You are on page 1of 18

PAGPAPASIDHING

DAMDAMIN
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na
nagpapasidhi ng damdamin
2. napahahalagahan ang konsepto ng pagpapasidhi
ng damdamin sa pang-araw-araw na sitwasyon, at;
3. Naipapakita ang iba’t ibang sidhi ng damdamin sa
pamamagitan ng pangkatang gawain
Basahin at Suriin ang mga sumusunod.

1. Malusog na malusog ang sanggol.


2. Napakalusog ng mga halaman ni
Tatay.
3. Ang alaga kong pusa ay malusog.
Basahin at Suriin ang mga sumusunod.

1. Malusog na malusog ang sanggol.


2. Napakalusog ng mga halaman ni
Tatay.
3. Ang alaga kong pusa ay malusog.
ANO ANG PANG-URI?
Ang pang-uri o (adjective) sa ingles ay isang 
bahagi ng pananalita na nagbibigay kahulugan o turing
sa ngalan ng bagay, tao, lugar, pangyayari, at marami
pang iba.
Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw
ang isang uri ng pangngalan (noun) o panghalip
(pronoun).
Halimbawa: Masakit, Masarap, Siksik ng galit, Matalino
PAGPAPASIDHING
DAMDAMIN
Pagpapasidhing Damdamin

Ito ay uri ng pagpapahayag ng


damdamin o emosyon sa
paraang papataas ang antas nito.
Nagagamit ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng ugnayang
sinonimo.
Pagpapasidhing Damdamin
Sa pagpapahayag, mahalagang
maipakita ang damdaming nais bigyang-
diin.
Ito ay maaaring ipahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
kataga o mga salita.
Paraan sa pagpapahayag ng
masidhing damdamin
1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng
pang-uri.

Halibawa:
Mainit na Mainit
Masakit na Masakit
Masayang-masaya
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng
panlaping napaka-, nag-, pagka-,
kay-, pinaka-, ka-an.

Halibawa:
Napakainit
Pinakamasakit
Napakasaya
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang gaya ng ubod, sakdal, tunay,
lubhang, at ang pinagsamang walang at
kasing.
Halibawa:
Walang kasing init
Tunay na masakit
Lubhang masaya
KATANUNGAN?
MAY TANONG AKO!
1. Paano nakatutulong ang damdamin sa
pagpapahayag ng tunay na saloobin?
2. Gaano kahalaga ang konsepto ng
pagpapasidhi ng damdamin sa pang-araw-
araw na sitwasyon.
PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng emosyon na naiiba ang
sidhi sa iba pang pangkat. Mula rito, bubuo ang bawat pangkat ng
isang maikling sitwasyon na magpapalutang ng damdaming
nabunot.   PUNTOS

Naisakatuparan ang gawaing ibinigay ngunit kakikitaan ng kakulangan sa  


pagtatanghal. 12

Pangkat 1: Pangamba
Pangkat 2: Pagkatakot Naisakatuparan ang gawaing ibinigay at angkop ang ipinakitang sitwasyon batay sa
damdaming nabunot.
 
18

Pangkat 3: Pagkainis Naisakatuparan ng mahusay at maayos ang gawaing ibinigay at angkop ang  
ipinakitang sitwasyon batay sa damdaming nabunot. 20
Pangkat 4: Pagkapoot
Pangkat 5: Paghanga
ISAHANG GAWAIN
Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 an sumusnod na mga
salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3 para sa
pinakamasidhi, 2 para samasidhi, at 1 sa di-masidhi.

__ Pagkamuhi __ nasisiyahan __ pangamba __ suklam __ sigaw


__ Pagkasuklam __ natutuwa __ kaba __ yamot __ bulong
__ Pagkagalit __ masaya __ takot __ inis __ hiyaw
MARAMING SALAMAT

You might also like