You are on page 1of 3

Kasaysayan ni Rizal

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal
Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa
pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng
Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring
magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, linggwista, at may
kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika
(marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado
y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kanyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na
henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang,
Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa
katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan
niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil
siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng
mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa
kalituhan mula sa kanyang kasamang mangangalakal.

Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang
kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng
isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brígida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang
kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.

Kabataan

Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaangat sa buhay dahil sa
kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang
labing-isang magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia,
Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.

Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at
limang taong gulang naman nang siya ay matutong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kanyang mga
kamag-anak sa angking pagguhit at paglililok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa
Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog).

Edukasyon

Ang kanyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kanya ng alpabeto,
kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamu-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na
edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala
sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877
(siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o
namumukod-tanging marka.

Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging
asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito
noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho
bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas
upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring
Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de
Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23,
iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya
ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente.
Kasaysayan ni Rizal

Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya
sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat
noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kanyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng
Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang
si Rudolf Virchow.

Kay Rizal ang isa sa mga pinaka-dokumentadong buhay noong ika-labing siyam na siglo dahil sa mga tala
tungkol sa kanya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga
manunulat na gumawa ng kanyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa
mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng
Kanluran. Kasama rin dito ang kanyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong
kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay.

Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga
Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me
Not / The Social Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa
Pilipinas, partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa
Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng
pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.

Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na
nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga
artikulo sa La Solidaridad, isang pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na
itinaguyod ni Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay
na pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at
representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.

Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa para sa
pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado ni Rizal ang di-marahas na aksyon. Ngunit
hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya
sa Dapitan, sa isla ng Mindanao.

Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang kanyang kahilingan ay
naaprubahan, ngunit noong Agosto 1896, ang Katipunan, isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni
Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon. Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang
marahas na pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.

Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng kamatayan sa


pamamagitan ng firing squad. Isinagawa ang pampublikong pagpatay kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30,
1896, noong siya ay 35 taong gulang. Ang kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa
mga panuntunan ng Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga
Espanyol noong 1898.

Minsan ay may Isang Gamu-gamo

May isang kuwento tungkol kay Teodora Alonso Realonda at ang anak niyang si Jose Rizal nang bata pa ito.
Minsan isang gabi, noong panahon na wala pang kuryente sa Pilipinas, ni telebisyon o radyo o cell phone,
nag-aaral daw ng leksyon ang batang Jose Rizal kasama ang nanay niya. Ang gamit na ilawan sa pagbasa ay
isang kandilang nakasindi sa ibabaw ng mesa. Siyanga pala, kaya daw pala “nagsusunog ng kilay“ ang tawag sa
mga sumisiryoso sa pag-aaral ay dahil talagang pwede sila masunugan ng kilay noong panahong iyon kapag
inantok sila habang nagbabasa. Buti kung kilay lang ang masunog; baka pati buhok.

Inaantok na daw noon ang batang Rizal, kaya ang nanay na ang nagbasa at nakinig na lang ang bata.
Maya-maya, hindi na rin pala nakikinig si Jose dahil nawili sa panonood sa mga gamo-gamong naglalaro sa
paligid ng ilaw. Nang mapansin ito ni Aling Teodora, huminto ito sa pagbabasa at sinabi kay Jose, “May
ikukuwento ako sa iyo, makinig kang mabuti.”
Kasaysayan ni Rizal

Pagkarinig pa lang sa salitang KUWENTO, nadilat na kaagad ang mga mata ng bata, tumingin sa nanay niya at
nawala ang antok. Sabi ng Nanay niya, “Minsan, may dalawang gamo-gamo: isang matanda at isang bata.
Pareho silang mahilig maglaro sa paligid ng ilaw ng kandila. Isang gabi, lumipad ang batang gamo-gamo nang
masyadong malapit sa ningas ng kandila. Kaya binalaan siya ng mas matanda, ‘Mag-ingat ka sa paglapit mo sa
ningas, baka masunog ang pakpak mo at hindi ka na makalipad.’”

Mayabang na sinabi ng batang gamo-gamo na hindi raw siya natatakot. Kaya nagpatuloy ito sa paglipad,
papalapit nang papalapit sa ningas, hanggang sa dumampi ang pakpak niya sa apoy at nasunog ito, at nalaglag
siya sa mesa. Sabi ng matandang gamo-gamo, “Sinabi ko na sa iyo, matigas kasi ang ulo mo, hindi ka nakinig sa
akin, kaya ngayon hindi ka na tuloy makalilipad na muli.”

Hindi na napansin ng ina na hindi nakikinig ang batang Rizal sa pagkaaliw sa panonood niya sa aktwal na drama
ng gamo-gamo. Tinapos pa rin ng nanay niya ang kuwento sa isang aral: “Kaya huwag pamarisan ang batang
gamo-gamo na matigas ang ulo. Makinig sa pangaral ng nakatatanda, para di ka mapahamak.”

Ang nakuha niyang aral ay baligtad, hindi babala, kundi paghanga sa lakas ng loob at matinding pagkahumaling
ng gamo-gamo sa liwanag na sapat nang dahilan para lumapit sa liwanag kahit alam niyang delikadong
masunugan siya ng pakpak at mamatay.

You might also like