You are on page 1of 14

Ikatlong Markahan Modyul 2

Ikalawang Linggo

1
Alamin Natin

Sa panahon na ang lahat ay nagbabago dahil sa maraming


pangyayari sa paligid ay malaki ang natutulong ng mga napapanuod,
nababasa at napapanuod na mga impormasyon tungkol sa paligid.
Ang pagbabasa, pagsusuri at pagsulat ng balita ng mga mag-aaral ay
nagbubunga ng kamulatan sa mga pangyayari sa paligid at ng positibing
pagkilos tungo sa pakikibahagi s amahahalagang isyu sa kalikasan.
Sa talakayan na ito masusubok ang iyong pagiging responsible sa
pakikibahagi sa mga isyung nagaganap sa paligid. Ang kahusayan sa
pananaliksik at pagsulat ng mga balita ay mabibigyang pansin upang
magampanan ang mga gawaing inihanda sa bawat bahagi ng modyul.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

 Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa


pananaliksik. F8PS-IIIa-c-30
 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya
sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa. F8WG-IIIa-c-30
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) F8PU-IIIa-c-30

Subukin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang


lebel ng iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Bilugan ang
titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Isang paraan ng pangngangalap ng impormasyon hinggil sa isang


tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng questionnaire.
A. pagsasarbey C. imersyon
B. obserbasyon D. pakikipanayam
2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang
mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.
A. cartoons C. dokumentaryo
B. variety show D. komersyal

2
3. Ito ang itinuturing na pinakamababang antas ng wika at tinatawag na
salitang kalye.
A. kolokyal C. lalawiganin
B. balbal D. pambansa
4. Isa sa mga ginagamit na paraan ng pangangalap ng impormasyon ay
ang pabibigay ng..
A. pagkain C. tubig
B. questionnaire D. tulong
5. Ito ang itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino.
A. komiks C. mass media
B. telebisyon D. magasin
6. Nakapupukaw ng interes ang mass media sapagkat gumagamit ito ng
audio at visual. Ano ang ibig sabihin ng salitang maysalungguhit?
A. paningin at pang-amoy C. pandinig at paningin
B. pandinig at pang-amoy D. panlasa at paningin
7. Ang _____ ang tawag sa tumatanggap ng impormasyon mula sa
nagsasalita.
A. sender C. receiver
B. messenger D. deliverer
8. Ito ay isang ng Print Media na nanatiling buhay at bahagi ng ating
kultura. Ang salitang nakalimbag ay tumutukoy sa..
A. komiks C. magasin
B. pahayagan D. dagli
9. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa
marami.
A. musika C. komentaryo
B. balita D. editoryal
10. Bukod sa radio at telebisyon, isa rin sa naghahatid ng mahahalagang
balita ay ..
A. komiks C. pahayagan
B. magasin D. dagli
11. Ito ay isang bagong impormasyon tungkol sa isang mahalaga at
kagaganap na pangyayari na kawili-wili at nakaapekto sa publiko.
A. balita C. magasin
B. komiks D. dagli
12. Ang sumusunod ay mga naghahatid ng balita maliban sa isa.
A. radyo C. pahayagan
B. telebisyon D. komiks
13. Ang mga sumusunod ay katangian ng balita, maliban sa..
A. napapanahon ang impormasyon. C. mahalaga sa mga tao.
B. dapat ay napapanood D. interesante sa mga tao.
14. Ang mga salitang kelan, meron, at ewan ay halimbawa ng..
A. lalawiganin C. balbal
B. pambansa D. kolokyal
15. Niregaluhan ko si erpat ng relo noong kaarawan niya. Ang salitang
may salungguhit ay isang..
A. lalawiganin C. balbal
B. pambansa D. kolokyal

3
Aralin
Pananaliksik sa pagsulat ng
2 balita at komentaryo

Balikan Natin

Bago natin talakayin ang aralin na ito, mabuting balikan mo


muna ang nakaraang aralin tungkol sa babasahing popular.
Gawain 1

Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang mahahalagang bagay


hinggil sa popular na babasahin. Balikan natin ang mga ito bilang
paghahanda sa bago nating aralin.

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Pansinin ang mga


salitang nakalimbag upang maibigay ang angkop na kasagutan na nasa
loob ng kahon. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

Dagli Magasin Komiks


Pahayagan Blog

_____1. Modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng


impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng artikulo na
may iba’t ibang mga partikular na paksa.
_____2. Ito ay isang ng Print Media na nanatiling buhay at bahagi ng ating
kultura.
_____3. Isa itong grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginangamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
_____4. Hindi mawawala ang ang Liwayway kung pag-uusapan ang
pagpapalaganap ng babasahing ito sa Pilipinas.
_____5. Isang anyo ito ng panitikan na maituturing na maikling-maikling
kuwento.

