram
siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa
pagpapalimbag.
Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan
at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa
lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang
mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don
Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na
Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang
magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan
ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng
1896.
Mga Huling Araw ni
Rizal
Nobyembre 3, 1896
Dumating si Rizal sa Manila ng dalawampu't-pitong
araw galing Barcelona saan siya'y umalis noong Oktubre
6, Ikinulong siya sa Fort Santiago.

Nobyembre 20, 1896


Nagpakita siya kay Francisco Olive y Garcia nung siya
pa ay nakarating sa Fort Santiago nung Nobyembre 3,
hinarap niya ang mga katangungan na binigay sa kanya:
ang mga relasyon, kaibigan, atbp. niya sa Rebolusyon.
Disyembre 11, 1896
Ang mga paratang ni Rizal ay ipinagbasa sa kanya at sa
kanyang tagapagtanggol, si Lt. Luis Taviel de Andrade.
Dahil dito, hindi pwede humarap si Rizal sa mga saksi na
nasakdal sa kanya.

Disyembre 21, 1896


Sinulat niya ang kaniyang depensa sa Fort Santiago.
Disyembre 22, 1896
Si Jose Rizal, incomunicado sa Fort Santiago, ay sumulat
ng isang "manifesto" sa kanyang kababayan para tumigil
ang kanilang labanan. Hindi ipinalatha ng
pamamahalang Espanyol ang kanyang "manifesto".

Disyembre 23, 1896


Nagulat siya kay Lt. Andrade, naghihingi ng patawad
para sa kanyang mga kapatid na babae na sinasadyaing
sumangguni sa isang sikat na abugado para sa kaso niya.
Disyembre 24, 1896
Ang mg paratang ni Lieuntenant Fiscal D. Enrique
Alcocery R. de Vaamonde kay Rizal, ay binasa sa mga
miyembrong Sanggunian Digmaan.

Disyembre 25, 1896


Nasa Fort Santiago si Rizal nung Araw ng Pasko at nais
niyang makita ang tagapagtanggol niya priyor sa miting
niya sa Sanggunian Digmaan, ay sumulat kay Lt. Luis
Taviel de Andrade para pakiusapin siyang
magpakapanayamin.
Disyembre 26, 1896
Pumunta siya sa Cuartel de Espana saan siya'y dumating
ng 8:10 ng umaga. Nagpakita siya sa Sanggunian
Digmaan para iharap ang kanyang mga kaso.

Disyembre 27, 1896


Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Pena ay nagsabi ng
hatulan ng kamatayan kay Rizal.
Disyembre 28, 1896
Gobernador-Heneral Polaveja ay nag-utos sa araw na ito
ng hatulan ng kamatayan ni Rizal. Si Polaveja ang
nagpatunayan ng hatulan.

Disyembre 29, 1896


Sa isang sulat, sinabi ni Rizal kay Propesor Blumentritt
na mamamatay siya sa Bagumbayanng alas syete ng
umaga. Sumulat din siya ng maraming pasalamat kay
padre Paciano na nagsakripisyo para kay Rizal upang
siya'y mag-aral sa ibang bansa.
Araw ng Kamatayan ni Rizal
Disyembre 30, 1896
Humingi ng patawad si Rizal sa kanyang mga magulang
para sa lahat ng bagay na nagpapasakit na binigay niya sa
kanila pagpalit sa mga pagsasakripisyo at bagay na hindi
sila natutulog para sa edukasyon niya. Alas syete tres na
segundo ng umaga, sa harap ng maraming Filipinos at
Spaniards sa kabukiran ng Bagumbayan, binarilan si Rizal
sa kanyang likod.
Ang huling sinabi ni Dr. Jose Rizalbago siya barilin ay ang
mga katagang "Consumatum est".
Ibig sabihin ng Consumatum est ay It is done o It is finished.
Bago paman tumunog ang mga putok ng baril ng mga kastila
ay isinigaw ni Dr. Jose Rizal ang mga katagang Consumatum
est. Matapos ag pagbaril ay umikot si Dr. Jose Rizal sa huling
pagkakataon at humandusay ng nakaharap sa langit at
sumunod ang tiro de gracia o ang one last shot upang
siguraduhing patay na si Dr. Jose Rizal.
Marami ang nagsasabi na ang mga katagang sinambit ni Rizal
ay kapareho ng mga katagang sinambit ni Jesus bago
mamatay.
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like