Professional Documents
Culture Documents
SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng.
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang
tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina
na
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng
Batangas.
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.
Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing na walang
kahon at walang pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng aginaldo sa
namamahala sa mga libingan para lagyan ng markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan
ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni
Jose Rizal.
Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa Morong, Rizal.
Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni Sisa at Jose sa kanilang tahanan, sila ang
pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya na ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang
kanilang tahanan bukod pa sa kinuha ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian.
Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila na ang
kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura paroko ng Calamba,
kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng katauhan ni Padre Florentino sa El
Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng kasal nina Narcisa at Antonino ay
tumira sila sa simbahan ni Padre Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari
ng namatay na pari. Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay
noong 1939.
OLYMPIA RIZAL
Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong
taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at
sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong
taong 1887.
Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi siya binigyan ng
isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia. Sa
artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad Una Profanacion” ay binatikos niya ang
mga pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano dahil
lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal.
Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa pulong ng
pamilya sa Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal pabalik ng Maynila
ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15 ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay
ikinulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing
kasinungalingan na may mga babasahin laban sa mga pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia
noong nagbiyahe siya sakay ng barkong Don Juan.
Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion, Patrocinio,
Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong 1979 at namatay noong
1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at
anak na si Lorenza na tumahi ng ating watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral
Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay
naging mga estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang
itinatag sa Dapitan.
Maria Rizal
Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at isinulat
niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa kauna-
unahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang
minamahal.
Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga panahong iyon. Mahigit na
sampung mga pamangkin na babae at lalaki ni Jose Rizal ang binawian ng mga buhay sa
murang edad.
JOSEFA RIZAL
Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay kasama si Jose
Rizal sa “casa cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado). Naitala na minsan ay pinag-
isipan o pinagplanuhan ni Trining na patakasin si Jose Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero
1896 ay inanyayahan ni Jose Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Jose
Rizal ay kung sino ang mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay
halos parang walang tao at walang kabuhay-buhay. Minsan ay sumulat si Trining kay Jose
Rizal na nabasa nito ang sulat sa kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si Trining kung
nakakasundo nito si Senyora Panggoy kung saan siya ay namamasukan. Sinabi ni Trining na
salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay nang tahimik.
Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y
namayapa at parehong hindi nag-asawa.
Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang
piitan sa Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang isang lampana,
isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at ibinulong sa kanya sa wikang hindi naunawaan
ng mga kawal na nakabantay sa kanya na ang lutuan ay mayroong bagay na nakatago doon at
iyon ay ang kanyang huling tulang isinulat.
Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan
mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit
na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.
SOLEDAD RIZAL
Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na
hindi raw totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose
Alberto na kapatid ni Teodora.