Tuklasin Natin

Gawain 2
Basahin ang isang nailathalang balita mula sa Radyo Inquirer.net
at suriin ang nilalaman ng balita gamit ang mga tanong na inihanda.

4
Pagsisimula ng COVID-19 vaccination, magandang balita
– Speaker Velasco
Welcome development para kay Speaker Lord Allan Velasco na
nasimulan na ang pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Velasco, tiyak na sunud-sunod na ang pagdating ng mga
bakuna.
Aniya, ginagawa ng ehekutibo at lehislatura ang lahat ng paraan tulad
ng pag-apruba ng batas na magpapabilis sa roll-out ng COVID-19
vaccination program ng pamahalaan.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang Speaker na maunang
mabakunahan upang maipakita sa mga tao na kailangan na talaga ang
bakuna para makontrol ang virus at hindi ito dapat katakutan.
Naniniwala rin si Velasco na nasa mas magandang posisyon na ang
bansa sa paglaban sa COVID-19 at malaki na ang pagasa na makamit ang
herd immunity dahil sa pag-uumpisa ng vaccination program.
Araw ng Lunes (March 1), muling nagkaroon ng physical flag raising
ceremony sa Batasang Pambansa matapos ang halos isang taon.
Sabi ni Velasco, ginawa nila ito upang ipakita na kayang mag-adjust ng
Kamara sa ‘new normal’ gayundin para sabihin na ligtas sa Batasang
Pambansa.
Araw ng Linggo, February 28, ay dumating sa bansa ang 600,000 doses
ng COVID-19 vaccines na Sinovac at inaasahan pa ang pagdating ng ibang
bakuna tulad ng 525,600 doses ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca.

Mga Tanong:
1. Sino ang paksa ng balita?
2. Bakit ito isang maganda balita ayon kay Speaker Velasco?
3. Paano ito magiging kapaki-pakinabang sa kalagayan ng bansa?
4. Ano ang dumating sa bansa?
5. Saan naganap ang balita?
6. Kailan ito nangyari?

Talakayin Natin

Sa pagsagot mo ng mga katanungan sa unang gawain ay mabibigyan


ka ng ideya kung tungkol saan ang tatalakayin sa modyul na ito. Basahin ang
pagtalakay sa pagsulat ng balita at mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon.

5
PAGSULAT NG BALITA
Balita ang isang bagong impormasyon tungkol sa isang mahalaga at kagaganap na
pangyayari na kawili-wili at nakaapekto sa publiko. Karaniwan itong pumapaksa sa lipunan at
politika.

Mga katangian ng Balita


1. Kailangan napapanahon ang impormasyon.
2. Kailangan nakakaapekto sa mga taong malapit sa pinangyarihan.
3. Kailangan nauukol sa mga kailangan ng tao, lugar, o bagay.
4. Kailangan ay kahalagahan sa mga tao.
5. Kailangang ito ay kontrobersiyal na nauukol sa tao, bagay o lugar.
6. Kailangan ay interesante sa mga tao.

Gabay sa pagsulat ng Balita


1. Isinasaalang-alang ang kredebilidad ng balita sa pamamagitan ng katiyakan at
katotohanan ng impormasyon, balance ang pagbibigay ng panig ng magkabilang
pangkat na sangkot sa isyu at malinaw ang impormasyong inilalahad.
2. Gumamit ng paraang inverted pyramid sa pagsulat ng detalye. Sinisimulan sa
pinakamahalaga impormasyon patungo sa hindi gaanong mahalagang detalye.
3. Binibigyan diin ang mga tanong na SINO, PAANO, BAKIT, ANO, SAAN AT KAILAN.
4. Paggamit ng lead sentence kung saan ang anim na tanong na nabanggit sa taas ay
masasagot dito.
5. Ang mga susunod na pangungusap ay maglalahad ng impormasyon may kaugnayan
sa paksa.
6. Dapat maikli at nakakakuha kaagad ng atensiyon ang pamagat o headline.

Iba’t Ibang Estratehiya ng Pangangalap


ng mga Datos o Impormasyon sa Pagsulat

Sa pagsulat ng anumang popular na babasahin napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat


na kaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat. Ang pangangalap ng impormasyon ay maaari
ring tawaging “pagpapayaman ng kaalaman” ng susulat. Tumutukoy ito sa paghahanap pa at
pagtitipon ng mga kaalamang hindi pa taglay ng magsusulat. Hindi madali ang gawaing ito
subalit kung mapamaraan ang magsusulat, ito ay napagagaan. Narito ang ilang mungkahing
paraan o estratehiya sa pagsasagawa nito upang higit na maging maayos at hitik sa
impormasyon ang mga susulating popular na babasahin.

