You are on page 1of 15

ANG BUHAY NI JOSE

RIZAL
By: Lawrence Baronia, Bai Aileen Guialel at Camille Lingayon,  
Dr. Jose Rizal
• Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
• Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya.
• Isinilang siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba,
Laguna.
• . Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos. 

Reference:
https://fthmb.tqn.com/mTQL8c95I3en_Ba12mOc_KavSd
4=/1000x1500/filters:fill(auto,1)/Jose-Rizal-
58b9c2ef5f9b58af5ca28cf9.jpg
ANG MGA
MAGULANG NI
RIZAL
Francisco Mercado at Teodora Alonso
• Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal, ay • Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na
ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 sa Biñan, ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa
Laguna. Meisik, Tondo, Manila. 
• Siya ang pinakabata sa labintatlong anak nina Cirila • Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at
Alejandro at Juan Mercado. Brijida de Quintos.
• Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa Colegio de San • Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa
Jose sa Manila at dito niya nakilalaang kanyang Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay
asawa, si Teodora Alonso Realonda na doon din nag- naging edukado.
aral.
• Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa
• Binuhay niya ang pamilyanila sa pamamagitan ng
tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at
pagtanim ng mgabugas, tubo, at iba pang mga
pananim. Itinuring nga siyang modelo na tatay ni
tumira sila sa Calamba, Laguna.
Jose Rizal. 
• Namatay si Francisco Mercado noong Enero 5, 1898. 


ANG MGA KAPATID
NI RIZAL
SATURNINA RIZAL
• Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. 
• Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng.
• Tinulungan niya kasama ang kanyang ina  makaaral si Rizal at siya ang tumayong
pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. 
• Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas.
• Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.
PACIANO RIZAL (Paciano Rizal
Mercado y Alonso Realonda) 
• Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9,
1851 sa Calamba, Laguna.
• Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid.
• Nag-aral si Paciano sa Colegio de San Jose sa Maynila. 
• Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang
Propaganda Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong
Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa
Laguna.
• Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging
military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American
War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano. 
• Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.


Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging
Kapatid na Babae ng Bayani 
• Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”.
• Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. 
• Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang
kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-
aaral ni Jose Rizal. 
• Lahat halos ng mga tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo.
• Si Sisa ang pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina
Don Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa
kanila.
• Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa Morong, Rizal. At siya,
si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.
Olympia Rizal
• Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. 
• Siya ay ipinanganak noong taong 1855. 
• Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay
binayayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong
taong 1887.
Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap
ng Bayani
• Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal.
• Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. 
• Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad
ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay
minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng
pamilya Rizal.
• Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi siya binigyan ng
isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia. 
• Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad Una Profanacion” ay binatikos
niya ang mga pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting
Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal.


Maria Rizal
• Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose
Rizal. 
• . Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si
Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si
Josephine Bracken.
• Namatay siya noong 1945.
Conception Rizal: Ang Unang
Pagdadalamhati ng Bayani 
• Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion
Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong
1865. 
• Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid. 
• Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe”
Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. 
• Magkalaro sila at laging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa
kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na
babae.
• Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at isinulat
niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa
kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng
kapatid na kayang minamahal.


Josefa Rizal
• Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865.
• . Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. 
• Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat
para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang
kaalaman sa Ingles.
• Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para
dapat sa lotto.
• Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya
pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. 
• Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga
orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.
• Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.
Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng
Pinasikat na Tula ng Bayani           
• Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal.
•  Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951.
• Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at
pinakatanyag na tula ni Jose Rizal.
• Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y
namayapa at parehong hindi nag-asawa.
• Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan mula
Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng
sakit na malaria. 
• Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.
Soledad Rizal
• Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang
Choleng.
• Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid.
• Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay
nakasulat sa mensahe noong 1890. 
• Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si
Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang
mga magulang. 
• Di sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at sinabi niya sa mensahe niya na
isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid kay Pantaleon.
• Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi raw
totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni
Teodora.
• Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang
kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar.

You might also like