You are on page 1of 2

BATAS NG WIKA

MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORANDUM AT SIRKULAR NA MAY KINALAMAN SA WIKANG


PAMBANSA
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa
isa sa umiiral na katutubong wika”
Batas Komonwelt Blg. 184 (1936)
Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang
katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin
din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado.
Batas Komonwelt Blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Proklama Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Marso 29
hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 s, 1959
Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinagubilin ang kaalaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa,
ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulant sa taong- aralan 1963-1964. Ang mga sertipiko
at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong
Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng epidisyo, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)
Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-uutos na ang mga “letterheads” ng mga
tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang
pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)
Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng
Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok linggwistika ng kapulungan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
Memorandum Sirkular Blg. 384 (1969)
Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan
upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan, kawanihan , tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

You might also like