1. Pagbabasa at Pananaliksik – Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang


isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang materyales na karaniwang
matatagpuan sa mg aklatan o Internet.
2. Obserbasyon – Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan
ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari. Inaalam dito ang mga
gawi at katangian at iba pang datos kaugnay ng inoobserbahang paksa.
3. Pakikipanayam o Interbyu – Makapagtitipon din ng mga kaalaman at impormasyon sa
pamamagitan ng pakikipanayam o interbyu sa mga taong malaki ang karanasan at
awtoridad sa paksang inihahanap ng mga impormasyon.
4. Pagtatanong o Questioning – Sinasagot sa pamamgitan ng paglalatag ng mga tanong ang
isang tiyak na paksang gustong isulat. Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang
pagtatanong na kinapapalooban ng 5Ws at 1H (What, When, Where, Who, Why, at

6
How). Makatutulong ito upang mai-detalye ang paksang gustong palawakin sa pagsulat.
5. Pagsulat ng Journal – Ang journal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga
repleksiyon, mga naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa. Para sa mga manunulat,
napakahalaga ng pagsusulat ng journal. Madals, sa journal nila hinahango o ibinabatay ang
mga akdang akdang kanilang sinusulat. Ang mga Draft ng kanilang akda ay kadalasang
isinusulat sa journal. Ang mga ideya o inspirasyon ay agad din nilang itinatala rito upang
hindi makalimutan at muling binabalikan sa sandaling may panahon na silang magsulat. Ang
iba naman ay naglalarawan sa journal ng mga taong kanilang nakikilala, nakikita, o likhang-
isip lamang na kalauna’y maaaring magamit upang maging tauhan ng kanilang kuwento,
dula, o nobela. May nagtatala rin sa journal ng mga bagong salita, idyoma, tayutay, at mga
pahayag na nagpapalawak sa bokabylaryo ng manunulat.
6. Brainstorming – Mabisa itong magagamit sa pangngangalap ng opinyon at katwiran ng
ibang tao. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit
na pangkat hinggil sa isang paksa.
7. Pagsasarbey – Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga
respondent.
8. Sounding-out Friends – Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng
pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa. Kalimitang ang usapan ay maikli
lamang at impormal.
9. Imersyon – Ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o gawain
upang makasulat hinggil sa karanasan o gawain kinapalooban. Sa halip na simpleng
pagmamasid, ang manunulat ay nakikisalamuha sa isang grupo ng mga tao sa
pamamagitan ng pakikisangkot sa kanilang mga gawain bilang paghahanda sa pagsulat ng
isang akda o ulat hinggil sa kanila.
10. Pag-eeksperimento – Sa paraang ito, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng
akda tungkol dito sa pamamagitan ng isang eksperimento. Madalas itong ginagamit sa
pagsulat ng mga sulating siyentipiko.

Maaaring buksan ang link na ito https://www.youtube.com/watch?


v=UYmQdRWJq3A&ab_channel=TitserMJTV para sa masining na paraan ng
pagtalakay sa paksa.
Gawain 4
Matapos mong mabasa ang mga iba’t ibang estratehiya ng
pangangalap ng mga datos o impormasyon sa pagsulat, subukan mo namang
sagutan ang mga inihandang gawain sa ibaba. Basahin at unawain ang
pangungusap sa bawat bilang at kumpletuhin ang mga patlang upang mabuo
ang angkop na kasagutan.
1. Isang paraan ng pangngangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak
na paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng questionnaire.
P _ _ S A_ A R B _ Y
2. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan sa
isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
__ R A __ N S __ __ R M __ __ G
3. Ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o
gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawain kinapalooban.

7
I __ __ R __ Y O __
4.Isang paraan ito ng pangngangalap ng impormasyon sa pamamagitan
ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
__ B __ E __ B __ __Y O __
5. Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang pagtatanong na
kinapapalooban ng 5Ws at 1H.
P __ __ T __ T A __ __ N __

Gawain 5
Balikan ang nabasang balita sa bahagi ng TUKLASIN NATIN, gamitin ito upang
masagutan ang gawain. Punan ng mga impormasyon ang pyramid batay sa
nakalahad sa balita.

SIMULA: Paksang pangungusap ( ASSAKPB?)


