Professional Documents
Culture Documents
Jose Rizal
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong
siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon,
pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano
Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-
aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan
noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman
atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito
niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip
ang pinakamataas na karangalan.
KABATAAN NI RIZAL
EDUKASYON NI RIZAL
Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng
alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala,
ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan,
Laguna.Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal
de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si
Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr.
Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng
eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang
mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian
Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan
nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student),Tribune,Decurion,Centurion
at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech ,naging Emperor si Rizal dahil siya ay
nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala.
Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila.
MGA AKDA
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo
Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At
nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891);
pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng
mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga
panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes,
manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at
katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging
Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang
siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya
Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara,
Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.
Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang
pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng
pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang
Plaridel.
20 Nobyembre 1896
Nagpakita siya kay Francisco Olive y Garcia nung siya pa ay nakarating sa Fort Santiago nung
Nobyembre 3. Hinarap niya ang mga katanungan na binigay sa kanya: ang mga relasyon, kaibigan,
atbp. niya sa Rebolusyon. Tumagal ang mga katanungan nito ng limang araw.
11 Disyembre 1986
Ang mga paratang ni Rizal ay ipinagbasa sa kanya at sa kanyang tagapagtanggol, si Lt. Luis
Taviel de Andrade. Dahil dito, hindi puwede humarap si Rizal sa mga saksi na nasakdal sa
kanya.
21 Disyembre 1896
Sinulat niya and kanyang depensa sa Fort Santiago.
22 Disyembre 1896
Si Jose Rizal, incomunicado sa Fort Santiago, ay sumulat ng isang "manifesto" sa kanyang
kababayan para tumigil ang kanilang labanan. Hindi ipinalatha ng pamamahalang Espanyol
ang kanyang "manifesto".
23 Disyembre 1896
Nagsulat siya kay Lt. Andrade, naghihingi ng patawad para sa kanyang mga kapatid na babae na
sinasadyaing sumangguni sa isang sikat na abugado para sa kaso niya.,
24 Disyembre 1896
Ang mga paratang ni Lieutenant Fiscal D. Enrique Alcocery R. de Vaamonde kay Rizal, ay
binasa sa mga miyembro ng Sanggunian Digmaan.
25 Disyembre 1896
Nasa Fort Santiago si Rizal nung Araw ng Pasko at nais niyang makita ang tagapagtanggol niya
priyor sa miting niya sa Sanggunian Digmaan, ay sumulat kay Lt. Luis Taviel de Andrade para
pakiusapin siyang magpakapanayamin.
26 Disyembre 1896
Pumunta siya sa Cuartel de España saan siya'y dumating ng 8:10 ng umaga. Nagpakita siya sa
Sanggunian Digmaan para iharap ang kanyang mga kaso.
27 Disyembre 1896
Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña ay nagsabi ng hatulan ng kamatayan kay Rizal.
28 Disyembre 1896
Gobernador-Heneral Polavieja ay nagutos sa araw na ito ng hatulan ng kamatayan ni Rizal. Si
Polavieja ang nagpatunayan ng hatulan.
29 Disyembre 1896
Sa isang sulat, sinabi ni Rizal kay Propesor Blumentritt na mamamatay siya sa Bagumbayan ng
alas syete ng umaga. Sumulat din siya ng maraming pasalamat kay padre Paciano na
nagsakripisyo para kay Rizal upang siya'y magaral sa ibang bansa.
Ang hatol ni Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña at ang pagpapatiby ng hatol ng kamatayan ni
Gobernador-Heneral Polavieja, ay binasa kay Rizal ni Tagahatol Dominguez sa umaga ng araw na
ito. Kalmado si Rizal at hindi naapektuan ang kanyang pagpipirma ng dokyumento judisyal.
30 Disyembre 1896
Humingi ng patawad si Rizal sa kanyang mga magulang para sa lahat ng bagay na nagpapasakit
na binigay niya sa kanila pagpalit sa mga pagsasakripisyo at bagay na hindi sila natutulog para
sa edukasyon niya. Ala syete at tres na segundo ng umaga, sa harap ng maraming Filipinos at
Spaniards sa kabukiran ng Bagumbayan, binarilan si Rizal sa kanyang likod. Nahulog siya
paharap ng umaangat na araw.
Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng
rebolusyon. Nang mga panahong iyon. Pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba
bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng
himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang
kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang
ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril
siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata
at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa
pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil
sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Fernando Blumentritt - My dear Brother, when you
receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of
the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang
liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang
rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon,
gawa ni Richard Kissling, isang eskultorescoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell.
May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang
lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at
paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang
ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."