Ano? _______________________________________
Sino? _______________________________________
Saan? _______________________________________
Kailan? _______________________________________
Paano? _______________________________________
Bakit? _______________________________________
GITNA: Mga Detalye ng balita ( Tiyak na impormasyon)
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________
WAKAS: Pagwawakas ng buong balita
________________________________________________
________________________________________________

Babalikan natin
sa aralin na makikita sa ibabang kahon.Sagutan ang gawaing inihanda
matapos basahin.

MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON

Ginagamit ang impormal na komunikasyon upang madaling maihatid at


maunawaan ang mga mensahe. May tonoi to ng karaniwang pakikipag-usap
kung kaya gumagamit din ng mga karaniwang salita.
1. Salitang Kolokyal- Ito ang mga karaniwang salitang pambansang
nabuo sa pamamagitan ng pagsama o pagdudugtong ng salita.
Karaniwang pinapaiklig anyo ito ng salita o mga salita. Napapabilis
nito ang impormal na komunikasyon.
Halimbawa: Mayroon – Meron, Kailan-Kelan, Aywan- Ewan

2. Salitang Balbal- Ito ang pinakamababang uri ng antas ng wik.

8
Walang pamantayan ang gamit nito. Nabubuo ito ng isang pangkat ng
lipunan para sa kanilang particular na pagkakailanlan. TInatawag din
itong salitang kayle o kanta.
Halimbawa: Nanay- Madir, mudra, mamu Kasintahan- bata, syota,
jowa

3. Salitang Banyaga- Karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa


pakikipagkomunikasyon ang mga salitang banyaga. Lagi nang
humahalo ang mga salitang ito saanmang usapang impormal.
Halimbawa: Malaki ang napinsala ng super typhoon, di ba?
Dahil sa online class marami ang gumagamit ng
cellphone.

Pagsasanay 1
Gamit muli ang balita sa TAYAHIN NATIN , suriin ang mga salitang
gimagamit sa impormal na makikita dito. Isulat sa talahanayan ang iyong
mga sagot. Dagdagan ang bilang kung mas marami sa tatlo ang nakita.

KOLOKYAL BALBAL BANYAGA


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

Pagyamanin Natin

Gawain 6
Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin pa ang iyong
kaalaman. Gamit ang balangkas sa ibaba, itala ang pamagat o paksa ng
iyong isusulat. Kaugnay nito, magtala ng mga kinakailangang impormasyon
para mabuo ang paksang susulatin.
Itala rin ang mga pamamaraan o estratehiyang iyong gagamitin upang
epektibong makalap ang mga datos o impormasyong iyong inilahad.

9
Tandaan natin

Gawain 7
Sa pagbuo ng pahayag sa ibaba ay mailalahad ang natutuhan mula sa
tinalakay na aralin.( Maaring ipasa sa messenger ng guro ang kasagutan )
Ang balita ay ________________________________________.
Mahalagang gumamit ng mga _______________________________
sa pangangalap ng mga datos na gagamitin.
Maaring gumamit ng mga __________________________________
upang mapadali ang pagbuo ng mga pahayag.

Isabuhay natin

Gawain 8
Subukan natin ang iyong kaalaman na natutuhan mula sa aralin.
Gamit ang paksang ibibigay sa ibababa at ang mga araling tinalakay,
gamitin itong gabay upang magawa ang gawaing inihanda.
PAKSA: Bakuna kontra CoVid
Gamit ang paksang ibinigay at bumuo ng isang balita o komentaryo
na tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng isyung ito sa bansa.
Sundin ang mga hakbang sa paggawa. Gumamit ng isang hiwalay na
papel sa pagsulat o maaaring ipasa sa messenger ng guro para sa
kaukulang pagmamarka.
Hakbang sa paggawa:
1. Pumili ng mga estratehiya sa pananaliksik na magagamit sa
pagkuha ng mga datos o impormasyon. Itala ang mga patunay sa
paggamit ng estratehiyang napili.
HALIMBAWA: Kung sarbey ay ilakip sa modyul ang kwestyuner o
ang dayalogo ng pakikipanayam.
2. Matapos makakuha ng mga impormasyon ay sagutin ang mga
katanungan sa pagsulat ng balita. Sundin ang inverted pyramid na
istilo.
3. Gamit ang mga kasagutan sa tanong at ang iba pang impormasyon
ay bumuo ng isang maikling balita tulad ng makikita sa TUKLASIN
NATIN at gumamit ng mga salita na ginagamit sa impormal na
komunikasyon.

10
4. Guhitan ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
na ginamit sa pagsulat ng balita.
Ang iyong susulatin ay dapat makasunod sa rubric sa ibaba.
Mga Pamantayan Puntos Aking
Puntos
Ang nabuong komentaryo, balita, o dagli ay nakasunod sa 5 puntos
paksa.
Nakagamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng 5 puntos
impormasyon.
Nailahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos o ideya 5 puntos
sa pagsulat.
Malinaw, makatotohanan, at kahika-hikayat ang naisulat. 5 puntos
Kabuuang Puntos 20 na
puntos

5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Tayahin Natin

Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga


natutunan sa mga paksang iyong pinag-aralan.
Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isang bagong impormasyon tungkol sa isang mahalaga at


kagaganap na pangyayari na kawili-wili at nakaapekto sa publiko.
a. balita c. magasin
b. komiks d. dagli
2. Ang balita ay karaniwang pumapaksa sa lipunan at _____.
a. pananamit c. politika
b. kaugalian d. kabuhayan
3. Sinasabing ang dagli ay lumaganap noong panahon ng mga
a. Hapon c. Amerikano
b. Intsik d. Kastila
4. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan
ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
a. imersyon c. pakikipanayam
b. obserbasyon d. pagtatanong
5. Sa pagsusulat ng detalye ng balita, gumamit ng paraang __________ sa.
Sinisimulan sa pinakamahalaga impormasyon patungo sa hindi gaanong

11
mahalagang detalye.
a. pyramid c. inverted pyramid
b. converted pyramid d. technical pyramid
6. Ito ay isang uri ng print media na nanatiling buhay pa rin hanggang sa
ngayon ang halimbawa nito ay ang mga tabloid sa bangketa.
a. magasin c. komiks
b. dagli d. pahayagan
7. Ito ay impormal na uri ng komunikasyon na nagmula sa ibang bansa
a. banyaga c. balbal
b. kolokyal d. Lalawiganin
8. Ang magasing ito ay nagsimula noon pang taong 1922 kung saan
mababasa ang popular na mga kuwento ng “Lola Basyang.”
a. Cosmopolitan c. T3
b. Candy d. Liwayway
9. Pumarada sa kalsada ang iba’t ibang uri ng tsikot. Ang salitang
magsalungguhit ay maituturing na ..
a. kolokyal c. lalawiganin
b. banyaga d. balbal
10. Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
ngunit may kagaspangan at bulgar.
a. banyaga c. kolokyal
b. balbal d. lalawiganin
11. Maaari nang mapadali ang pag-aaral ngayon dahil na rin sa tulong ng
internet. Ang salitang maysalungguhit ay halimbawa ng salitang ..
a. kolokyal c. balbal
b. banyaga d. lalawiganin
12. Ang salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang o salitang kanto.
a. banyaga c. lalawiganin
b. kolokyal d. balbal
13. Kung ang tsimoy ay salitang balbal, ano naman ang dako (bikol)?
a. lalawiganin c. banyaga
b. kolokyal d. impormal
14. Ito ay mga salitang kilala at saklaw lamang sa isang pook o lugar na
pinaggagamitan nito.
a. lalawiganin c. balbal
b. kolokyal d. banyaga
15. Itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
a. kolokyal c. lalawiganin’
b. banyaga d. balbal

12
Gawin natin

Gawain 9
Magbasa o manuod ng isang balita o komentaryo mula sa Youtube o
telebisyon. Mula dito ay suriin ang nilalaman nito gamit ang konsepto ng
inverted pyramid. Tukuyin din ang salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon.

REPLEKSYON SA ARALIN
Gawain 10
Bilang pagpapakita ng iyong pangkalahatang napagtanto sa aralin ay
bumuo ng isang diyalogo sa iyong kamag-aral tungkol sa aralin na naiuugnay
sa buhay nyo ngayon. Gumamit ng mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon. I-screenshot ang iyong usapan at ipasa sa messenger ng
guro.

13
Sanggunian
● Baisa-Julian, Aileen G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor
S. Ang Bagong Pluma 8- Ikalawang Markahan
● Infantando, R., Correa, R. Baybayin 8
● https://www.youtube.com/watch?
v=UYmQdRWJq3A&ab_channel=TitserMJTV

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O.ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writers: CHRISTINE JOY L. LLAVER
SARA S. COMPETENTE
FRANCIS TENORIO
MARIA INAH C. CATACUTAN
Editors:
Content Evaluator: MARIVIC S. POBALCION
RHAXELL A. SAŇGA
Language Evaluator: JOSEPHINE S. TOLENTINO

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO


Illustrator/Layout Artist: RHAXELL A. SAŇGA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig city and Pateros
Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

14

You might also like